Chapter 2

36.6K 1.3K 2.3K
                                    

Trigger Warning: Vulgar language

Father Figure

I groaned and took Brent's hand out of my shoulder. Sumunod siya at inakbayan ako ulit.

"It's for Angela," he insisted.

"Bakit? Kaibigan ko ba 'yan?" I glared at him and pushed him a bit.

"The boys are actually game since the girls kind of challenge me too."

Ang sabihin niya, wala siyang mairegalo! Ganyan 'yang style niya eh. Kunwari nag-eeffort, pero ang totoo, wala lang talaga siyang ambag kaya bumabawi dahil galit na sa kanya 'yung may birthday.

"Come on, Rick! Why are you so uptight? They're planning for a trip next month. You should come and hang out with us more." Muli niya akong inakbayan.

Varsity na nga, pati ba naman sa labas magb-bonding pa kami?

Kahit anong tanggi ko, hindi niya talaga ako tinatantanan na kahit pagkatapos ng practice, iyon na agad ang sinisingit niya.

"Kunwari ka pa! Nakalimutan mo siguro 'yan batiin last year kaya bumabawi ka," si Ron na humagalpak, pawisan pa at pinapaypay ang dulo ng kanyang t-shirt sa basa niyang tiyan nang nasa court pa rin kami.

"I just want to participate since the girls were insisting on it," si Brent.

"Really, Brent? O gusto mo lang gamitin ito para ireto ka ni Angela?" si Mavric na nakaipit pa sa gilid ng baywang ang bola at nakatayo sa inuupuan kong bench.

Nailing ako habang umaangat na agad ang mga kilay ni Ron, si Tyler naman na kuryoso, ako na tahimik na nakinig dahil madadamay pa yata.

"Ano bang plano ng girls?" si Con na nakaupo sa tabi ko, nakapangalumbaba sa nakaparte niyang mga hita.

"They're gonna rap super bass?" Brent shrugged.

"Super bass?" tanong ko. Ano 'yon?

Tumango siya. "Nicki?"

"Nicki who?" si Ron na medyo naging interesado.

"'Yung malaki ang pwet?" si Mavric.

"Really? Patingin nga ng picture?" agap ni Ron.

"Search it on the internet. Nicki... Nicki... Min something," si Mavric na pinisil ang pang-ibabang labi.

"Nicki Minaj," si Brent.

"Ah... 'yung Anaconda," si Tyler.

"What?" Ngumiwi si Con.

"My Anaconda don't want none unless you got buns, hon!" Tyler sang in a thick accent, and we all ended up laughing.

Itinapon ni Mavric ang bola sa kanya lalo na't sumayaw pa ng kaonti ang kumag at nakangising kinagat ang labi. Gago.

At dahil doon, siya na ang pinaisip ni Brent sa gagawin daw sa birthday ni Angela. Maybe he recruited us so he could do this easier. Kami pa ang pinambato at siya naman ang makikinabang.

"Gago naman! Ano ba 'yan?!" ungol nang ibang choreo na ang pinagtuturo ni Tyler sa amin.

Kaya nga ako estudyante lang kasi wala akong balak diyan sa kanta kanta o sayaw na 'yan tapos ganyan din ang ipapagawa sa akin? Sana pala nag artista nalang ako kung ganito din! Akala mo may world tour eh. Sasayaw na nga, kakanta ka pa?

Ilang araw na gano'n at hindi ko namamalayang nakasabay din sa pakulo nila. Anong 18th birthday party ba 'yon? Pipitchugin? May pa contest? Balita ko sa bahay lang daw gaganapin eh.

Kaya nang pumunta ako doon at halos mansyon na ang venue, nalaglag ang panga ko sa garbo at laki.

Kinuha ko ang phone ko para magtipa ng text nang may umakbay sa akin bigla, ang nakangising si Mavric.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon