Chapter 14

27.9K 1.5K 1.5K
                                    

Trigger Warning: Vulgar words

Number

Maganda ang naging usad ng first session ko. Iyon nga lang, mabilis din iyong natapos dahil nga, atat din akong umalis. Kaya ngayong second session ko na, at nasa harap ulit ng aking therapist na si Doc Jane Sanchez, lumilipad na naman ang isip ko at gustong matapos agad.

"Let's talk about your course..." panimula niya.

The ambiance of the room was still good. Madaling huminga. Madali ring maghanap ng pampakalma dahil parang nasa bahay ka lang. I could even picture her out like my mom, who's so curious about my day, which is annoying, but in a comforting way.

And she has that air I like. She appears so open that if I told her all of my dark secrets, she would never turn her back. Ganoon ang nararamdaman ko sa kanya. Kung sa batas pa, siya ang kukunin kong abogada dahil alam ko, gagawin niya ang lahat maipanalo lamang ang kaso ko, maipagtanggol lamang ang karapatan ko.

"Is Polsci your first choice?" she asked.

"Influence. 'Yung dad ko, lawyer," tipid kong sagot habang nakapangalumbaba sa mga hita ko.

"I see... So you want to follow in his footsteps?" She smiled.

I nodded again as the remnants of memories flashed through my mind. Simula noong nangyari iyon, tambay nalang ako sa opisina niya at nagbabasa ng mga makakapal na libro. Doon ko rin nakuha ang interes na ipursue ang law dahil may mga articles akong nabasa na kumuha ng atensyon ko.

Wala naman talaga akong hilig dito noong una. Ang gusto ko lang sa college, makapagtapos. 'Yun lang. Hindi naman kasi naging problema ang pera sa pamilya namin lalo na't marami ding ari-arian ang dad ko na nakapangalan sa akin. I could just make good use of it in the future so I could continue to live a comfortable life.

Nagkasalubong ang kilay ko nang pumasok sa isip ko ang gabing nagpabago ng isip ko sa gusto kong kuning kurso sa kolehiyo. It was vivid as I saw myself interacting and laughing with the familiar faces...

"Uy Reagan! Naks! Buti at pumunta ka!" One of my high school friends greeted me when he saw me in the crowd talking to the others.

Natatawa akong nakipagbungguan ng balikat sa kanya at nginisihan siya. "Bored sa bahay. Nasa'n si Mike?"

Gumala ang tingin niya kaya naghanap din ako. Maraming bisita na hindi na magkamayaw dito sa living room. Malaki rin naman ang bahay. Ikaw ba naman na only child ng isang doctor.

"Hanapin ko. Babati muna," I said, tapping his shoulder.

He nodded and slapped my butt, which made me laugh, and I did the same thing to his butt too. Nailing akong napangiti at hinanap si Mike.

"Si Reagan..." may mga bulong at sikuhan ng girls nang swabe akong dumaan sa kumpulan ng iilan at nangingiting nag-excuse.

"Nakita niyo si Mike?" I asked one of the girls calmly, whose eyes widened at me, stunned.

"Ah...si Mike..." she absentmindedly glanced at her surroundings, but she immediately looked at me. "Hindi eh..." ngiti niya.

I nodded and smiled. "Okay, thanks. Excuse me. Hanapin ko lang." Wala sa sarili silang tumango at sinundan ako ng tingin na narinig ko pa ang hagikhikan.

Natawa nalang din ako sa sarili ko. Gusto ko pa namang kumilala ngayon. Pero sabi no'n ni Mike, may irereto siya eh. Kaso sana, meron 'yung magandang si Minnie. Crush na crush ko 'yon. Chinita eh. 'Yun nga lang, wild. Pero mas maganda nga dahil ganoon...mas gusto ko 'yon para sunggab sunggab nalang at walang hiyaan kung sakali man.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon