Chapter 4

134 12 0
                                    

BAE HARAM

"Paupo kami ha," paalam ni Seowon at umupo sa tabi ni Kotoko.

"Napanood mo na ba yung My Demon?" Tanong ni bunot dito.

"Yung kay Song Kang ba? Oo yes, tapos ko na din. 100 out of 10 kasi ang gwapo ng leading man," kinikilig na sagot ni Seowon.

Pag nagsasama talaga 'tong dalawa hindi na nauubusan ng pagkekwentuhan e.

Nasa cafeteria kami ngayon dahil kakatapos lang ng klase.

Sumunod naman ang dalawa pa, si Nana sa tapat ni Kotoko at si Gehlee sa tapat ko. Halatang labag sa loob lang.

Hindi ko na lang sya pinansin, ewan ko ba. Wala ako sa mood.

"May susuotin na kayo sa birthday ni Sungchan?" Tanong ni Nana, invited nga pala kaming lahat dun.

Hindi ako mahilig umattend sa mga ganung klaseng party but I got no choice.

"Casual attire lang naman, madali na 'yon." Baliwalang sagot ni Seowon habang busy na sa nilalaro nito sa kanyang phone. Mga addict sa mobile legends.

Napatingin ako kay Nana, iniisip ko lang kung si Nana din ba ang hero nya sa ML. Natawa ako sa isip-isip ko.

Nang maramdaman kong parang may pares ng matang nakatingin sa'kin ay tinignan ko ang katabi nya, hindi nga ako nagkakamali.

Masama ang pinupukol na tingin sa'kin ng babaeng ito, at gaya kanina ay hindi ko na lang pinansin.

"Baeeeeee!!" Pagkarinig ko palang ng sigaw na iyon ay alam ko na kung kaninong boses galing 'yon.

Diretso itong tumakbo papunta sa pwesto namin at niyakap ako.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya pinaupo ko na lang sya sa left side ko kung saan walang nakaupo.

"Hi! I'm Bae's girl friend, Sumin." Pakilala nito sa mga kasama ko.

"Babaeng kaibigan," paglilinaw ko sakanila at tumango-tango naman silang na-gets ang ibig kong sabihin. 

"Hi, Sumin! I'm Kotoko, I'm Haram's girl friend din." Nangingiting pakilala nito.

"Love the humor! Friends-friends," sabay shake hands ni Sumin dito.

"I'm Lim Seowon, medyo girl friend ni Harami. And these are my friends, yung may pantay na bangs si Nana at yung isa naman si Dangca, ang School Council President ng PU." Pakilala nya sa dalawa, kinawayan naman ito ni Sumin at nginitian.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko dito, napatingin ako kay Gehlee ng makitang nakatingin na ito sa kamay ni Sumin na naka-lingkis sa braso ko, hindi ko alam pero dahan-dahan ko itong tinanggal pero binalik din nya ulit.

"Nagpa-transfer ako kay mommy, malamang. Hindi pwedeng ikaw lang 'no," paliwanag naman nito.

"I heard Elisia is also moving here, nauna nga sya sa'kin umuwi ng pinas e. Haven't you heard from her? O baka isusurprise ka nya kaya hindi nya sinabi, omyghad magkunwari kana lang nagulat ha." Sunod-sunod pang saad nito.

Nararamdaman ko nang makakasundo nya sina Kotoko at Seowon.

Elisia and Sumin are my childhood bestfriends, actually apat kami. Si Hyeonju, the mother of the group. She's the oldest among the four of us. Kaya ahead sya ng 2 years samin and she's a college graduating sa kursong Culinary Arts, our future Chef. While Elisia and Sumin both took the same course, which is architecture.

Pinili ko ang kursong psychology, just in case isa sakanila mawala sa katinuan.

They are my only friends since then, at ngayon lang ulit ako nagkaroon ng bagong kaibigan. They must be proud of me.

Unveiling Rainbow (GxG)Where stories live. Discover now