Chapter 6

30.4K 1.2K 1K
                                    

Trigger Warning: Homophobic remarks

Girlfriend

"Oh? Tapos na ang birthday mo ah? Himala namigay ng cake sila Rodney. Ikaw lagi ang nagbibigay," ngiti ni Mommy nang umuwi agad ako at dinala ang cake.

"Belated happy birthday, Aldrin...Aldrin? Namali yata ng spelling sa pangalan mo..." Basa niya at nagtaka sa pangalang nakalagay.

Bumaba ang balikat ko nang hindi ko man lang naalala na pinalagyan ko pala ng pangalan. Nanginginig agad ako sa pandidiri sa tuwing naalala ko ang nakita ko na namalayan ko nalang ang sariling lumabas sa building at sumakay na ng taxi pauwing Malabon.

Bading siya? Sinasabi ko na nga ba! Dapat pinagdudahan ko na ang lambot ng tinig at rahan ng kilos niya! Labi pa lang, makintab na eh!

"Reagan," tawag ni Mommy na nakahawak pa ng table knife at kumukunot ang noo sa akin. "Sino na naman bang nakaaway mo? You looked so mad, anak..."

"I-slice mo na, my. Pahingi ako," I urged impatiently.

Tumingin siya ulit sa cake. "Mali pa ang spelling ng pangalan mo. Sino bang nagbigay? Sila Rodney or..."

"Binili ko," medyo naiirita kong sagot at nagkamot ng batok.

She sighed and put the table knife down. Humalukipkip siya at nakaharap na sa akin, handa na naman akong sermonan.

"You should grow your hair back. I missed your old you..." namumungay niyang tingin sa akin.

Ayan na naman siya sa buhok ko!

"I mean, don't get me wrong, it suits you well, but you always look mad when you have a hairstyle like that! Mas lalo kang nagiging maangas tingnan." Inabot niya ang mukha ko at hinawakan pa ang hikaw ko.

Gusto kong alisin ang kamay niya ngunit mas inasar niya ako at pinitik pa iyon kaya napadaing ako saglit.

"Arte mo na rin! Purket naggi-girlfriend kana. Kaya siguro independent ka all of a sudden kasi doon mo inuuwi kaysa dito sa bahay..." at talagang tingin niya, may tinatago akong babae na hindi ko lang pinapakilala.

"Wala nga—"

"Wala pero may cake. Nag-away kayo? Ang sweet niya at binigyan ka ng cake. You know the girls will spend money on you when they're serious. Ganyan ako noon sa dad mo kasi crush na crush ko 'yon..."

"Ako nga ang bumili." I scowled and scratched my nape.

Kaya minsan ayoko dito sa bahay kasi kung saan saan napupunta ang mga pang-uusisa ni Mommy. Pero ayoko munang bumalik sa condo unit dahil may bakla pala akong kapitbahay.

Kailan lang? Noong nakipag-usap ako sa kanya...baka...iba na ang iniisip niya. Tang ina! Gusto ko pa naman ding kaibiganin dahil mahilig sa instruments tapos gano'n pala!

"Gusto kong lumipat, my," bigla kong sabi.

She leered at me. Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin kahit hindi ko na makalma ang magkasalubong kong kilay.

"Hindi naman agad agad. Dito nalang muna ako sa Malabon."

I was desperate to find another place since I don't feel comfortable at all. Kaso wala na rin akong mahanap lately kaya kahit hassle na panay uwi dito sa Malabon, pinagtyagaan ko nalang. Eh maganda doon sa napili ko dahil walking distance lang sana, o kahit fifteen minutes, nasa school kana.

Hindi naman din pumupunta sa bahay iyong pinakilala ni Mommy sa mga nagdaang buwan pero mukhang desidido talaga siyang makipagdate doon. Tang inang buhay 'to. Pakiramdam ko inaasar pa ako kaya isa isang lumalapit itong mga bading sa akin!

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon