Chapter 6

125 10 0
                                    

BAE HARAM

"I hate you"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mga salitang iyon, pumikit pikit pa ako at tinignan ang babaeng nakahiga sa sofa.

Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako habang nakaupong nakapatong sa lamesa ang ulo ko sa tapat kung saan nakahiga ang babae.

I looked at Gehlee's phone and it's past 3AM.

"I hate you,"  she mumbled. Akala ko sa panaginip ko lang narinig ito, ganun nya na lang ba'ko ka-hate at hanggang panaginip nya ay iyon pa din ang bukambibig nya? Gaano ba kasama ang loob sa'kin ng babaeng 'to?

Wala naman akong ibang atraso kundi ang ipagtanggol ang rights ng mga bading sa kanya.

Napatingin ako dito ng marinig ang kanyang hikbi, masyado ba syang naging affected sa mga sinabi ko last time? Hindi ko alam na big deal talaga sakanya ang ganun, sana hindi ko na lang pala ito inawa—

"I hate you mom, I hate you so much.." sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng awa dito.

She must really hate her mother at this point, pero bakit? Ano ba talagang nangyari sa past nya?

Sandali lang akong tumingin sa mukha nito ng dahan-dahan itong magmulat. Bahagya akong nagulat, "i-i, you were so drunk earlier and i—" naputol ang sasabihin ko ng muli itong pumikit bago ko pa matapos ang sasabihin.

"I must be dreaming again," bulong nito.

Tumayo ako at hinubad ang leather jacket ko sabay ipinatong sakanya, she's still wearing the red silk dress.

Pumwesto ako sa kabilang sofa at dun na din pinagpatuloy ang kaninang masarap kong tulog. Bahala na bukas.

Nagising ako ng makitang naka-upo na si Gehlee sa sofa habang magka-cross ang mga tuhod, magka-cross din ang mga kamay sa ilalim ng dibdib nito. Umagang umaga, nakataas na agad ang kilay.

Nakapagpalit na din ito dahil iba na ang damit na suot nya, tumingin ako sa labas ng makitang maliwanag na't tirik ang araw.

Napaupo na din ako habang kinukusot-kusot ang mata, tahimik lang na nakatingin si Gehlee sa'kin. Parang anytime susunggaban ako nito at sasaksakin.

Nagmamadali akong tumayo at magpapaalam na sana ng tumayo din ito at dumiretso sa kusina nya, "I prepared breakfast, eat before you leave."

Bago pa man ako dumiretso sa CR ay hiniram ko muna ang phone nito para maki-text at binalik din agad sakanya pagkatapos, buti nga pinahiram pa'ko e. Nakakapagtaka tuloy na good mood ito ngayon, baka mamaya lasunin nya ako e.

Lumabas na'ko nang masigurong ayos na ang lahat sa'kin mula ulo hanggang paa, mahirap na baka ma-judge.

Suot ko pa rin ang suot ko kagabi, sa bahay na lang ako maliligo.

Nakaupo sya at hindi pa din ginagalaw ang pagkain, nahihiyang umupo ako sa tapat nito.

"Ba't 'di ka pa nagsimula kanina, hindi mo na sana ako hinintay." Sabi ko dito.

"I didn't wait for you, stupid." Saad naman nito at nagsimula na ding kumain, 'di nga halatang hindi nya'ko hinintay.

"Kagabi nga pala, you're wasted kaya—"

"I remember." Putol nito sa sasabihin ko.

"Kahit nung sinabi mong hindi kana galit sa'kin?" Pagsisinungaling ko.

"Are you certain about that?" Hindi makapaniwalang tanong nito, natawa ako at kumain na lang ng hindi ito sinasagot.

Tinignan ako nito ng masama, "what?" Tanong ko dito.

Unveiling Rainbow (GxG)Where stories live. Discover now