CHAPTER 17

16 2 0
                                    

Napamulat naman ako nang makaramdam ako ng sakit sa mata dahil sa labis na liwanag. Una ko namang nakita ang mga gintong furnitures na nasa harapan ko at ang isang malaking vinyl mirror sa kanang bahagi ng kwarto. Inilibot ko naman ang mata ko sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakabahan dahil the last I remember kanina ay nasa bisig ako ni Diego.
 
  Sinubukan kong bumangon, pero masyado namang makapal ang kumot kaya kinuha na muna ito galing sa katawan ko. Nang akma ko na sanang ibababa ang mga paa ko ay agad naman akong nakarinig ng footsteps dahil hindi pala naisara ng tama ang pintuan.
 
  Nagulat naman ako nang pumasok si Diego sa loob na may bitbit na tray na puno ng pagkain kaya agad siyang napatigil nang makita niya ako sabay iwas ng tingin.
 
  "You're awake now," mahinang pahayag niya sabay lapag ng pagkain sa side table. "I was told to bring this food to you. Eat it up dahil marami na akong na miss na trabaho just because you haven't eaten since this morning."
 
  Napayuko naman agad ako. "I'm sorry, Sir. I didn't mean to interrupt your work at hindi ko rin po alam na mangyayari..."
 
  "It's okay. Eat it up so you'll feel better."
 
  Umupo naman siya sa malaking couch sa tapat ng kama kaya nagtaka ako. Marami anong gustong itanong sa kaniya, pero kinuha ko nalang muna ang pagkain dahil nga nagugutom na talaga ako.
 
  Nagulat naman ako nang makita ang escabeche na nasa mangkok at kanin. Agad ko namang naalala na paborito pala ni Diego ang escabeche kaya hindi na ako magtataka kung ito lang ang ipapaluto niya sa mga yaya nila at ipakain sa akin.
 
  "Why are you staring on the food like that as if I put poison in there?" giit niyang tanong sa akin kaya agad akong napa-iling sa kaniya.
 
  "Hindi po, Sir. Natutuwa lang ako kasi paborito ko rin kasi ang escabeche lalo na kapag bangus."
 
  "Then go ahead."
 
  Ngumiti nalang ako sa kaniya at kumain na. Pagkatapos kong kumain ay ibinalik ko na ang try sa side table at humarap kay Sir Diego na abala sa pagpirma ng mga dokumento sa couch.
 
  "Uhmm, gusto ko lang po ulit magpasalamat dahil hindi po ninyo ako pinabayaan, Sir," mahinang pahayag ko naman sa kaniya.
 
  Ayoko naman kasing maabala siya sa pagtatrabaho, pero I feel like I need to thank him para maka-alis na rin agad ako.
 
  "No worries. You're working under my company so I am responsible for you," maikli niyang sagot without even botherin to tilt his head para makita niya ako.
 
  Tumayo naman na ako at dinampot ang bag ko para magtext kay Ann. Agad ko namang naalala na may trabaho pa pala akong naiwan at kailangan kong ipasa bukas kaya nataranta na akong kunin ang cellphone ko.
 
  "Uhmm, babalik na po ako sa opisina, Sir. Maraming salamat po pala ulit sa tulong ninyo at may tatapusin pa akong trabaho sa kompanya ngayong araw."
 
  He squinted his eyes towards me. "What work? Closed na ang company ng ganitong oras."
 
  "Po?" Napatingin naman agad ako sa cellphone ko at nagulat na pasado alas-dyes na pala ng gabi.
 
  Nakita ko rin ang sandamakmak na tawag ni Ann simula kaninang hapon kaya kinabahan na ako sabay tayo. Alam kong lagot ako nito kay Ma'am Jean bukas kaya dali-dali kong tiningnan ang email ko at hindi nga ako nagkamali, andami na niyang na email sa akin talking about the flat designs.
 
  Dali-dali ko namang inayos ang buhok ko at handa na sanang aalis. "Kailangan ko na pong umalis, Sir. May tatapusin pa kasi akong trabaho..."
 
  "You won't be able to go home. This private villa is actually far from the company and the capital kaya wala kang masasakyan pauwi." Putol niya naman sa pagsasalita ko.
 
  Ito talagang si Diego ay trip na trip niyang hindi ako patapusin sa mga sinasabi ko. Sabi ko na nga ba eh! I really have a bad feeling about this errand na ginawa namin buong maghapon kaya napahawak nalang ako sa noo ko at napabalik nang upo sa kama.
 
  "Why are you so tense? You are infront of your boss kaya bakit ka natatakot?"
 
  Napatingin naman ako sa kaniya. Tama nga naman ang sinabi niya at siya nga talaga ang pinakaboss dito.
 
  "Uhm, it's not about that kasi, Sir. I was told by the creative director..."
 
  "Jean?"
 
  "Yes, Sir. Ma'am Jean."
 
  Pinutol na niya naman ang pagsasalita ko.
 
  "It's okay. I'll tell her you're with me."
 
  "Don't tell her, Sir!" agad kong bulyaw sabay taas ng kamay ko sa kaniya.
 
  Bahagya naman siyang nagulat sa inasal ko, pero hindi niya nalang ito pinansin. "Okay," maikli niyang sagot.
 
  Napanguso nalang ako at bumalik sa kaka-upo. Ang awkward naman kasi kung casual akong makikipag-usap sa kaniya lalo na at may ginagawa pa siya ngayon. Nag-open nalang ako ng cellphone ko at sinubukang tawagan si Ann.
 
  "Excuse me, Sir." Tumayo na ako at tumungo sa veranda para tawagan siya.
 
  Mga ilang segundo ring nag-ring ang cellphone ko at agad din niya itong sinagot.
 
  "Belladona!" Napalayo naman ako ng tenga ko sa cellphone sa biglang pagsigaw ni Ann.
 
  "I'm sorry, Ann. Hindi ko na nasagot lahat ng tawag mo kanina dahil nag passed out ako," sambit ko naman sa kaniya.
 
  "Nasaan ka ngayon? Kasama mo ba si Sir Diego?"
 
  Tarantang-taranta pa rin ang boses ni Ann hanggang ngayon. "Oo, nandito ako ngayon nagpapahinga sa bahay nila."
 
  "Okay, as long as you're fine. Bye!"
 
  "Sandali, Ann..."
 
  Napabuntong-hininga naman ako dahil pinatayan nila nalang agad ako ng tawag. Hindi ko alam kung concern talaga 'yung pinsan ko na 'yon sa akin eh. Napa-iling nalang ako at pumasok na sa loob.
 
  Tamang-tama naman na katatapos lang din ni Diego sa ginagawa niya kaya tumayo na siya at tumungo sa isang side ng room na hindi ko naman alam kung ano. Bumalik na ako sa kinaroroonan ng bag ko para magpaalam sana kay Diego kung saan ako matutulog.
 
  Naghintay nalang ako dito sa loob kung ano man ang ginawa niya. Inilibot ko nalang muna ang paningin ko sa buong kwarto at ang unang nakita ko ay ang family picture nila sa bedside table noong mga bata pa sila ni Sir Louis at napangiti naman ako dahil ang cute nila pareho. Mayroon ding litrato ni Diego pag-graduate niya ng highschool. Inubos ko nalang ang mga nagdaang minuto sa pagtingin ng mga gamit sa kwarto niya hanggang nagpasya nalang akong lumabas sa veranda.
 
  Malalim na ang gabi kaya tanaw na tanaw ko mula rito ang sinag ng buwan. Nasa mataas na bahagi itong mansyon nila Diego kaya tanaw na tanaw ko rin mula rito ang city lights which has actually a better view keysa sa condo ni Ate Pam.
 
  "It's your turn, Isabella."
 
  Nang marinig ko namang nagsalita si Diego ay agad na akong napalingon, only to find out that his only wearing a towel kaya dali-dali akong napayuko.
 
  Yes, I've seen his body before, pero hindi naman ako sanay na makakita ng ganito dahil hindi ko naman siya kaano-ano.
 
  "Turn to what, Sir?" Patuloy pa rin akong nakayuko.
 
  Baka sabihin niya pang minamanyak ko siya kapag panay ang titig ko sa katawan niya.
 
  As if!
 
  "Aren't you gonna change clothes? I don't want you to sleep in my bed without even cleaning your body."
 
  Nangunot naman ang noo ko dahil alam niya namang wala akong damit dito kaya anong isusuot ko kapag nagshower ako at isa pa 'wag niyang sasabihin na dito ako matutulog sa kwarto niya?
 
  "Uhm, sa guest room nalang po ako matutulog, Sir. Wala rin naman kasi akong dalang damit dito ngayon kaya sa labas nalang po ako."
 
  Hindi niya naman ako pinansin at pumasok na naman ulit doon sa walk-in-closet niya. Maya-maya pa ay may bitbit na siyang mga tela sabay tapon nito sa akin.
 
  "Wear that for the meantime," anito.
 
  Tiningnan ko naman ang ibinigay niya, isang malaking tshirt at shorts. Ano naman ang gagawin ko rito at paniguradong magmumukha akong hanger dito?
 
  "Stop looking at it and take a shower now," ma-awtoridad niya namang sabi sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako at pumunta na sa shower room.
 
  Namangha naman ako sa loob ng shower room nila dahil mukhang isang master's bedroom na ng mga middle class people ang laki nito. Ngayon ko lang din pala naalala si Sir Louis, kasi kung wala siya rito ngayon ay malamang hindi ito ang main house nila Diego.
 
  Umiling nalang ako at nag shower na dahil baka masigawan pa ako mamaya ni Diego. Pagkatapos kong mag shower ay napilitan akong hindi magsuot ng underwear at bra dahil nga wala akong dalawa kaya malaking t-shirt lang talaga ang suot ko at shorts.
 
  "Take your meds before going to bed." Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko.
 
  Napansin ko naman ang suot niyang tom and jerry na pantulog kaya agad kong pinigilan ang tawa ko dahil baka maaabunutan pa niya ako mamaya. Kinuha ko nalang ang gamot at tubig sa kamay niya at tumungo na sa couch.
 
  "Saan po pala akong kwarto matutulog, Sir?"
 
  "Here in my bedroom."
 
  Nagulat naman ako dahil impossible naman na walang bakanteng guest room sa ganito kalaking bahay. Hindi pa ako nakakalabas, pero alam ko naman na sobrang laki ng bahay na 'to.
 
  "Okay na po ako sa guest room, Sir. Baka kasi madumihan pa ang kama ninyo kapag diyan ako matutulog."
 
  Napatigil naman siya sa paggamit ng macbook niya sabay tingin sa akin. "As what I've said, I am responsible of my employee's health that I why I should be the one checking upon you from time to time."
 
  Hindi nalang ako umimik at napatango nalang. Sabihin niya nalang kasi na gusto niya ako makasama matulog, ang dami pa niyang sinasabing rason.
 
  Hay nako, mga lalaki nga naman ngayon.
 
  Pumwesto na ako dito sa couch para humiga, alam ko namang gusto niya akong matulog sa kama niya pero nakakakiya naman na hihiga lang ako ro'n.
 
  "Matutulog ka na ba?"
 
  Napabangon naman ako sa tanong niya. "Opo, Sir. Ayos na ho ako rito."
 
  "Okay." Ibinaling na niya ulit ang sarili niya sa kaniyang laptop kaya humiga na ulit ako.
 
  Ngayon lang din ako nakapagpahinga ng maayos dahil pagod talaga ako kanina sa mga ginagawa ko. Ngayon lang din ang gabing wala akong ginagawa, dahil usually kapag nandoon kami ni Ann sa condo ay nagtatrabaho kami bago matulog o tinatapos ang mga flat designs.
 
  Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil maaga pa akong gigising bukas at uuwi pa ako sa condo para magbihis. Sana naman ay hindi ako masigawan bukas ni Ma'am Jean sa hindi ko pagtapos ng mga ipapasa sa kaniya.
 
  Nagising naman ako dahil sa init. Nagtaka naman ako dahil pakiramdam ko ay nasa isang cocoon ako na sobrang balot na balot kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nagtaka naman ako dahil sobrang kumot na kumot ako ngayon kaya dahan-dahan na akong bumangon.
 
  Napansin ko namang nandito na pala ako ngayon sa malaking kama ni Diego kaya agad ko siyang hinanap dahil malamang ay sa couch na 'yon natulog. Grabe hindi ko manlang namalayan na binuhat niya ako galing sa couch papunta rito.
 
  Bumangon na ako at agad na hinanap ang cellphone ko para tingnan ang oras. Nadatnan ko naman na nakatihayang nakahiga si Diego na halos wala manlang kakumot-kumot. Napangiti naman ako dahil sobrang inosente ng mukha niya habang natutulog kaya lumapit na ako sa kaniya. Hindi niya rin naman ako mapapansin dahil alam kong tulog na tulog na siya ngayon.
 
  "Hindi ko alam kung bakit ka pinakilala ni Papa Jesus sa akin Diego. Marami akong natutunan sa'yo at hindi ko lang alam kung mayroon ka bang natutunan sa akin dahilan para magkakilala tayo in this lifetime," mahinang sambit ko habang hinihimas ang noo niya.
 
  He is actually a nice person.
 
  Noong tumigil kasi ako sa office niya habang nandoon ang Mommy niya ay napansin ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. He is actually a thoughtful and kind person towards his family. Matapang lang talaga siya and bold outside, pero mahahalata mo naman when you finally get to know him na lola's boy or mommy's boy siya.
 
  Tumayo na ako at naghanap ng kumot para ikumot kay Diego, alam ko naman kasing sobrang lamig ng kwarto niya at nakaramdam lang ako ng init kanina dahil sobrang kapal ng kumot sa kama ni Diego. Tumungo na ako sa closet niya at naghanap ng kumot. Habang binubuksan ko ang mga cabinet niya ay may napansin naman akong frame na baligtad kaya agad ko itong kinuha.
 
  "Portia Elaine Cervantes," Basa ko sa nakalagay sa gilid ng picture frame.
 
  Pinagmasdan ko naman ang litrato nilang dalawa na nasa Eiffel tower sa Paris habang masayang nakangiti. Sinabi kasi ni Sir Louis sa akin na Portia is Diego's first love, at kanina noong nasa Guerra Zabri kami ay kapatid pala ni Portia si Martin kaya ako ang ipinakilala niyang girlfriend dahil siguro na tense lang siya do'n sa kapatid.
 
  Ibinalik ko nalang ang frame ay agad nang kumuha ng extra blanket sabay tungo sa kinaroroonan ni Diego. Marahan ko naman iyong ikinumot sa kaniya at nagulat ako nang bigla siyang gumalaw kaya tumigil muna ako sandali.
 
  Nang maayos ko na ang kumot niya ay akma na sana akong aalis, pero nagulat naman ako nang bigla niya akong hawakan sa beywang sabay yakap papunta sa kaniya dahilan para mapasandal ako ngayon sa bisig niya.
 
  "Hmmm, I love you..."
 
  Nagulat naman ako sa biglang sinabi ni Diego. Kung para sa akin man 'yon ay masyado namang maaga dahil halos dalawang buwan palang kaming magkakilala.
 
  "...Portia."
 
  Napatigil ako sa paggalaw nang bigla niyang binanggit ang pangalan ng kaniyang ex kaya agad nalang akong kumawala sa bisig niya at dinampot ang cellphone ko sabay balik na sa kama para matulog ulit.
 

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now