Chapter 11

34.5K 1.7K 3K
                                    

Birthday Party

Sinilip ko ang balkonahe niya sa gabing iyon. Hindi ko rin naririnig na magpiano kaya siguradong hindi 'yon lalabas.

O baka naman nasa gig? Hindi nga lang ako makalabas labas ngayon dahil may aaralin pa ako. Gusto ko sanang kasama ang mga boys sa study session pero wala rin kasi si Shiloh at nasa grupo nila Verena, doon humalo para sa study session. Si Brent naman, ayon nakikipag date pa rin yata. Si Connor na hindi na naman mahagilap dahil mukhang nagbalikan sila noong girlfriend niya.

Dapat pala sinabi ko nalang ang totoo kay Angela! Sinabi ko kasi na ayos na kami ni Denver at nanghingi na ako ng sorry. Ngayon, ako na ang inuutusan niyang imbitahan 'yon ngayong Sabado para sa advance birthday party niya.

Inilabas ko ang phone ko para itext si Shiloh.

"At huwag na huwag kang magpapatulong kay Shiloh!" rinig ko sa isip ko ang banta ni Angela.

Nakamove-on na siya ah? Bakit niya pa iimbitahan 'yon? Akala ko ba hindi niya na crush?

Bumalik ako sa loob ng kuwarto at napaupo sa sofa habang nagtatype ng message kay Shiloh. Hindi naman ako magpapatulong! Wala din kasi akong mairegalo ngayon kay Angela. Gipit ba naman ako dahil sa plano kong therapy... kaya siguro iyong imbitahan nalang din ang Denver na 'yon?

Reagan:

Shiloh? May Facebook ba si Denver?

Ilang sandali lang, nagreply na siya.

Shiloh:

Oo meron. Pero hindi masyadong active.

Reagan:

Pahingi ngang link.

Noong s-in-end niya iyon sa messenger ko, mabilis kong c-in-lick para ma add siya.

Ilang sigundo kong tinitigan ang Facebook profile niya na binigay ni Shiloh. Makikipagbati na nga lang, parang aabutin pa yata ako ng isang taon nito kakasuyo.

Naka side view siya sa profile picture niya kaya kitang kita ang tangos ng kanyang ilong habang sinusuklay niya paatras ang kanyang buhok at nakangiting tumingin sa malayo. Wala siyang cover photo at plain gray lang iyon.

Tamad akong nagscroll down. May bio siya pero small letters lang ng acronym ng school namin. Marami kaming mutuals at mostly sa school. Nangunguna pa si Angela Marcella Mercedes.

He seemed too low-key. Walang kahit anong post. Ang huling post ay four years ago pa. Mukhang hindi ma social media.

Pero ayos naman na yata kami? Nagbibiruan pa nga kaming dalawa sa balkonahe. Biruan ba 'yon, Rick? Ininsulto niyo lang ang isa't isa eh.

Nagchange ako ng profile picture at ginamit ang old photo ko noong mahaba pa ang buhok ko. I made sure that I was flashing my smile there; my red tongue slightly stuck out as I licked the side of my lips while I brushed my fingers against my soft hair. Medyo hawig sa profile niya kaya iyon nalang din ang ginamit ko.

Satisfied with my decision, I shamelessly added him on Facebook. Pag ito hindi niya k-in-onfirm...

I immediately typed a chat for Shiloh.

Reagan:

In-add ko siya sa Facebook, Shiloh. Sabihin mo i-confirm niya.

Shiloh:

Patingin

Bumalik ako sa wall niya kaso nang isearch ko, hindi na mahagilap. Gago? B-in-lock ako? Mariin akong pumikit nang ramdam ko agad ang pag-akyat ng dugo ko. Nakakapikon na talaga ang isang 'to!

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon