CHAPTER 15

15 1 0
                                    

Nang makarating kami sa office niya ay nauna naman siyang pumasok sa loob. Napatigil muna ako ng ilang segundo bago rin tuluyang pumasok. Nagulat naman ako nang madatnan ko sa loob sina Miss Lavender at Sir Louis kaya napangiti ako.
 
  Mabuti nalang talaga at nandito sila dahil kanina pa akong kinakabahan kapag kasama ko si Diego.
 
  "Isabella," wika naman ni Miss Lavender sabay kaway sa akin habang abala sila ni Sir Louis sa pag-uusap sa couch.
 
  Ngumiti naman ako. "Hi, Ma'am."
 
  May iniabot naman si Diego na folder sa akin kaya agad ko naman itong tinanggap. Walang ka sigla-sigla ang mukha ni Diego simula noong nagdaang araw kaya nagtaka ako. Hindi ko naman kasi dati akalain na hahabulin niya ako para lang sa anak niya.
 
  "So sis-in-law..."
 
  "Sis, what?" Naputol naman ang pagsasalita ni Sir Louis nang biglang napatayo si Miss Lavender.
 
  Napayuko naman ako dahil nandito pa mismo si Sir Diego at Miss Lavender, at pagkatapos ay iyon pa ang itinawag sa akin ni Sir Louis. Jusko naman po! Gusto ko nalang talagang magpalamon sa lupa.
 
  "I'll pause with the formalities," sambit ni Miss Lavender sabay tingin kay Sir Louis. "Insan, why are you calling Isabella, sis-in-law?"
 
  Napangiti naman si Sir Louis at napatingin kay Sir Diego na kanina pa masama ang tingin sa kaniya. Nag-iba naman bigla ang aura ng buong office kaya kinabahan na ako. Huwag naman sanang magkaroon ng commotion dito ngayon at hindi ko na talaga alam ang magiging reaksyon ko.
 
  "Let's talk business here. I still have a lot to do today, Louis," seryosong pahayag ni Sir Diego kaya lahat kami ay napa-ayos at napa-upo sa circular lounge na nasa harapan lang ng desk niya.
 
  Tumayo naman si Miss Lavender at tumungo na sa gitna sabay present. "So these past few months, we are on the company's peak. The board of directors maximized the teams all over to the production, design, sales & marketing and echetera."
 
  Inilahad na lahat ni Miss Lavender sa presentation ang mga kailangan naming gawin. Nagulat naman ako nang makita na kasama ako sa team nila papuntang abroad for the bridal event. Ang buong akala ko kasi ay dito lang siya gaganapin sa loob ng Pilipinas; either BGC or Cavite.
 
  "And to sum up everything, this will be the official team to go to Bangkok next month for the fashion week, including Jean, Janessa, and Nathaniel," wika pa ni Sir Diego kaya nagulat ako.
 
  Kanina kasi ay magkasama na kami nila Janessa at Ma'am Jean, pero ako lang talaga ang pinatawag niya. Masaya ako at the same time ay kinakabahan. Alam kong hindi ko dapat patulan ang head ng creative team dahil lang kapatid 'yon ni Janessa. Ayoko rin namang mag back-out dahil sobrang laking opportunity nito para sa akin.
 
  "Uhmm, I am just a graphic designer, why should I have to be in the list?" mahinang tanong ko naman sa kanila.
 
  Agad naman akong nilapitan ni Diego sabay lapit ng mukha niya sa akin. "You deserve to be in the list, Miss Rendon. I hope you won't criticize my choices from now on."
 
  Napayuko naman ako. "Yes, Sir. I'm sorry."
 
  Kahit na gusto kong sapakin si Diego ngayon ay hindi ko magawa dahil baka mawalan pa ako ng trabaho nang wala sa oras.
 
  "The reason why Sir Diego called you here Isabella, is because we want to use your design as on of the bridal collections. We just want to ask permission," sambit pa ni Miss Lavender kaya nagulat ako.
 
  Nanigas naman ako sa kina-uupuan ko ngayon habang nakatingin sila sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil sa pagka-overwhelm o ngingiti dahil sa sobrang saya.
 
  "Sis-in-law, you're passing out," wika naman ni Sir Louis sabay tapik ng balikat ko kaya agad akong napa-iling.
 
  "Uhmm, oo naman po. It would be an honor para sa isang newbie na katulad ko para gamitin sa isang international fashion show. I appreciate that, Miss Lavender, Sir Louis..." Marahan naman akong napatigil sa pagsasalita nang mapatingin na ako kay Diego na seryosong nakatingin sa akin. "...salamat din po, Sir Diego."
 
  Ngumiti naman sa akin si Miss Lavender. "It's settled then. This will be a confidential information, so please refrain from telling anyone about it, di you understand?"
 
  Tumango naman ako. "Yes, Miss Lavender."
 
  "Okay, so let's now proceed to the garments and design."
 
  Habang nagpi-present si Miss Lavender ay panay naman ang take down notes ko. Daig ko pa ang sekretarya ni Sir Diego sa ginagawa ko eh.
 
  "And for the date of the TFW, it will be on May 21st. I hope we'll be able to finish everything beforehand."
 
  "We'll make if possible. We can't count on Marcello since he's busy preparing for the big launching of the Spring collection in Europe as well as the other head fashion designers of every team. We need to do it by ourselves," sambit pa ni Diego kaya napatingin ako sa kaniya.
 
  Mukhang mali nga talaga ang pagkakakilala ko kay Dieog simulang noong mga nangyari. Who would've thought that he is actually a domineering and cold person. He's aura is sayong about him being a CEO of this company and it's actually a good thing
  Noong mga panahon siguro last month ay confused lang din siya, dahil ang sinabi sa akin ni Sir Louis ay isa siyang asexual na lalaki.
 
  "Then I think this meeting is over," sambit naman ni Sir Louis sabay tingin sa akin. "By the way, as for you sis-in-law, starting tomorrow, you will be with Lavender and Sir Diego's new office for the preparation of the bi-annual event together with Nathaniel, Jean, and Janessa."
 
  Nanlaki naman ang mga mata ko dahil mukhang napa-aga naman ang pagsasama ng mga ayaw kong makasamang tao, pero syempre hindi dapat ako magpa-apekto sa mga ganiyan dahil pangarap ko na ang nakasalalay dito.
 
  "Meeting is dismissed. Lavender and Louis, you can now leave except for you Isabella," pahayag pa ni Diego kaya nagulat ako.
 
  Napangiti naman ang dalawa at agad nang nilisan ang opisina niya.
 
  "Bye bye, sis-in-law," wika naman ni Sir Louis sa akin bago lumabas at si Miss Lavender naman ay napangiti lang.
 
  Nakatalikod naman ang pwesto ko ngayon kay Diego kaya hindi ko alam kung lilingon ba ako o ano. Parang ayoko nalang umalis dito sa kina-uupuan ko at magpalamon nalang nang buo sa lounge.
 
  "Miss Rendon?" tawag niya naman sa akin naka agad na nagsitayuan ang mga balahibo sa balat ko.
 
  Nagdadalawang-isip nalang ako kung lilingon ba ako at sasagot sa kaniya, pero inisip ko nalang na nagtatrabaho ako kaya agad nalang akong tumayo sabay lingon.
 
  "Yes, Sir?" nakangiting pahayag ko.
 
  Chill lang dapat ako at baka bigla ko nalang siyang masampal kapag may ginagawa siyang hindi kaaya-aya sa akin ngayon.
 
  "Get me some coffee. A black coffee," sambit nito sabay upo sa desk niya.
 
  Nagulat naman ako dahil the last time I remember, isa akong graphic designer at hindi sekretarya niya. Ano na namang parusa 'tong binibigay niya ngayon just because hindi ako nabuntis?
 
  "Are you deaf, Miss Rendon?" ulit niyang tanong sa akin habang abala sa pagtingin ng mga portfolio na nasa desk niya.
 
  Napabuntong-hininga nalang ako. "Okay, Sir. Right away!"
 
  Akma na sana akong lalabas, pero nagulat naman ako nang bigla niyang ibinaba ang kamay niya sa desk dahilan para magkaroon ito ng tunog.
 
  "The espresso machine is rightt beside my office table, Miss Rendon," mahinahon niyang pahayag kaya dahan-dahan akong napalingon.
 
  Nahiya naman ako sa kaniya kaya yumuko nalang ako at tumungo na sa na sa coffee machine para ipag-brew siya ng kape. Bagay naman sa kaniya ang black coffee dahil and ugali ay ay parang black coffee.
 
  "Here's your coffee, Sir." Dahan-dahan kong inilapag ang isang cup ng coffee sa gilid ng desk niya sabay ngiti ng maayos.
 
  Muntikan ko nang mahulog ang tasa nang biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ni Diego kaya agad naman akong napatingin doon. Napansin ko namang hindi bothered si Diego sa kumatok kaya ako nalang ang napatingin.
 
  "Sir?" Agad naman akong nakarinig nang isang malambing at malanding boses kaya napataas ang kilay ko.
 
  Masyado niya naman atang ginalingan kung sino man 'tong babaeng 'to. Nang bumukas naman ang pintuan ay laking gulat ko nang makita si Janessa na may dalang dalawang kape sa kaniyang kaliwang kamay.
 
  Napatigil naman siya nang makita niya akong nasa tabi ni Sir Diego, pero hindi manlang nag-abala si Diego para tingnan siya. Marahan naman siyang lumapit sa amin sabay irap sa akin, pero hinayaan ko nalang at dahan-dahan nang naglakad palabas sana ng opisina.
 
  "Stay here, Miss Rendon. There are few things I need to discuss with you," sambit niya pa kaya napatigil na naman ako sa paglalakad.
 
  Hanggang kailan niya pa ba ako balak na patigilin dito? May trabaho pa ako sa baba kaya baka ma-gg na ako kay Sir Zacky kapag hindi pa ako nakabalik ng maaga.
 
  Napansin ko namang masama ang tingin sa akin ni Janessa kaya ginawa ko nalang 'yon para mainis la siya. Ngumiti na ako at umupo sa couch habang ngiting-ngiti.
 
  "Okay, Sir. Wait kita," masayang pahayag ko naman dahilan upang mainis pa si Janessa.
 
  Hindi niya naman ako pinansin at patuloy lang na naglakad hanggang makalapit na siya kay Diego. Tumalikod nalang ako dahil mukhang hindi ko kakayanin ang gagawin nilang dalawa.
 
  "I bought your favorite, Sir. Irish coffee and cinnamon."
 
  Nagulat naman ako na may cinnamon pala siyang dala dahil mukhang wala naman na akong nakita kanina maliban sa dalawang kape na dala niya, pero hindi ko nalang ito pinansin at dinampot nalang ang cellphone ko sa skirt ko sabay hanap ng number ni Ann.
 
  "I'm good, Isabella made me some coffee so you don't need to give me one." Dinig ko namang pahayag ni Diego kaya patago akong natawa.
 
  Hindi ko alam kung ano na ang mukha ngayon ni Janessa, pero alam kong inis na inis na 'yon sakin. Hay na'ko ka girl! Pasensya ka nalang at nauna na akong gumawa ng kape ni Sir Diego.
 
  Ang kaninang inis na inis ako at gustong-gusto ko nang maka-alis dito ay nag-iba na ngayon. Hindi ko alam, pero sa lahat ng mga ginawa ni Janessa ay hindi naman ako anghel para manahimik lang.
 
  "Is that so, Sir? Then just try this freshly baked cinnamon. I'm the one who baked it, Sir," pahayag pa nito.
 
  "I'm good. Can you please refrain from doing unnecessary moves when I am working, Miss Janessa?"
 
  Nagulat naman ako sa biglang sinabi ni Diego. Hindi ko naman akalain na sasabihin niya 'yon kay Janessa ngayon kaya pigil na pigil ako sa pagtawa. Burn girl!
 
  "I'm sorry, Sir. Maybe I'll just leave this here and leave."
 
  "Okay," malamig na tugon ni Diego.
 
  Agad naman akong lumingon nang mapansin kong naglalakad na palabas si Janessa. Napangiti naman ako sa kaniya nang bigla niya akong sinamaan ng tingin. Marahan akong kumaway habang siya naman ay alam kong sasabog na sa galit dahil sa ipinakita sa kaniya ni Diego.
 
  Nang tuluyan namang makalabas si Janessa ay nawala na ang mga ngiti sa mukha ko at bumalik na naman ang inis ko kay Diego. Tumayo na ako at naglakad palapit sa kaniya.
 
  "Can I go now, Sir? I still need to work kaya wala na rin naman sigurong gagawin dito ngayon since tapos na ang meeting kanina," sambit ko pa sa kaniya.
 
  Napatigil naman siya sa pagtingin ng mga portfolio at napatingin sa akin. "I need to go to one of the company's branch, and I want you to accompany me."
 
  Napataas naman ang kilay ko. "What? I mean, why me, Sir? I am just a junior graphic designer, so I think it's inappropriate for you to stay with me if a paparazzi spotted us together."
 
  Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo sabay lapit sa akin. Unti-unti naman ako napapa-atras hanggang hindi ko na namalayan na may couch pala sa likuran ko dahil para matumba ako. Agad naman akong kinabahan dahil nasa ibabaw ko na naman ngayon si Diego. Naalala ko na naman ang mga panahong ay nangyari sa amin sa bar kaya napatakip nalang ako ng katawan ko gamit ang mga kamay ko.
 
  "Who's your boss, Miss Rendon?" tanong niya, ang boses niya ay sadya naman talagang nakaka-akit kaya hindi ko mapigilan na manginig.
 
  "Sasama na ho ako sa inyo, Sir," utal-utal ko pang pahayag.
 
  He leaned his body towards me kaya lalo akong napahiga. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin kaya napapapikit nalang ako.
 
  Kalma ka lang, Bella. Hindi ka niya kakainin!
 
  Ang akala kong itutuloy niya ay hindi nangyari namg bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan dahilan upang mataranta ako at napatayo. Hindi ko manlang napagtanto na nasa harapan ko pala si Diego kaya nauntog ang noo ko sa mukha niya.
 
  "Aw!" daing niya pa naka napababa naman ang kilay ko.
 
  "Get a room, Diego!"
 
  Agad naman akong napatayo nang may marinig akong boses. Nakita ko naman ang isang babae na kamukha ni Diego at Sir Louis kaya agad ko itong nakilala. Hiyang-hiya naman ako dahil alam kong Mommy niya ito kaya agad akong napayuko.
 
  "What are you doing here, Mom?" tanong ni Diego sabay balik sa kaniyang desk na parang wala lang nangyari.
 
  "I brought you some escabeche. I know I can't perfect your lola's dish, but atleast I tried," sambit pa nito sabay sulyap sa akin. "And who are you?"
 
  Ngumiti naman ako sabay yuko. "I'm Isabella Maxine, Ma'am. A graphic designer," pakilala ko pa.
 
  Napataas naman ang kilay niya sa akin. "Then why are you here in my son's office?"
 
  "Uhmm, I..."
 
  "She's one of my team in Bangkok, Mom. She's also the creator of the final gown of our company." Putol naman ni Diego kaya nagulat ako.
 

The Possessive BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon