Chapter 5

31.7K 1.3K 1.7K
                                    

Friends

Yumuko ako sa barandilya ng balkonahe habang naninigarilyo nang makauwi na. Tumingala ako at ibinuga ang usok, titig na titig sa madilim na langit.

Ngayon pa na alam ko na bakla 'yung nagugustuhan niya, o pumatol sa lalaki, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makasama 'yon sa iisang bahay kung sakali mang magdesisyon siyang pakasalan iyon.

Kahit isipin kong si Mommy naman 'yan, na dapat suportahan ko siya, hindi ko talaga kaya. Abot langit ang galit ko sa mga bakla na kahit lapagan pa ako ng maraming dahilan kung bakit kailangan ko silang respetuhin at kaawaan, talagang hindi ko kayang lunukin iyon.

Noong ako ba, naawa ba sa akin ang putang inang baklang 'yon? Hindi naman. Kaya bakit din ako maaawa sa kanila? Bakit ko sila bibigyan ng tsansang ipakita sa akin na mali ang iniisip ko sa kanila kung tapos na akong mabastos?

Biglang may umalingawngaw na tunog ng piano sa kabilang unit kaya bumaling ako doon at bahagyang nadistract.

The song is very familiar since it's quite popular being played on the piano. My dark thoughts were a bit blocked as I paid attention to its rhythm; despite its sad feeling, somehow, it's a bit comforting.

Naalala ko ang sinabi ni Brent sa kanya. He's musically inclined. Hindi na ako magugulat kung pati piano, alam niya. Kaya naman pala maraming nagkakagusto na girls. He's that talented.

I found myself indulging in it for a while, as if I were in the middle of autumn, the leaves raining down, while I watched myself fall in love with a...faceless woman.

Hayop na imagination. Korni no'n ah?

Huminto nga lang iyon makaraan ang ilang minuto kaya parang hanging binagyo ang imahinasyon ko at nawala ang makulay na paligid, bumabalik agad sa reyalided sa gitna ng madilim na gabi. It was like a shuffle of emotions, and the melancholy is taking over again. Doon ko lang din napansin na hindi ko man lang naalalang may hawak akong sigarilyo kaya muli kong hinithit.

Sa gilid ng aking mga mata, may lumabas sa kabilang balkonahe at noong makita ako, nag-amba lang na umatras.

Tanging mga mata ko ang gumalaw para tingnan siya at inangatan ko ng kilay.

Ibinalik ko ang tingin sa langit at tahimik na hinithit ulit ang sigarilyo ko. Kung wala lang nangyari kanina sa parking lot, makikipagbiruan ako sa kanya tungkol sa kapatid niya at purihin siya sa pagpa-piano niya. Kaso mukhang nilamon ng nangyari ang buong lakas ko na wala akong ganang makipag-usap.

"Humihingi ako ng tawad sa ginawa ng kapatid ko," marahan niyang sabi nang manatili sa hamba ng pinto at sumilip lang sa akin.

I nodded nonchalantly and blew out the smoke with my furrowed brows. Pakialam ko ngayon sa bubwit na 'yon.

Nag-igting ang panga ko nang hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi noong hayop na baklang 'yon. Ang kapal ng mukha niyang magpatuloy sa buhay niya na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

Pakiramdam ko, ako lang talaga ang nagbibigdeal, o nagagalit na nangyari iyon. Sa gabi-gabing iniisip ko kung mabigat ba ang nangyari, ang gumawa no'n sa akin, nakakatulog pa ng maayos at nakakausad nang walang dalang nakakadiring nakaraan.

Then, I should just shrug it off too. I should just forget about it. I should go on with my life too. Basta ang alam ko, may ginawa siya sa akin at hindi niya ako mababaliktad dito.

At ano kamo ang sabi niya, na nasarapan ako? Hah! Makita ko lang 'yon ulit, hinding-hindi ako magdadalawang isip na bugbugin siya.

Lumingon ako nang mapansin kong tahimik siyang naglakad din sa barandilya ng balkonahe niya at sumandal doon, tiningala ang madilim na langit. He was wearing a white pair of silk pajamas, which I find too flashy, but because he's not muscular, it somehow fits well on his body.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon