Chapter 2

143 14 0
                                    

BAE HARAM

"Lapit na ng birthday ni Sungchan, hindi ko pa din alam susuotin ko huhuness."

Hindi naman halatang excited si Kotoko.

It's been 2 weeks simula nang magsimula ang klase, hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit ang sungit-sungit sa'kin nung Gehlee na 'yon .

2 weeks nya na din akong iniikutan ng mata tuwing nagkakatinginan kami, malapit ko na nga din dukutin mata nya e.

Wala naman akong natatandaang ginawa ko na ikakagalit nya, in fact nung first day of school ko lang naman sya nakilala.

"Woy, anong thinithink mo diyan? Si Gehlee ba?" Mapang asar ako nitong tinignan habang nag tataas-baba ang kilay, e kung ahitin ko kaya kilay niya?

"Mamamo thinithink," nasabi ko na lang.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad ang mommy kong may dala nang freshly baked cookies, nakasunod naman dito si Manang Lotlot na may bitbit na dalawang baso ng gatas.

Mabilis na bumaba ng kama si Kotoko at nakangiting inabot ang mga iyon bago pa man sila tuluyang makapasok.

Gutom na gutom? Di pinapakain sa bahay?

Yes, nandito sya sa bahay.

Simula nung unang pasukan ay lagi na syang nakadikit sa'kin, hindi ko nga alam kung panong nalaman nya address namin a week ago kasi bigla bigla na lang sumulpot sa villa. Konti na lang iisipin ko nang stalker 'tong bunot na 'to e.

"Thank you Tita Alice and Manang Lot, dabest talaga kayo sa buong world and solar system!" Nag thumbs up pa ang gaga, natawa naman ang mommy at nagpaalam na ulit lumabas.

"Woy, anong plano mo sa Thursday?" Tanong ni Kotoko habang ngumunguya ng cookies, sinamahan ko ito ng tingin.

Kabilin-bilinan ko nang 'wag makipag usap ng may laman ang bibig e.

"Hindi ko din alam," napabuntong hininga na lang ako. Pano ba naman kasi, yung Gehlee na 'yon mukhang ayaw maki-operate.

Kung 'di ba naman kamalas-malasang sya ang naka-partner ko sa subject ni Professor Hyoyeon na Understanding The Self kung saan kailangan namin magvideo.

"Pataasan lang ng pride? Ilang araw na lang pasahan na nun, ikaw din." Napatingin lang ako sakanya saglit at binalik na din sa MacBook ko ang tingin, okay na nga yung script, e yung vivideo-han?

"Kausapin mo na kasi, tignan mo yung samin. Within two days, tapos na agad. 10 days lang binigay sating limit woy," sabad pa nito.

"I'll try tomorrow," mahinang sagot ko. Ngumiti naman ito na parang kinikilig, hanggang sa umubo-ubo na.

Inabutan ko ito ng gatas, ininom nya pero nabuga nya lang din, "ang init! yaaah! Bae Haram!"

"Wae?" Tatawa-tawa kong tanong, sinamaan ako nito ng tingin at sumubo ulit ng isa pang cookies.

"Takaw," bulong ko. "Ano?!" magkasalubong ang kilay nitong balik.

________________________________________

Isang subject lang papasukan namin ngayon since wala daw si Miss Sejeong, at ito na lang din ang chance na makausap si Gehlee kasi wala kami pasok bukas.

At ilang araw na lang ay due date na ng project namin.

Nasa labas palang ako ng room ay naabutan kong papasok si Dangca, kaya wala na'kong sinayang na oras.

"G-gehlee!" Naknam, kailangan magstutter Haram?

Lumingon ito at tinaasan ako ng kilay, ilang segundo akong hindi nakaimik.

Unveiling Rainbow (GxG)Where stories live. Discover now