Chapter 12

34K 1.7K 2.6K
                                    

Trigger Warning: Homophobic remarks

Confirm

Tiningnan ko ang Facebook ko para makita kung in-accept niya na ba ako. Noong pending pa rin, kinuha ko at in-add ulit siya. Nakakabanas na talaga. Bakit ang tigas tigas niya? Ano bang pinaglalaban niya dito?

Nakisali agad ako sa boys nang senyasan ako ni Tyler na lumapit sa kanila lalo na't ayoko namang bad mood ako sa advance birthday party ni Angela.

"Ice ice baby!" Humahalo ang tinig naming boys sa iba pang sumasayaw dito sa pool area nang pumaibabaw ang kantang iyon.

Pabirong hinaplos ni Tyler ang katawan ni Mavric kaya naghagalpakan kami lalo. Natatawa na ring napapalingon ang mga girls sa amin, ngiting ngiti dahil talagang ang ligalig namin pag magkakasama.

Noong naging close ako sa kanila, nasanay na akong hindi lang girls ang clingy. Kasi pati ang boys, talagang may ganitong mga biruan. Iba na rin kasi ang closeness. Kahit sa tulog na magyayakapan pa, walang malisya.

Noong mahiya na dahil maraming nagtitinginan, may iba na nagvideo pa, umalis agad ako doon kasama si Connor na natatawa akong inakbayan habang si Tyler Ron at Mavric ay talagang hindi na maawat kakasayaw.

"Where's Brent?" tanong niya at nasa labi pa ang ngiti nang gumala ang tingin namin sa paligid. Wala dito sa pool area. Kahit si Shiloh hindi ko na makita. Baka naman nasa loob ang dalawa? Gusto ko sanang hanapin kaso lumabas si Angela at pinagtatapik na kami ni Con na magsisimula na raw ang games.

"Let's start the games, guys!" anunsyo niya at pumunta sa table kung saan naka arrange na ang mga drinks para sa body shot.

Nagsipuntahan ang lahat doon at pinaligiran na iyon. Everyone is so game since it involves naughty challenges between boys and girls.

May sinabi si Ron sa akin at nginuso ang grupo ng girls na kanina pa raw sulyap nang sulyap sa akin. Natatawa akong umiling at dinukot ang phone ko sa aking pants para tingnan ulit ang Facebook account ko.

I clicked the app and noticed he hadn't confirmed me yet. I frustratedly bit my lower lip as I took it back and added him again. Tsss.

Sumulpot din naman si Shiloh at Brent. At nakakagulat na nagpass si Brent. For the first time. Nagkatinginan pa kaming boys dahil hindi naman siya ganyan. Ngumisi lang si Mavric at nailing kaya umangat ang kilay ko.

"May bago siyang gusto, hindi ba?" si Con sa gilid ko na nakatuko ang siko sa aking balikat.

Meron naman. Pero iba 'yan pagdating sa girls. Kahit pa nandiyan ang kalandian niyan, talagang mayabang 'yang sasali sa games at irarason na game lang siya. He doesn't like relationships for a reason. Kaya ngayong tumatanggi, medyo nakakapanibago.

"Si Shiloh naman! Shiloh Shiloh!" the girls suggested.

I crossed my arms while looking at Shiloh, and noticed how Brent looked at him problematically. Umangat ang kilay ko. Magagalit siguro ang mommy niya? Medyo overprotective kasi 'yon kay Shiloh. Baka pinapabantayan din kay Brent.

When Shiloh stepped forward and chose Verena, everyone started screaming. Natawa kami nila Tyler dahil ang malas malas talaga ni Brent. Makukuha niya na yata lahat ng babae pero iyong pinaka gusto niya, kahit sulyap man lang hindi yata siya pagbibigyan.

"Wala na iiyak na si Jarsdel," natatawang kantyaw ni Ron nang lumandas na ang labi ni Verena sa panga ni Shiloh.

"Hawakan niyo si Brent!" gatong din ni Tyler.

Humalakhak ako at lumingon kay Brent na inakbayan ni Mavric, may binulong sa kanya, habang seryosong nakakrus ang mga braso ni Brent at iba na ang timpla ng ekspresyon. Oh...he's mad.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon