CHAPTER 16

15 1 0
                                    

Kasalukuyan naman akong naglalakad ngayon pabalik sa office namin. Pasado ala-una na ng hapon at panay na ang text ng mga kasama ko sa akin. Si Kuya Chad na bumili ng pagkain ko ay malamang kanina pa kao hinihintay no'n.
 
  Nang makapasok ako sa opisina ay napatingin silang lahat sa akin. Agad ko namang napansin si Ann na nakangiti lang sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
 
  "How did it go, Bella? By the way, we heard to you weee scolded by the new creative director. Is it true?" tanong naman sa akin ni Sir Zacky habang umiinom ng smoothie niya.
 
  Tumango naman ako. "Oo, Sir. Pasensya na po talaga, hindi ko kasi natapos lahat ng mga digital draw flats ko ngayong araw eh."
 
  Napataas naman ang kilay ni Sir. "How in the world are you gonna finish all of those patterns?" hindi makapaniwalang sambit ni Sir Zacky kaya napakibit-balikat nalang ako.
 
  "Hindi ko nga rin po alam eh, pero I'll try to finish everything tonight since nagpapasama pa sa akin si Sir Diego na pumunta sa mga subcontractors ng kompanya," wika ko naman sabay tungo sa desk ko at hinampas si Ann ng marahan.
 
  Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Where have you been ha at hindi..."
 
  "Si Sir Diego?"
 
  Naputol naman ang pagsaway ko kay Ann nang biglang tumaas ang boses ni Sir Zacky dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
 
  "Uhmm, yes Sir. Ayoko nga rin sanang sumama pero..."
 
  "Go ahead, Isabella. You know what? Because of you, our team is getting a higher recognition that the other team around the company kaya go, samahan mo lang si Sir," sambit pa niya kaya nagulat ako.
 
  Ang akala ko kasing magagalit siya ay mas lalo naman siyang natuwa. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ngayon sa kanilang isa ako sa pasok sa tram para sa bridal fair sa Bangkok.
 
  "Ano ba 'yan. Isang taon na akong nagtatrabaho rito, pero mas crush pa ni Si Diego si Bella keysa sa akin. Naliligo naman ako araw-araw and pantay lang naman ang beauty namin kaya bakit ha?" sambit din naman ni Tyron kaya napatawa kaming lahat.
 
  Agad namang lumapit sa akin si Chad. "Ito nga pala ang change sa pera mo, Bella. Nandiyan ang pagkain kaya kumain ka na muna at hapon na."
 
  "Salamat, Kuya Chad. Pumunta lang kasi talaga ako rito para kunin ang bag ko dahil nagmamadali si Sir Diego na umalis. Mamaya ko nalang kakainin 'yan."
 
  "Ngayon na talaga, girl?" pagtatakang tanong naman sa akin ni Ann kaya napatingin ako sa kaniya.
 
  Tumango naman ako sabay dampot ng bag ko sa desk. "Oo eh. We'll talk later ha? Aalis na ako," ani ko pa at nagpaalam na sa kanilang lahat.
 
  Sinabihan kasi ako ni Diego na maghintay nalang sa parking lot para maka-alis na kaagad kami. Nang makababa naman ako ay agad kong naaninag ang sasakyan ni Diego na nasa kaliwang bahagi lang ng parking lot. Nakasandal naman siya sa sasakyan niya habang nag-aayos ng wrist watch kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya ng matagal.
 
  "Every second count, don't waste it. Get in the car."
 
  Napa-iling naman ako nang mapagtanto kong medyo matagal din pala ang pagtitig ko sa kaniya. Nauna na siyang pumasok sa sasakyan kaya dali-dali na rin akong pumasok sa likuran.
 
  "I am not your driver, transfer seat," agad niyang pahayag kaya hindi na ako naka-upo sa likuran at tumungo na sa front seat.
 
  Ang sungit-sungit naman nitong lalaking 'to!
 
  Nang maka-pwesto na ako ng maayos sa front seat ay agad ko namang isinuot ang seatbelt. Mahiya naman ako kung itutulad ko ang sarili ko sa mga pelikula na ang lalaki pa ang magsusuot ng seatbelt, pagkatapos ay magkakaroon ng problema ang upuan at maghahalikan ang dalawa. Jusmeyo!
 
  "Are you even listening!" Nagulat naman ako sa marahang pagsigaw ni Diego sa kain kaya dali-dali akong napatingin sa kaniya.
 
  Sinigawan niya nga ako, pero sobrang hina naman ang mukhang siya lang ang makakarinig. Agad naman kaong ngumiti sa kaniya dahil kung susungitan ko na naman siya ay baka manuyo pa ako ng wala sa oras. Marami pa akong trabahong gagawin kaya magpapakabait nalang muna ako ngayon.
 
  "Here, take a look at them," sambit niya sabay bigay sa akin ng puting folder.
 
  Napakunot naman ang noo ko. "What shall I do with this, Sir?"
 
  "The folder contains the list of the organizations around the country, and I want you to choose one and we'll donate some cash for their assistance," pahayag niya pa kaya nagulat ako.
 
  Hindi naman kasi pwedeng ako mag magdesisyon dahil wala naman ako sa board of directors ng kompanya at kailangang buong kompanya ang mag decide para rito.
 
  "I don't think this is a good idea, Sir. I have nothing to do..."
 
  "I'm using my own money for this, so please choose. Make sure malapit lang siya sa Makati so that we could hop in there after going to the sweatshop this afternoon," pahayag niya pa.
 
  Napabuntong-hininga nalang ako at binuksan ang folder. Nakita ko naman ang ilang mga organizations at charity groups kaya binasa ko na ito isa-isa. Kahit na sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Diego sa sasakyan niya ay hindi manlang ako nakakaramdam ng kaba. Ganito ba talaga ang sasakyan ng mga mayayaman?
 
  "Greenpeace is the top priority for me, Sir. The issue about our environment is rampant these days so I guess this will be a worth spending for. What do you think?"
 
  Tumingin naman ako sa kaniya para tingnan kung ano ang magiging reaksyon niya. I am actually confident of what I've said since mas mabuti naman talaga na mag donate ang kompanya sa mga ganitong organisasyon sa ngayong mga panahon.
 
  "Good choice," maikling sagot niya.
 
  Napangiti naman ako at isinara nalang ang folder sabay dungaw ng paningin ko sa labas. Hindi ko naman akalain na magdadalawang buwan palang ako sa trabaho ko, pero ang mga achievements ko ngayon ay sobrang dami na. Alam ko namang pinaghirapan ko ang lahat nang mga 'to kaya when someone questions my authority, then I am accountable for that.
 
  Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa sinasabi niyang sweatshop. Hindi ko naman akalain na ang sweatshop factory na pinagkulunan ng mga leather at garments ng kompanya ay nasa isang bayan sa Makati.
 
  Tumigil na ang sasakyan ni Diego kaya bumaba na kaming dalawa. Nabasa ko naman ang pangalan ng building na "Guerra Zabri." May kalumaan na ito at nangangalawang na rin ang lugar. Naglakad na papasok si Diego kaya agad na akong sumunod na sa kaniya.
 
  "Maganda hapon po, Sir Miguel," sambit ni Manong na may nakasabit na bimpo sa kaniyang leeg.
 
  Napangiti naman ako dahil ang akala ko ay deri-deritso lang sa paglakad si Diego, pero hindi naman ako nag expect na titigil ito upang makipagkamay kela Manong na nag-aabang sa kaniya sa labas.
 
  "Kumusta na po ang mga trabaho n'yo rito, Mang Fidel?" tanong niya pa kaya mas lalo akong nagulat.
 
  Nakakapagsalita rin pala 'to ng straight filipino si kumag. Sa tingin ko ngayon ay unti-unti kong nakikilala si Diego dahil sa pagsasama namin. Hindi man matagal pero kahit papaano ay nakikilala ko na ulit siya.
 
  "Ito po Sir, patuloy pa rin po sa pagsisikap araw-araw. Naihanda na rin po pala lahat ng mga katad at tela na gagamitin ng kompanya ninyo," sambit pa ni Manong Fidel.
 
  "I am here to check the leather and to know the development since the company needs it more than anything else this month," pahayag pa niya at tuluyan nang pumasok sa loob.
 
  Maglalakad na sana ako, pero agad naman akong nakaramdaman ng sakit ng tiyan. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain ng umagahan at tanghalian dahil kaninang umaga ay nagkape lang ako at hindi ko naman kinain ang biniling lunch ni Kuya Chad sa akin.
 
  "Miss Rendon."
 
  Agad naman akong napasulyap kay Diego nang bigla niya akong tawagin. "Susunod po ako, Sir."
 
  Hindi ko nalang pinansin ang gutom ko at sumunod na kay Sir papasok ng factory. Namangha naman ako dahil sa mga ginagawa nila sa loob. Iba't-ibang mga machine ang nando'n na nag-ooperate ng mga tela sabay painit nang mga ito. Pero nagulat naman ako nang makakita ng cowhide at lambskin. Hindi na naman bago sa akin dahil alam kong ginagamit nga talaga ang mga animal skin para sa paggawa ng mga leather bags and shoes.
 
  Napatigil naman si Diego sa paglalakad dahilan para mapatigil din ako. Tumungo na siya sa lalaking nakangiti sa kaniya kaya sumunod nalang din ako.
 
  "Ricardo!"
 
  "Sir Miguel!
 
  Miguel pala ang tawag ng mga taga-rito sa kaniya. Habang abala sila sa pag-uusap ay naglakad-lakad naman ako sa loob. Alam kong abala ang lahat kaya naghanap nalang ako ng medyo hindi busy na tao para maka-usap tungkol dito.
 
  "Manong," mahinang sambit ko kay Manong na kasalukuyang umiinom ng tubig ngayon.
 
  Napatigil naman siya sa ginagawa niya sabay tingin sa akin.
 
  "Ay, tapusin n'yo po muna ang pag-inom ng tubig." Baka ako pa kasi sisihin ni Manong kapag nabilaukan siya.
 
  Napangiti naman siya sa akin at ibinaba na ang bote ng tubig. "Ano po 'yon, Ma'am? Siya nga ho pala, ngayon ko lang po kayo nakitang pupumunta rito. Sa tuwing bumibisita kasi rito si Sir Diego ay si Madam Evangeline at Ma'am Lavender ang kasama niya. Kayo na ho ba ang asawa ni Sir?"
 
  Mukhang ako naman ang mabibilaukan sa sinabi ni Manong kaya agad akong napatawa.
 
  "Hindi, Manong. Nagtatrabaho lang din po ako sa kompanya ni Sir Diego ngayon at ako lang talaga ang bakante na pwede niyang isama ngayon kaya ho ako nandito." Grabe naman 'tong si Manong, asawa talaga agad.
 
  Ngumiti naman siya sa akin. "Ako nga pala si Jose, Ma'am. Isa sa mga contractor dito."
 
  "Isabella po, Manong. Bella nalang po para hindi na kayo mahirapan mag-pronounce ng pangalan ko."
 
  Napangiti naman si Manong. Napansin ko naman ang magpapa-init siya sa mga tela sa likuran niya kaya napadungaw ako.
 
  "Ano po pala ang mga proseso niyan, Manong? Pwede ko po bang malaman?" Kahit papaano naman kasi ay may malaman at tutal nandito na rin naman ako eh.
 
  "Ito po ang ang tanning process na tinatawag. Ginagamitan ng ilang mga tanning agents para maging mas durable pa po at hindi mabulok hanggang sa lagyan na ng kulay ng kumukuha ng produkto," paliwanag niya naman habang panay ang tingin sa lambskin yata ito.
 
  Paniguradong malaking pera ang ginagastos ng mga Morales sa kompanya nila para lang sa processing na 'to.
 
  "Miss Rendon."
 
  Napalingon naman ako nang biglang akon tawagin ni Diego. Mariin naman siyang napatingin sa akin kaya agad na rin akong napangiti kay Manong Jose.
 
  "Maraming salamat po ulit sa oras, Manong Jose. Ipagpatuloy niyo lang po ang ginagawa niyo riyan at tinatawag na po ako ng boss ko." Kumaway na ako at dali-daling tumakbo pabalik kay Diego.
 
  Tumigil naman ako sa harap nilang dalawa, kasama ang isang lalaking kaedad niya lang din. Marumi ang damit niya dahil sa mga paligid niya rito, pero hindi mo naman maipagkakaila na may itsura talaga siya at mukhang mas matipuno pa nga ang pangangatawan keysa kay Diego.
 
  "Martin, this is Isabella, my girlfriend."
 
  Napalunok naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Diego. Hindi ko kasi iniexpect 'yon.
 
  "Ha?" pagtatakang tanong ko pero nagulat naman ako ng bigla niya akong hawakan sa beywang sabay lapit sa kaniya.
 
  Napangiti naman 'yung Martin na nasa harapan na namin ngayon. "I never thought that after two years, you will now have a girlfriend, Miguel. What about my sister, Portia? Still bitter?"
 
  Ang nakangiting mukha ko ay napalitan naman ng pagsisimangot. Kaya pala ipinakilala niya akong girlfriend niya dahil kapatid pala 'to ng ex niya ang lalaki.
 
  Pero wala naman talaga akong gusto kay Diego, hindi ko lang alam kung bakit ako nalungkot.
 
  Whatever!
 
  "She gave up on me, Martin. You know it well. We'll go ahead now since there are errands I have to run to, today," pahayag pa ni Diego sabay hawak sa kamay ko.
 
  Ngumiti naman sa akin si Martin. "It's nice actually meeting your new girlfriend, Miguel. Have a sade trip, I'll just let you know about the development here."
 
  Tumango na si Diego at naglakad na kami palabas ng factory. Hindi pa rin niya binibitawan ang beywang ko hanggang sa makarating na kami sa labas.
 
  "About what I've said earlier, just take it as a joke," sambit niya naman sabay pasok sa loob ng kotse.
 
  As if naman na magiging affected ako para lang do'n. Anong akala niya sa akin, may gusto sa kaniya?
 
  Hell no!
 
  Pumasok na rin ako sa sasakyan niya at nag-umpisa nang umandar ito. Napatingin naman ako sa relo ko at napansing pasado alas-kwatro na ng hapon kaya nataranta na ako. May kailangan pa kasi akong ipasa kay Ma'am Jean ngayong araw kaya alam kong lagot na naman ako sa kaniya kapag bukas ko pa ipinasa.
 
  Bumyahe naman kaming dalawa ng halos kalahating oras. Habang patagal nang patagal ang nagdaang oras ay unti-unti naman akong nanghihina. Ayoko namang magreklamo kay Diego dahil baka pabigat lang ako ngayon sa lakad namin.
 
  Nang makarating kami sa Greenpeace office ay agad na kaming bumaba. Nagulat naman ang mga employee sa loob kaya dali-dali nilang tinawag ang kanilang manager.
 
  "Sir Morales? Sir Diego Morales?" hindi makapaniwanag sambit ng isang babae nang makita niya si Diego. "By the way, I am Valeri Santos, the head manager of Greenpeace ogranization. Come in, Sir."
 
  Pumasok na kaming dalawa sa office nila at pina-upo na rin. Panay naman ang kuha ng litrato ng mga employee kay Diego kaya napa-iling nalang ako.
 
  "We didn't expect your arrival, Sir Morales. Hindi rin po kami makapaniwala na ang aming organisasyon po ang mapipili ninyo," sambit naman ng babae.
 
  "I'm here to donate something for this organization. We are actually finding some organizations to be partnered with and we have chosen this."
 
  Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila Diego. Unti-unti namang pumipikit ang mga mata ko dahil sa tingin ko ay mawawalan na ako ng malay. Nahihilo ako na nasusuka kahit wala naman akong kinakain. Kinakabahan ako na baka bumalik na naman ang ulcer ko kagaya noong bata pa ako.
 
  "Sir..." Hindi na ako nakapagsalita ng maayos dahil tuluyan na akong natumba sa kina-uupuan ko.
 
  Ang huli ko nalang narinig ay ang sigaw ng mga tao sa loob at si Diego na natataranta habang hinahawakan ako sa bisig niya. Wala lang ilang segundo ay doon na ako napapikit at nawalan ng malay.

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now