CHAPTER 4

29 1 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bakasyon ko dito ay aabutin lang ng tatlong araw. After talking with Tita Stephanie kagabi ay pumayag na rin siyang umalis kami agad at si Ann nalang muna ang mabakasyon sa Manila.
 
  "Tell Ate my best regards and tell her I miss her," pahayag naman ni Tita Stephanie kaya napangiti ako.
 
  Ngayong araw din kasi kaming babalik ng Manila. I still can't get over with everything that has happened here pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Whatever happen, happens. Hahanapin ko nalang ang lalaking 'yon and I'll make sure he'll take the responsibility.
 
  "Sure Tita, I will."
 
  Inayos na namin ni Ann ang mga dala naming dalawa. Mamayang hapon kmi babyahe pabalik ng Manila at pasado alas-onse palang ng umaga ngayon.
 
  "Ano ba 'yan, kakarating pa nga lang dito ni Bella ay papauwiin niyo rin agad," ani naman ni Ate Pam kaya napangiti nalang ako.
 
  Lumapit naman ako sabay tapik sa kaniya. "It's okay, Ate. Alam kong marami pang pagkakataon na magkita ulit tayo kaya huwag kayong mag-alala."
 
  "Bell, basta kapag dumating na tayo sa Manila ay maghanap na agad tayo ng apartment o kaya naman condo..."
 
  "Hey, what about you guys use my condo na muna near Las Piñas? Matagal pa naman siguro akong makakatigil for good dito sa Pilipinas kaya doon nalang muna kayo," Ate Pam suggested kaya nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ann.
 
  Bigla naman kaming lumapit kay Ate Pam sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
 
  "Thank you Ate! Hulog ka talaga ng langit sa amin, hayaan mo at kami nalang ni Bell ang bahala sa pagbili ng mga bagong furnitures sa condo mo tutal last year mo lang naman binili 'yon 'di ba?" pahayag pa ni Ann sa kaniya.
 
  Napangiti naman ako dahil malaking tulong 'to sa amin ni Ann. Ate Pam invested on that condo noong nagkaroon siya ng savings for two years sa Canada.
 
  "Thank you, Ate Ann. Huwag kayong mag-alala at aalagaan namin ng mabuti ang condo mo," dagdag ko pa.
 
  "Guys lunch is ready halina kayo!" tawag naman sa amin ni Andrew.
 
  I bet fast food na naman ang pagkain namin this lunch at hindi na ako nagkamali. Nang makarating kami sa kusina ay nadatnan kong inilalabas nila Tita at Andrew ang mga inorder nilang pagkain from Kenny Rogers.
 
  Nagtataka naman ako kung bakit ang dami nilang stock foods and raw beef and pork sa fridge nila pero hindi manlang nila ito niluluto. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang minuto at nagpasya na na umalis.
 
  "Don't worry Mom, bibisitahin ko pa rin naman kayo rito kapag may free time ako kaya 'wag ka ng mag-alala," pahayag naman ni Ann kay Tita Stephanie habang bitbit na niya ang kaniyang malaking maleta.
 
  Lumapit na rin ako kay Ate Pam na kinaka-usap si Claire.
 
  "Thank you ulit Ate Pam, hayaan niyo at kapag naka luwag-luwag na ako ay babawi ako sa inyo," wika ko pa sa kaniya sabay tingin kay Claire. "Ikaw Claire, huwag ka ng pasaway dito kay Tita Stephanie ha? Bakasyon ka rin minsan sa bahay dahil alam mo naman na ikaw ang favorite pamangkin ni Mama," pahayag ko pa sa kaniya.
 
  Niyakap naman ako ni Ate Pamela kaya napangiti na ako. "Mga ilang taon na naman siguro ulit bago tayo magkita, and I hope that kapag dumating na ang panahon na 'yon ay may mapagmahal ka ng boyfriend na makakasama mo habang-buhay."
 
  Nanigas naman ako sa sinabi niya. Kahit nga na wala akong girlfriend ay nakuha na ng estranghero na 'yon ang perlas ng silanganan ko.
 
  "Hopefully Ate, sige po alis na kami."
 
  Nag-beso na ako sa kanila hanggang sa nagtaka na ako kung nasaan si Andrew. "Nasaan ang kakambal mo?" tanong ko naman kay Ann nang palabas na kami ng bahay.
 
  Bigla naman siyang napatawa sa akin. "Nagtatampo 'yon kasi ayaw pasamahin ni Mommy sa Manila. Gustong-gusto pa naman ng isang 'yon na makawala at maghanap na ng trabaho dahil board passer naman siya sa Engineering. Kaso syempre you know, dahil siya ang favorite ni Mama," pahayag pa ni Ann.
 
  Napa-iling nalang ako sa sitwasyon nila ng pamilya niya. Sumakay na kami sa shuttle bus ni Ann hanggang sa makalabas na kami ng subdivision. Mga ilang minuto rin bago kami makarating sa terminal ng Bus dahil medyo traffic ngayong araw.
 
  "Excited na akong bumalik ng Manila, girl. Imagine I've been home since graduation," wika niya naman sa akin sabay pasok namin sa bus.
 
  Napa-iling naman ako kay Ann dahil mukhang isang buwan palang naman siya na nasa kanila.
 
  Naghanap na kami ng komportableng pwesto sa bus at naunahan naman ako ni Ann sa parte ng bintana kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi niya.
 
  Inalis ko na muna ang leather jacket ko dahil hindi ako masyadong komportable. Simpleng white sleeveless and high waist jeans ang suot ko kaya hindi siya ganoon ka okay kapag walang leather jacket.
 
  "Hey!"
 
  Nagulat naman ako sa biglang pagbulyaw ni Ann sabay turo sa akin. Mabuti nalang at hindi pa ganoon ka puno ang bus kaya hindi rin kami ganoon nakahakot ng atensyon.
 
  "What is it?" pagtatakang tanong ko pa sa kaniya.
 
  Bigla niya namang hinawi ang buhok ko at agad na nanlaki ang kaniyang mata.
 
  "Is that a hickey?" bigla niya namang tanong sa akin at napalakas pa ang kaniyang boses kaya napayuko nalang ako at agad na itinago ito gamit ang buhok ko.
 
  Umiling naman ako sa kaniya. "Nope! Why would I get a hickey?"
 
  "You can't fool me, Isabella. Expert na ako sa mga 'yan kaya huwag ka nang magsinungaling sa akin. Tell me what exactly happened last night?" tanong niya naman sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako.
 
  Hindi ko naman alam ngayon kung paano ko sasabihin kay Ann. Yes, there is really a possibility na sabihin ko sa kaniya at isa na rin sa reason kung bakit ko agad siya niyaya na maghanap ng work para may karamay ako sa nararamdaman ko ngayon.
 
  Napabuntong-hininga nalang ako sa kaniya. "I'll tell you kapag nasa bahay na tayo, it's kind of complicated kaya hindi ko alam kung masasabi ko ba sa'yo dito ngayon," pahayag ko naman sa kaniya dahilan upang ilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bibig niya.
 
  "I knew it! Something has really happened back there. Hoy Bella, kilala kita and I know how tino and innocent you are, don't tell me that you already lose your..."
 
  I suddenly nodded kaya halos hindi ko na alam kung anong pinapakitang expression sa akin ngayon ni Ann. I can't even blame her, kahit ako nga ay hindi makapaniwala na nagawa ko rin 'yon.
 
  It just feels surreal until now.
 
  "Bella, why? Did you guys use protection or nah? Gaga ka talaga sa lahat ng gaga kung hindi mo muna inalam 'yon," bulong niya pa sa akin kaya napa-isip ako.
 
  Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na rin alam if the guy used condom. Sana naman talaga gumamit siya, he should know what do to during that time dahil siya naman talaga ang kumarga sa akin at nagdala papunta sa room na 'yon.
 
  "I don't know, masyadong mabilis ang pangyayari. Let's just talk about that later. Ayoko munang pag-usapan 'yan," wika ko naman sabay lagay ng earphones ko sa magkabila kong tenga at ipinikit ang mga mata ko.
 
  Ann tapped my legs dahilan para mapamulat ako sabay dungaw na rin sa bintana kaya ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko dahil mahaba naman ang byahe namin ngayon.
 
  Hours went fast. Nang makarating kami sa terminal ay pagod kaming bumaba na dalawa. Pasado alas-sais na rin kami nakarating dahil na rin sa haba ng traffic kanina sa Edsa.
 
  Pumunta na ako sa pilahan ng mga tricycle nang bigla naman akong pinigilan ni Ann.
 
  "Should we take a cab instead? Tingnan mo naman ang mga dala natin oh," pahayag niya pa sa akin.
 
  Napangiti nalang ako sa kaniya at tumango. Tumungo na kaming dalawa sa pilahan ng mga taxi at sumakay. I understand Ann, pinalaki sila ni Tita Stephanie sa luho kaya I can't blame her and hindi naman siya ganoon ka arte katulad ng ibang mga spoiled brat na batang pinalaki.
 
  "I've been wanting to hear everything from you Bell, dali na kasi sabihin mo na sa akin. Please!" wika niya naman nang makaandar na ang taxi ni Manong.
 
  Napatingin naman ako sa kaniya. "Ito naman, mamaya naman sa bahay."
 
  She started pouting and maya-maya pa ay nawala na itong nang biglang nag-ring ang phone niya.
 
  "Babe?"
 
  Napadungaw nalang ako sa bintana nang mapagtanto na si Ryan ang katawagan niya sa cellphone. Bigla ko rin naman agad naalala ang cellphone kong nawala sa bar na 'yon, and I'm really sure na naiwan ko talaga 'yon sa room kung saan may nangyari sa amin ng lalaki.
 
  "Saang street po tayo sa Maginhawa Village, Ma'am?" tanong naman ni Manong driver sa amin kaya napatingin na ako sa kaniya.
 
  "Sa Anahaw Street lang Manong, sa may orange na gate."
 
  Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay natanaw ko agad si Mama sa terrace sa taas. Paniguradong alam na niyang uuwi kami dito ngayon ni Ann dahil kay Tita Stephanie.
 
  "Thank you, Manong!" pahayag ko sabay abot ng three-hundred pesos kay Manong na galing kay Ann.
 
  Tinulungan na kami ni Manong na ibaba ang mga maleta namin at nilisan na rin ang lugar.
 
  "Hi Tita! I missed you!" bungad na pahayag ni Ann nang makababa na si Mama galing sa terrace.
 
  "Annalise, na miss din kitang bata ka. Matagal-tagal na rin nang maka-uwi ako sa Mommy mo doon sa Tagaytay ano?" ani naman ni Mama.
 
  Ito namang si Mama mukhang hindi lang ako nakita dahil nauna pang inalalayan si Ann papasok.
 
  "Ma, nandito rin po ako. Hindi niyo po ba ako na miss?" biro ko naman sa kaniya.
 
  Alam ko namang may kasalanan akong nagawa dahil sa pagwala ko ng cellphone ko.
 
  "Ikaw bata ka may kasalanan ka pa sa akin, pero saka na 'yan at pumasok na kayo dahil alam kong pagod pa kayo galing sa byahe."
 
  Nang makapasok kami sa bahay ay hindi ko agad naaninag si Dos. "Nasaan si Dos, Ma?" tanong ko kay Mama.
 
  "Nasa taas, nilalagnat ang kapatid mo dahil nagtampisaw kaninang umaga sa ulan habang naglalaba ako ng mga damit niya kanina sa likod ng bahay," sagot naman ni Mama sabay sarado ng gate.
 
  Napahawak naman ako sa noo ko. "Nako, ito talagang kapatid ko napakapasaway."
 
  "Kanino pa ba nagmana?" wika rin ni Ann sabay upo sa sofa kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
 
  Pumasok na si Mama sa loob ng bahay at tuluyang isinara ang pintuan. Umupo naman siya sa harapan namin ni Ann na parang hahatulan ako.
 
  "Okay, nakapagluto na ako ng sinigang na baboy sa kusina kaya bukas nalang natin pag-usapan ang tungkol sa nawawala mong cellphone, Bella. Masamang pag-usapan sa harap ng pagkain ang mga nawawalang bagay," wika naman ni Mama.
 
  Tumayo na ako at humarap sa kaniya. "Does it mean na bawal na rin pag-usapan si Papa sa harap ng hapag-kainan, right?"
 
  Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mama at tumakbo na agad sa kusina. Sumunod nalang sila sa akin ni Ann.
 
  "Alam mo girl, lagot ka talaga sa nanay mo mamaya, sige ka," wika niya naman kaya napangiti nalang ako.
 
  "Hayaan mo si Mama, palagi kong binibiro 'yan pero maya-maya good mood na naman 'yan."
 
  Mukhang nawala naman lahat ng pagod at sakit ko sa katawan nang maamoy ang niluto ni Mama na sinigang. Tamang-tama talaga 'to sa panahon ngayong gabi at masarap humigop ng sabaw.
 
  "Ano pala ang pumasok sa isip niyo at magtatrabaho kayo earlier than we expected?" tanong sa amin ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
 
  Tamang sipa lang kami ng paa kani-kanina lang dahil sobrang tahimik ng paligid and thank goodness, Mom has spoken a word.
 
  Napangiti naman si Ann sa kaniya. "Uhmm, when Bella told me about that idea po kasi Tita, napag-isipan ko rin na wala naman akong ginagawa sa bahay namin tha whole summer kaya why not start the job earlier hindi ba? Ang besides honestly, bagot na bagot na rin talaga ako sa bahay."
 
  Tahimik lang akong kumakain dito dahil baka ano pa ang masabi sa akin ni Mama. Mas maayos na na sila lang ni Ann ang mag-usap dahil madaldal naman talaga 'tong pinsan ko na 'to.
 
  Mom diverted her gaze at me kaya feeling ko ay nanlalamig ang buo kong katawan. Hindi ko kasi kayang tingnan si Mama habang may tinagatong sikreto. Paano ko sasabihin sa kaniya na kaya nawala na cellphone ko dahil may naka one night stand ako sa isang bar at may possibility pa na ma-buntis ako.
 
  "How about you, Bell? Hindi ko akalain na ilang araw ka lang doon sa Tita mo at mawawala pa talaga ang kakabili lang ng Kuya mo na cellphone sayo."
 
  I pouted. "Sorry na kasi Ma, hindi ko naman kasi sinasadya na iwala 'yon dahil lasing din naman kaming apat talaga noong mga time na 'yo," wika ko pa sa kaniya.
 
  Dali-dali nalang namin tinapos ni Ann ang pagkain dahil alam naming marami pang tanong si Mama na itatapon.
 
  "Magpapahinga na kami Tita, bukas kasi ay mag-uumpisa na kami ni Bell sa interview namin para the earlier the better," sambit ni Bell sabay kaladkad sa akin sa kwarto ko.
 
  Alam kong kanina pa 'to atat na atat sa sasabihin ko kaya hinayaan ko nalang. "Wait lang, magbibihis na muna ako at mag hahalf-bath bago makipagchikahan," ani ko sa kaniya.
 
  "Ay sige, doon na ako gagamit ng shower kay Tita para sabay na tayong makatapos at makapagchika na rin."
 
  Napa-iling nalang ako kay Ann. Pagkatpaos kong maghalfbath ay nagbihis na ako ng damit pantulog. Wala pang ilang minuto akong nakatapos namg biglang bumukas ang pintuan sabay pasok ni Ann.
 
  "Okay, chika minute!"
 
  Umupo na kaming dalawa sa kama ko. "Okay, sasabihin ko 'to sayo pero please, don't tell anyone about this kahit pa kay Mama. Hindi niya pwedeng malaman 'to dahil kapag nalaman 'to ni Kuya ay siguradong magagalit siya sa akin," warning ko naman kay Ann.
 
  She hastily nodded. "Dali na, tell me the details."
 
  "Ganito kasi 'yon, after feeling dizzy at ihing-ihi na rin ako ay tumungo na ako sa restroom at nang makalabas ako, I saw this perfect guy na may resemblance kay Mark..."
 
  "Mark Monterde?"
 
  "Yup, patapusin mo kasi muna ako! Then after that nagulat nalang ako nang bigla niya akong ikinarga and I was shocked when I didn't even resist and after that we hax you know intercourse," pahayag ko pa sa kaniya.
 
  Halos hindi naman siya makapaniwala ngayon sa sinasabi ko. "So for short, nakipagchukchakan ka sa hindi mo kilala? Like a total stranger na kamukha lang ng crush mo noong college tayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ann sa akin which I then nodded nalang.
 
  "Pero Ann, kinakabahan ako. What if mabuntis ako? What if hindi pala talaga siya nagsuot ng condom? What do I do?" taranta kong tanong sa kaniya.
 
  Since sinabi ko na rin ang problema ko, then maybe I could grasp some help from her. Kahapon pa rin kasing bumabagabag 'to sa isipin ako ang possibility of being pregnant.
 
  Napatayo naman is Ann. "Then that's the worst case girl. Ano ka ba naman kasi, alam kong kahit na lasing na lasing ka ay alam mo pa rin ang ginagaw mo. Mukhang type mo siguro talaga ang lalaking 'yon kaya ka pumayag, 'no?"
 
  Inirapan ko naman siya. "I did it out of my alcohol intake kaya if sober ako alam mo namang hinding-hindi ko magagawa 'yon."
 
  "So anong sinasabi mo kasalanan ng alcohol kung bakit may nangyari sa inyo ng stranger, is that it?"
 
  Agad ko naman siyang nilapitan. "Babaan mo lang ang boses mo at baka marinig tayo ni Mama galing sa labas. Let's just start finding some job starting tomorrow para hindi ko masyadong isipin ang problema kong 'to," suggestion ko naman.
 
  Umupo na ulit siya sa kama ko at ngumiti. "Don't worry girl, the first thing I'll buy in the morning is a pregnancy test kit, I got chu! Let's sleep na for now dahil I am very exhausted from the long travel kanina," ani niya pa.
 
  Napahinga nalang ako ng malalim dahil ang akala kong bakasyon ko lang sa Tagaytay para makapag-unwind ako ay mukhang binigyan pa nga ako ng malaking problema.
 
  The morning came at maaga pa kaming nagising dalawa. Ang una ko namang pinuntahan namg magising ako ay ang kapatid kong si Dos sa kaniyang kwarto. Mainit pa rin ang noo niya hanggang ngayon kaya I decided to cook a soup para sa aming apat.
 
  "What's our agenda for today, girl?" tanong naman sa akin ni Ann habang nag-iinat ng katawan sa tabi ng kitchen table.
 
  I am preparing a cream and corn soup right now. Paborito rin 'to ni Dos kaya ipaghahanda ko siya.
 
  "We'll be attending an interview sa sinasabi mong Louis and Diego," maikling sagot ko sa kaniya.
 
  Hindi ko naman alam kung bakit parang bigla siyang nabuhayan sa sinabi ko. "Akala ko ba ayaw mo ro'n kasi masyadong mataas ang standards kemene nila?"
 
  "I just happen to browse on their company kagabi while you're sleeping kaya let's try."
 
  The sole reason kasi talaga kung bakit ako nagpasa ng resumé to that fashion company is that Diego Miguel. Ayokong mag assume o mangarap na isang bilyonaryo ang naka one night stand ko pero there is nothing wrong in proving my self right naman kaya okay lang.
 
  "Okay that's good. Sana naman makapasok na tayo para makapagwork na agad. Pero kailan naman tayo mag momove-out sa condo ni Ate?" tanong pa sa akin ni Ann.
 
  Nang maisalang ko na ang soup at humarap na ako sa kaniya. "If we got accepted on the job, doon na tayo magpapaalam kay Mama," sagot ko.
 
  After having our breakfast nagising na si Mama. Nagulat naman siya kung bakit ang aga pa naming naka formal attire.
 
  "Ang aga niyo naman masyado, excited much lang?" tanong niya naman sa akin habang abala pa sa pagkuha ng kaniyang morning star.
 
  Nag-aayos naman ako ngayon ng skirt ko habang nasa tapat ng salamin habang si Ann naman ay tinitingnan ang kaniyang sarili.
 
  "Alam mo kasi Tita kapag early ka, you can catch a lot of worms. Kagaya mamaya, kapag nauna kami ni Bella ay siguradong makakapasok kami sa trabaho on time," wika niya pa.
 
  "What about Pam's condo na sinasabi niyong titirhan niyo habang nag wowork kayo?"
 
  Humarap na ako kay Mama. "Saka na namin 'yon pupuntahan Ma kapag natanggap na kami mamaya sa trabaho, we'll be fine don't worry about us. Siya nga pala, may soup ako na niluto for Dos and pakisabi nalang sa kaniya paggising niya na babawi si Ate sa kaniya."
 
  Kinuha ko na ang black satchel ko sa center table sa sala.
 
  "Sige mabuti naman at nagluto ka na pala. Ingat kayo ang good luck sa interview," pahayag pa ni Mama sa amin.
 
  "Thank you!" sabay naming sabi ni Ann at lumabas na ng bahay.
 
  Ito panigurado na taxi na naman ang sasakyan namin. Kalapit-lapit lang lumabas ng highway eh.
 
  "Mag grab nalang tayo papunta sa company dahil I bet medyo malayo talaga 'yon dito," wika ni Ann kaya sumang-ayon nalang ako para wala ng gulo.
 

The Possessive Billionaireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن