Chapter 3

140 14 0
                                    

BAE HARAM

Sa 'di malamang dahilan ay nagising ako ng maaga dahil maaga din akong nakatulog kagabi.

Excited 'yan?

Ni-ready ko na din ang susuotin para sa film namin, pero dahil "let's do it tomorrow"  ang sinabi ay hindi ko alam ang specific na oras kung kailan kami magsisimula.

I decided na maghintay na lang sa tawag nya.

2PM na ay wala pa din akong narereceive na kahit anong tawag o text mula kay Dangca, konting konti na lang ay iisipin ko nang pinagtitrip-an ako ng babaeng 'yon. 

Konti na lang din ay isusumpa ko na talaga sya, sabihin nya na lang sana kung ayaw nya gawin o ano, para naman nagawa ko na kahit solo lang ako 'di ba?

Napa-padyak na lang ako sa inis.

"Oh, anong pinapadyak-padyak mo dyan, Nak?" Tanong ni mama, hindi ko na namalayang nanonood na din pala sya sa tabi ko.

Nandito ako ngayon sa sala, kanina pa'ko palipat lipat ng channel kakahanap ng magandang panoodin pero, palinga linga pa'ko sa phone kong nasa counter just in case na may magtext.

"May lamok," nasabi ko na lang.

"Akala ko ba paalis ka ngayon?" Akala ko din ma.

"Paalis na din po maya-maya," pagsisinungaling ko.

Pumunta na sya sa kusina at magluluto daw sya ng meryenda.

"ayayay bureacat ang butterfly,
ayayay bureacat ang butterfly"

Mabilis na tinignan ko ang phone ko sa counter, dismayadong kinuha ko ang phone at tinatamad na sinagot ang tawag.

Bunot na may bangs🌸

"Woy, Bae Haram. Kailan pa ba tayo magsisimula? Kasi kung matagal pa ay maghanap kana lang ng ibang magfifilm sainyo!" 

Nailayo ko ang tenga ko sa lakas ng boses nya.

Maka-woy naman ang isang 'to, parang hindi nag request na unnie na lang daw itawag sa'kin kasi mas matanda ako ng isang taon ah.

"Nagluluto ng meryenda si mama, kung gusto mo pumun—"

"On the way sis ko, mwa."  Biglang bago ng tono ng pananalita nito, pag sa pagkain talaga ang bilis.

Mga ilang minutes lang ay dumating na din si Kotoko at ngiting ngiting binati si mommy, feeling close talaga.

Imbis na dumiretso dito sa sala ay kusina talaga ang unang pinuntahan.

Nag-buzz ang phone ko at tinatamad na kinuha ito, ngunit gulat kong tinignan ang pangalan ng nagtext at binasa dahil mula ito sa taong kanina ko pa hinihintay ang update.

Jelly Ace

Immaculada Conception Village
The first house in the right side near the guard house.

After 10 years, nabuhay.

"Kotoko, tara na!" Akit ko dito ng makitang nilalantakan na ang pancake na ginawa ni mommy.

Pinanlakihan naman ako nito ng mata at nagpabalik balik ang tingin mula sa pancake at sa'kin na akala mo'y nasa stage of choosing life decision.

"Mommy, una na po kami." Paalam ko at kiniss sa ito sa cheeks.

Hinila ko na din palabas si Kotoko na nakangiting nagpaalam habang may hawak hawak pa ding pagkain sa kamay.

"Ano ba 'tong tao na 'to, kakasimula ko lang kumain e." Pagrereklamo nito habang nakasakay na sa sasakyan, sinabi ko na lang na ililibre ko sya sa starbucks at sya naman itong ngiting ngiting hindi na nagreklamo.

Unveiling Rainbow (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon