CHAPTER 18

11 1 0
                                    

  "Where are the patterns, Isabella?"
 
  Napatigil naman ako sa paggawa ng draw flats dahil sa pagtawag ni Ma'am Jean sa pangalan ko. Tumayo na ako at ibinigay sa kaniya ang mga patterns ng bridal gowns. Ang trabaho kong pag layout lang ng mga final samples ay hindi ko naman akalain na ako na ngayon ang gumagawa ng draw flats.
 
  "Here are the complete set of the patterns, Ma'am," sambit ko sabay bigay ng portfolio sa kaniya.
 
  Abala kaming lahat sa pagtrabaho rito sa bagong bukas na office sa tabi lang ng opisina ni Diego. Mas malaki naman siya keysa sa opisina namin sa baba kaya mas convenient ang paggalaw namin.
 
  Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nakitulog ako sa bahay nila Diego, at pagkatapos ng mga nangyari na 'yon ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
 
  The same cold Diego. Ang arrogante at supladong Diego.
 
  "I want the tech packs to be ready this afternoon, Isabella. Are you getting it finished?" tanong pa sa akin ni Ma'am Jean.
 
  Tumango naman ako sa kaniya. "Malapit ko na pong matapos ang mga natitirang designs Ma'am. Ready na po for pre-production."
 
  "Good. Kindly send this to Janessa so she'll be able to transfer it to the sew-by sample generators."
 
  "Copy that, Ma'am."
 
  Wala pa ngayon rito si Diego at si Sir Louis dahil may meeting daw sila sa taas kaya kami na muna ang nag-aasikaso sa lahat. Inayos ko na ang mga dapat gawin at lumapit kay Miss Lavender.
 
  Nadatnan ko naman siyang gumagawa ng patterns. Agad ko namang naalala kung saan ko ba natutunang magdesign ng mga gowns at dresses dahil may naalala talaga akong may nagturo sa akin, pero hindi ko lang talaga alam kung sino at kailan.
 
  "Miss Lavender, I want you to check my work-in-progress designs," wika ko sabay bigay sa kaniya ng gawa ko.
 
  Kinakabahan naman ako dahil ilang araw palang akong sinabihan na gumawa ng mga draw flats at nagpapasalamat naman ako kay Miss Lavender dahil hindi niya naman ako pinapagalitan kapag may mga mali akong nagagawa o nailalagay sa designs.
 
  Hindi ko nga rin alam kung bakit sa akin agad ipinagkatiwala ang ganitong klaseng international event dahil baguhan lang ako, pero iniisip ko nalang na gawin ang best ko para hindi naman masayang ang paglagay nila sa akin sa posisyon na 'to.
 
  "These designs are getting better, Isabella. I didn't think you'd finish it earlier that I expected."
 
  Napangiti naman ako sa sinabi ni Miss Lavender sa akin. "Talaga po? Thank you so much, Miss Lavender. All I need to do is to send this to Ma'am Jean para ma approve na niya."
 
  "Go ahead! I'll check the other designs later."
 
  Nilisan ko na nag desk ni Miss Lavender at bumalik sa pwesto ko. Nakapagtataka nga dahil hindi na ako masyadong pinagsusungitan ni Ma'am Jean, pagkatapos ay hindi na rin ako pinapansin si Janessa kaya wala nang away na nagaganap sa aming lahat ngayon, puro trabaho nalang ang inaatupag.
 
  "I'm hungry!"
 
  Napatingin naman ako kay Janessa na biglang uminat habang tinatapos ang processing ng sew-by generators para sa garments namin.
 
  "I am also hungry," dagdag pa ni Ma'am Jean.
 
  "Napatingin naman sa akin si Janessa kaya kinutuban na ako sa gagawin niya.
 
  "Can you buy some lunch for us, Isabella? Seems that you're the only one who already finish some work today," wika niya pa.
 
  Hindi nga niya ako inaaway, pero may mga way pa rin siya para bigyan lang ako ng maraming trabaho.
 
  "No need to do that, Janessa. I'll just order some food for..."
 
  "It's okay, Miss Lavender. Ako nalang po ang lalabas at malapit ang naman ang cafeteria natin." Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.
 
  Nananakit kasi ang paa ko dahil na rin sa stilettos sandals na suot ko araw-araw sa trabaho. Atsaka gusto ko ring makalabas dahil bibisita ako sa mga kasama ko sa baba. Halos isang linggo ko na rin silang hindi nakakasama sa trabaho at tanging si Ann lang ang nakakausap ko dahil iisang condo lang ang inuuwian namin.
 
  "Are you sure, Isabella?" ulit pang tanong ni Miss Lavender.
 
  Ngumiti naman ako sabay tango sa kaniya. "Yes po."
 
  Kinuha ko na ang mga credit card in Ma'am Jean. Nanibago naman ako dahil ang mga kasama ko na under kay Sir Zacky ay isa-isa kaming nagbibigay ng pera. Tinitipid din kasi namin ang savings ng team namin at tuwing lumalabas lang kami ginagastos ang pera.
 
  "I want some pasta and smoothie, Isabella," wika naman ni Janessa sa akin.
 
  "Lasagna and garlic bread lang sa akin," dagdag pa ni Ma'am Jean.
 
  "Same goes for me, Isabella!" sigaw din ni Miss Lavender.
 
  "Copy that."
 
  Lumabas na ako ng office at naglakad patungo sa cafeteria. Napansin ko namang hindi masyadong mahaba ang pila kaya dali-dali na akong tumungo roon para mag-order.
 
  "Twelve-thousand, four hundred thirty-eight pesos."
 
  Nanlaki naman ang mga mata ko sa order ng mga kasamahan ko. Hindi ko naman akalain na may ganito kamahal palang mga pagkain dito sa cafeteria. Ang kinakain lang kasi namin nila Ann at Tyron ay 'yong mga mura lang.
 
  "Ito po, babalikan ko nalang po maya-maya at may pupuntahan lang ako, Ate," sambit ko naman kay Ateng cashier.
 
  Napataas naman ang kilay niya sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin at ngumiti nalang ng malapad.
 
  "Give me your name."
 
  "Maxine," tugon ko sabay bigay ng credit card.
 
  Ni-swipe na niya ito at agad ko namang ibinigay ang pin. Pagkatapos ay ibinalik niya na rin kaya umalis na agad ako sa cafeteria para tumungo sa elevator. Habang naglalakad ako sa corner ng corridor ay hindi ko naman namalayan na may makakasalubong pala akong tao, kaya dahil ipinanganak ako kumakain ng hilaw na itlog ay may nabanggan na naman ako.
 
  "I'm sorry, Miss!"
 
  Napayuko naman ako at napahawak sa noo ko dahil feeling ko ay tumama ang ulo ko sa matigas niyang katawan na animo'y bato. Nang makaramdam na ako ng konting kirot ay tumingala na ako at nakita ko ang lalaking ubod ng puti na may baby blue eyes na mata.
 
  "Okay lang po, Sir. No worries," sambit ko naman sabay ngiti sa kaniya.
 
  Sa tindig niya kasi at sa tingin ko mataas din ang posisyon niya rito sa kompanya. Hindi ko lang talaga matingnan ang identification card niya dahil nakakahiya namang gawin ko 'yon.
 
  "Are you hurt? Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya pa sa akin.
 
  Agad naman akong umiling. "Ayos lang po ako. Sige po mauna na ako at may kailangan pa po kasi akong puntahan."
 
  Ngumiti na ako at dali-daling naglakad papuntang elevator. Hindi ko rin naman kilala ang lalaking 'yon kaya hindi ko naman siya dapat kausapin.
 
  Nang makababa na ako ay agad na akong tumungo sa opisina namin at nadatnan ko naman silang lahat na nag-aayos na rin para siguro mag-lunch.
 
  "Hoy Isabella!" biglang sambit ni Sir Zacky nang makita niya ako.
 
  Agad din namang nagsilapit sila sa akin samantalang si Ann naman ay ngiting-ngiti nang makita niya ako.
 
  "Hello po, Sir Zacky. Nakakamiss din ho kayo rito," pahayag ko naman sa kaniya.
 
  Agad naman akong hinampas ni Sir Zacky nang marahan sa balikat. "Ano, kumusta naman ang trabaho niyo ro'n sa taas? Nagmamaldita pa rin ba sang creative director?"
 
  Umiling naman ako. "Hindi na po. Maayos na po ang trabaho namin sa taas at nagtutulungan din kaming lahat dahil na rin sa tulong ni Sir Louis at ni Sir Diego."
 
  "Sir Diego?" biglang wika ni Kuya Chad kaya nagtaka ako.
 
  "Oo nga ni Sir Diego?" sabay-sabay nilang sambit lahat dahilan para mapatingin ako kay Ann ng masama.
 
  Paniguradong siya ang nagsabi sa mga kasama namin tungkol doon sa pagtulog ko kay Sir Diego noong nakaraang linggo. Sabi na nga ba eh, sasabunutan ko talaga 'tong babaeng 'to.
 
  "Ay siya tara na mag-lunch, Bella. Katatapos lang din namin ng trabaho kaya napagpasyahan naming kumain na ng lunch," ani naman ni Ate Edna.
 
  Napangiti naman ako. "Ay sige po, mauna na kayo at kakausapin ko pa si Ann."
 
  "Congrats ulit Bella ha? You're the best," pahayag din naman ni Charlyn sabay ngiti sa akin.
 
  "Yas gurl! Keep it up!" Dagdag pa ni Tyron.
 
  "Sige, Bella. Dito ka na muna at kakain lang kami sa cafeteria," pahayag din naman ni Sir Zacky kaya kumaway na ako sa kanila.
 
  Nang makalabas na silang lahat except kay Ann na nag-aayos pa ng mga gamit nila ay nilapitan ko na.
 
  "Sinabi mo, ano?"
 
  Napatingin naman siya sa akin sabay ngiti. "Sorry na, Belladonna. Alam mo namang botong-boto talaga ako kay Sir Diego para sa'yo eh. Number one fan ninyo kaya ako kaya 'wag ka nang magalit sa akin please."
 
  Napanguso nalang siya sa akin sabay yakap kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pagbigyan siya. Alam ko naman kasing susuportahan niya ako sa lahat ng bagay basta ay para kang sa ikakatama ng direksyon ng buhay ko.
 
  "Oh, why are so happy pala ngayon? May nangyari ba?" pagtatakang tanong ko naman sa kaniya.
 
  Simula kasi kagabi sa condo ay panay ang ngiti niya sa kaniya cellphone kaya napapa-isip tuloy ako kung may bago na ba siyang boyfriend.
 
  "Wala naman, palagi naman akong masaya ah. Huwag ka nga diyan. By the way, I'm hungary let's grab some food," anito sabay kaladkad sa akin palabas.
 
  "Girl, alam mo bang ako ang bumili ng lunch namin? Kailangan ko nang bumalik sa taas at baka masigawan pa ako ng wala sa oras."
 
  "Ay siya, go! Sanay na naman akong maiwan, sige na iwan ninyo nalang akong lahat," hinagpis niya naman sabay talikod sa akin kaya agad ko siyang hinampas sa braso.
 
  "Alam mo ikaw..."
 
  "Oo na, Belladonna. Ito naman hindi mabiro, grr! Sige na babush nagugutom na ako."
 
  Agad naman siyang naglakad na papunta sa cafeteria kaya napa-iling nalang ako. Naglakad na ako pabalik sa taas at kinuha na ang inorder kong pagkain. Pagkatapos no'n ay bumalik na rin ako sa opisina namin at nadatnan silang nagtatrabaho pa rin.
 
  "Where my food?" agad na pahayag ni Janessa nang makita niya ako kaya inilapag ko na sa round table ang pagkain nila.
 
  Agad naman silang tumayo at tumungo na sila papunta sa akin kaya umupo na kami para kumain. Nahiya naman akong kumain kasama sila dahil alam kong mga mayayaman at makapangyarihang mga tao ang kasalo ko ngayon.
 
  "Saang hotel nga pala tayo titigil sa Bangkok?" tanong ni Ma'am Jean.
 
  "I guess it's in the Mandarin Oriental. I just really hope that we could explore around the city before going back after the event," sagot naman ni Janessa habang kinakain ang pasta niya.
 
  Tahimik lang si Miss Lavender habang kunakain na para bang may iniisip kaya hindi nalang din ako nakipag-usap sa magkapatid. Wala rin naman kasi akong masasabi sa kanila kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
 
  "Mandarin Oriental? Well, that's the best accommodation we could ever stay in."
 
  "Yes, it is. How about you Lavender?" tanong naman ni Janessa kaya napatingin si Lavender sa kanila.
 
  "Anything's fine for me as long as I could eat some local food in Bangkok," maikling sagot niya naman at nagpatuloy na sa pagkain.
 
  Maya-maya naman ay sa akin na napatingin si Janessa.
 
  I knew it. Ako na naman ang trip niya.
 
  "How about you, Isabella? Aren't you even thankful that you could even participate into this kind of big project and join with us?" tanong niya naman sa akin kaya nagulat ako.
 
  Aba! Sobrang taas naman pala talaga ng tingin niya sa sarili niya.
 
  Tumigil naman ako sa pagkain at napangiti nalang sa kanilang dalawa ni Ma'am Jean. "I am actually very thankful for this kind of opportunity and I will never forget about this."
 
  As if na gustong-gusto ko silang kasama. I don't want any trouble kaya I'll just go with the flow nalang. It wouldn't hurt a lot naman na makisama sa mga taong katulad nila.
 
  "Well, you really should," tugon pa ni Janessa sabay tawa nilang dalawa ni Ma'am Jean.
 
  "It's okay, Isabella. I know you'll get in this position in no time, or better, baka makasama mo na si Marcello sa posisyon," pahayag naman ni Miss Lavender kaya nagulat kaming tatlo.
 
  I didn't expect her to say that dahil ang pinakamagaling designer naman talaga ay si Marcello Guadalupe and alam kong kahit kailan ay hinding-hindi kami magkapantay.
 
  "Are you serious about that, Lavender?" hindi makapaniwalang tanong ni Janessa sa kaniya.
 
  Tumango naman si Miss Lavender. "Of course I am. She's actually very talented and capable of doing anything."
 
  "Whatever!"
 
  Napatingin nalang ako kay Miss Lavender sabay tawa at tinapos nalang ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa trabaho dahil marami pa kaming gagawin.
 
  "Where is Sir Diego and Sir Louis? They're actually taling so much time," wika ni Ma'am Janessa pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang natirang mfa draw flats.
 
  "I don't know. I am actually excited to see Nathaniel. It's been a year since he went abroad to surdy fashion design and I couldn't really wait to see him," tugon naman ni Janessa.
 
  Naalala ko naman na mayroon pa pala kaming isang kasama na hindi ko pa nakikita at iyon si Nathaniel. Pinsan daw 'yon nila Diego at Sir Louis na galing abroad kaya gusto ko na rin siyang makita.
 
  Makalipas pa ang ilang minuto ay napatigil kami sa aming ginagawa nang biglang bumukas ang pintuan. Nagulat naman kaming lahat nang makita ang Chairman na si Sir Rafael, ang Dad nila Diego at Sir Louis.
 
  Nanlaki naman ako nang makita ang lalaking nasa likuran niya. Ito kanina ang nabangga ko. Hays! Small world nga talaga ika nila.
 
  "Good afternoon, Sir!" Sabay naming bati kay Sir Rafael.
 
  "I want you to welcome my nephew, Nathaniel. He came back from Paris and ready to help you out of this big project in Thailand," pahayag naman ni Sir Rafael kaya napangiti kami.
 
  "Welcome back, Nat," bati naman ni Miss Lavender sabay yakap kay Nathaniel.
 
  "Thanks, Lav. You've never change." Biro pa niya.
 
  "So I guess I'll be leaving now," pahayag ni Sir Rafael sabay tingin kay Nathaniel. "Good luck."
 
  Agad na ring lumabas si Sir Rafael kaya lahat sila ay lumapit na kay Nathaniel. Ako namang hindi siya kilala ay napatigil nalang dito sa desk ko at nagpatuloy sa ginagawa ko. Malapit ko na rin naman 'tong matapos.
 
  "Hi."
 
  Napalingon naman ako at nagulat nang mapagtanto na nasa likuran ko na pala si Nathaniel.
 
  "Uhmm, hello."
 
  Nagulat naman siya nang makita niya ako. "Hey, you're that girl earlier," agad niyang sambit.
 
  "Do you know each other?" tanong naman ni Janessa kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.
 
  Sasagot na sana si Nathaniel, pero bigla namang bumukas ang pintuan ng opisina kaya lahat kami ay napatingin. Tumambad naman sa amin si Diego at Sir Louis.
 
  "Welcome back, Pare!" masiglang pagbati ni Sir Louis kay Nathaniel.
 
  Itong si Sir Louis ay hindi talaga nauubusan ng energy samantalang si Diego naman ay palaging nakasimangot ang mukha.
 

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now