CHAPTER 14

13 1 0
                                    

Hindi na ulit ako tumingala dahil ayoko na siyang makita kasama ng Lady Jane na 'yon. Panay ang chika nila tungkol kay Diego at Louis, pero hindi ko nalang 'yon pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Mukhang si Diego lang din naman kasi ang nakakita sa amin.
 
  "Are you okay, Belle?"
 
  Napatingin naman ako kay Logan. "Oo naman, bakit?"
 
  Siya kasi ang katabi ko at si Ann kaya napansin siguro nilang hindi na ako kumikibo. Ayoko rin namang ipaalam sa kanila ang rason dahil baka nao pa ang isipin nila.
 
  Napatitig naman siya sa akin. "You look stiff, is there something bothering you?" tanong niya pa.
 
  I tried my best to smile. "No, it's okay. I'm really fine."
 
  Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain hanggang sa makatapos na kaming lahat.
 
  "Okay, let's wrap up! Maaga pa ang trabaho bukas kaya kailangan na rin nating magpahinga," pahayag naman ni Sir Zacky sabay tingin sa akin. "Once again, congrats kay Isabella who made her a spot on the event next month. I really hope that all of you aill also get the same opportunity."
 
  "Manifesting, Sir!" sambit naman ni Ate Edna.
 
  Napangiti naman ako sa kanilang lahat. "Thank you so much!"
 
  Nag-ayos na kami at para maka-uwi na rin nang maaga. Halos isang oras din kaming nasa loob kaya pasado alas-nuebe na ng gabi ngayon. Nagpaalam na rin ako sa kanila dahil halos lahat sila at kailangang sumakay sa taxi para maka-uwi samantalang ako naman ay isang lakad lang at nasa condo ko na rin ako.
 
  Habang naglalakad naman ay agad kong dinampot ang cellphone ko para tawagan sana si Ann, pero napabuntong-hininga nalang ako nang makita itong lowbatt kaya ibinalik ko nalang ulit sa bag ko.
 
  "What a tiring day," sambit ko sa sarili ko habang nag-iinat ng katawan habang naglalakad.
 
  Wala rin namang masyadong tao sa paligid kaya malaya akong gawin kung ano ang gusto ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ako ang gagawing in charge ni Sir Louis para sa bridal fair next month, at ang ibig sabihin nito ay panay ang punta ko sa creative team sa taas, pero ayos lang 'yon at keri ko naman. Huwag lang akong susungitan ng kapatid ni Janessa at wala kaming problema.
 
  Nang makarating ako sa condo ay agad na akong nagcharge at nagshower. Medyo matagal na rin palang hindi ako nakaka-uwi sa bahay. Pagkatapos kong magshower ay agad na akong tumawag kay Mama, pero hindi niya naman ito sinasagot kaya napag-isipan ko nalang na buksan ang laptop ko para tapusin ang mga designs.
 
  May mga theme kasing ipinasa sa akin si Sir Louis kanina kaya kailangan kong pag-aralan ang mga 'yon para magkaroon ako ng idea sa fashion design. Alam ko kasing kahit na nagagandahan sila sa mga designs ko ay kulang pa rin sa quality and volume ang mga 'yon.
 
  It should be perfect and has no holes. Kailangan kong ayusin ang trabaho ko kung gusto kong i-pursue ang pagiging fashion designer, and hopefully ay ibigay 'to sa akin ng pagkakataon. Pagkatapos kong i-layout ang mga remaining satchels ay napag-isipan ko nalang na matulog. Nagtext nalang ako kay Mama at kay Ann kaya wala na rin akong iisipin pa.
 
  Kinaumagahan ay pasado alas-sais na ako nagising kaya nag cereals nalang at at naligo na para maka-alis agad. Nagtaka naman ako dahil hindi naman ako ganoon ka pagod kagabi, pero bakit naman ngayon pa talaga ako na-late nang gising. Nang makarating ako sa tapat ng kompanya ay napagpasyahan ko munang bumili ng coffee sa tabing coffee shop nito.
 
  "Mabuti na 'tong buhay na buhay ako mamaya sa trabaho keysa naman..."
 
  Naputol naman ang pagsasalita ko nang masulyapan ko si Miss Lavender na kakakuha lang ng order niuang kape. Agad niya rin naman akong nakita kaya lumapit na ako sa kaniya.
 
  "Good morning, Miss Lavender," bati ko naman sabay ngiti sa kaniya ng malapad.
 
  Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na irerecommend niya ako kay Sir Louis.
 
  "Hi, Isabella! Have you talked to?"
 
  "Yes Ma'am," agad kong tugon.
 
  Alam ko rin naman kasi kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa akin.
 
  "Then that's good. I was actually the one who saa yd designs when I was browsing on the design team the last day, and when I saw your designs, I was astounded. Who would've thought that you have that talent inside you? Pwede ka nang pumasok sa creative team in a few months," pahayag niya naman kaya mas lalo akong napangiti.
 
  I've been receiving good news ngayon kaya sana naman ay hindi ako balikan nang malas.
 
  Napabuntong-hininga nalang ako sa sobrang galak sa mga sinasabi ni Miss Lavender. "Hindi nga rin po ako makapaniwala na mapapansin at magagandahan po kayo sa mga gawa ko eh."
 
  Marahan niya naman kaong tinapik sa balikat. "It's just fantastique! Anyway, I'll be going now, Bella. I still have a meeting with the board of directors."
 
  "Sige po, Miss Lavender. Thank you so much again for giving me that opportunity," sambit ko naman sa kaniya.
 
  "You deserved it," ani niya at lumabas na ng coffee shop.
 
  Pakiramdam ko ay busog na busog na ako ngayon dahil sa mga natatanggap kong recognition from Miss Lavender and Sir Louis.
 
  Nang tuluyan na siyang makalabas ay nag-order na ako ng paborito kong caramel macchiato at tumungo na sa office namin.
 
  "Wala pa si Ann?" tanong ko naman sa kanila nang makapasok ako.
 
  Agad naman akong nilapitan ni Tyron. "May kailangan lang daw siyang asikasuhin, girl. Absent na raw muna siya ngayon," wika niya naman kaya nagtaka na ako.
 
  Bakit naman alam ni Tyron ang mga nagyayari sa kaniya samantalang ako ay wala manlang kaalam-alam kung nasaan na siya?
 
  "Where is she right now, Ty?" mahinahon kong tanong habang naglalakad patungo sa desk ko.
 
  Napansin ko ring wala pa si Sir Zacky at Kuya Edna kaya mangilan-ngilan palang ang ingay sa loob ng opisina.
 
  Nagkibit-balikat naman sa akin si Tyron. "Hindi ko alam eh. Ang sabi niya lang sa akin kani-kanina lang ay may importante siyang gagawin."
 
  "Gano'n ba, sige Ty thank you."
 
  Umupo nalang ako sa desk ko at agad na kinuha ang cellphone sa bag. Tatawagan ko na sana si Ann, pero agad namang bumukas ang pintuan at iniluwal si Sir Zacky kaya ibinaba ko nalang ito sa desk ko.
 
  "Good morning, Sir," sabay naming bati sa kaniya.
 
  "Good morning. I have a meeting with the head of every team ngayon until 9am kaya kayo na muna ang bahalang magpasa ng mga layouts at garments sa taas, okay?" sambit niya naman habang inaayos ang mga nagkalat na layouts sa desk niya.
 
  "Deritso ko na ba 'to sa production office, Sir?" tanong naman ni Charlyn sabay lapit sa kaniya.
 
  Tumango naman si Sir. "Send everthing to the next team dahil approved na naman 'yan lahat kay Sir Louis, except for Isabella and Ann, need pa ng approval ng bagong creative director kaya after ninyong matapos 'yan ay ipasa niyo lang sa taas," pahayag niya pa kaya napahinga ako ng malalim.
 
  Mukhang hindi nga talaga ako makaka-alis sa sumoa ng Janessa na 'yon at kailangan ko pa ring dumaan sa kapatid niya.
 
  Nang makalabas naman si Sir Zacky ay nag-umpisa na kami sa mga trabaho namin. Isa-isa naman silang nagsi-alisan para magpasa ng mga garments at articles samantalang ako ay tanggap nang tanggap ng email galing si creative team sa lahat ng mga gagawin. Mukhang hindi ko talaga araw ngayon dahil tambak ako sa trabaho.
 
  "Tara na muna mag lunch, Belle."
 
  Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napalingon nang marinig ako ang boses ni Kuya Chad.
 
  "Tatapusin ko lang 'to, Kuya. Marami pa kasi talaga kaya kapag nagpahinga ako ay baka mag overtime pa ako mamaya," tugon ko naman sa kaniya.
 
  "I'll just buy something for you, anong gusto mo?" tanong niya naman sa akin kaya napangiti na ako.
 
  Hindi ko naman akalain na mag-ooffer ng gano'n si Kuya Chad kaya napangiti naman ako sa kaniya.
 
  "You sure, Kuya?"
 
  "Yup. Tingnan mo naman, ikaw lang mag-isa dito," sambit niya pa.
 
  Kinuha ko naman ang bag ko ay binigyan siya ng dalawang-daan. "Kahit anong fast food lang po, Kuya. Rice and viand, okay na sa akin."
 
  "Okay, I got it."
 
  Agad na rin siyang lumabas ng office kaya mag-isa nalang ako ngayon dito. Ang nakalagay kasi sa instructions ay kapag natapos ko ang isang set ay agad ko ipa-check sa creative team para matingnan kung may mga revisions.
 
  "You got this, Bella," sambit ko sa sarili ko at tinapos na ang mga gawain.
 
  Makatapos ang ilang minuto ay agad na akong tumayo galing sa swivel chair ko dahil ipapasa ko na ito sa creative team. Hindi pa nakakabalik ang mga kasama ko at sila Kuya Chad kaya magpapa-check nalang muna ako sa taas.
 
  Nang makarating ako doon ay agad ko namang naaninag si Miss Lavender at si Janessa na may kausap sa kaniyang cellphone kaya hinayaan ko nalang.
 
  "Miss Lavender," mahinang tawag ko sabay lapit sa kaniyang desk.
 
  Napatingala naman siya at nang makita niya ako sabay ngiti. "Isabella, you're here. Are those portfolios ready?"
 
  Tumango naman ako. "Yes, Ma'am. I can't seem to find Miss Jean dito sa loob kaya ikaw na ang pinuntahan ko," sambit ko naman sa kaniya.
 
  Ang malditang kapatid lang talaga ni Ma'am Jean ang nakikita ko.
 
  "She on her her here, pinatawag lang siya ni Sir Diego kaya just wait her for a bit," sambit naman ni Miss Lavender kaya napangiti nalang ako.
 
  Kapag naririnig ko ang pangalan ni Diego ay hindi ko alam kung bakit parang may energy na lumalabas sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Ilang araw na ring hindi niya ako tinatawagan kahit once sa phone ko kaya kahit na naiirita ako sa kaniya ay nakakapanibago rin naman.
 
  "She's back, Belle," wika naman ni Miss Lavender kaya napalingon ako.
 
  Natigilan naman ako ng ilang segundo nang makita si Ma'am Jean. Magkahawig lang sila ni Janessa, pero halata namang mas matured tingnan si Ma'am Jean.
 
  Ibinaling ko na ulit ang tingin ko kay Miss Lavender sabay ngiti. "Thank you so much, Miss. I'll go ahead now."
 
  "Good luck! Pupunta muna ako sa labas at pinapatawag pala ako ni Sir Louis," sambit niya naman at tumayo na.
 
  "Sige po, Miss."
 
  Nilisan ko na ang desk ni Miss Lavender at tumungo sa pwesto ni Ma'am Jean. Kaka-upo niya lang sa pwesto niya kaya lumapit na ako.
 
  "Good afternoon, Ma'am. I am Isabella, a junior graphic designer from..."
 
  "What do you want?" Pinutol niya naman ang pagpapakilala ko kaya agad kong ini-abot ang portfolio kong may mga layouts.
 
  "Those are the latest layouts and print ads of the bridal event as well as the upcoming fall, Ma'am Jean," mahinang pahayag ko naman sabay upo.
 
  "Where are the other layouts? This is the first batch? Where are the rest?" mariin niyang tanong sa akin kaya kinabahan na ako.
 
  Unti-unti nang tumahimik ang buong opisina kaya kinabahan na naman ako.
 
  "I'll send it to you this afternoon, Ma'am. I haven't finished doing the other..."
 
  Napatigil naman ako nang bigla niyang itinapon sa akin ang portfolio. "I need a complete set of designs this afternoon. Don't ever dare giving me this unfinished work of yours."
 
  "Serves you." Narinig ko namang nagsalita si Janessa galing sa likuran ko kaya napatayo nalang ako.
 
  Pinulot ko nalang ang mga nalaglag na papel sa sahig dahil nagkalat na ang mga ito. Hindi ko naman akalain na may malala pa pala 'tong si Ma'am Jean sa kapatid niyang si Janessa. Bigla namang bumukas ang pintuan dahilan para mapatingala ako. Hindi ko naman halos akalain na dito ko pa talaga siya makikita.
 
  Diego is right in the middle of the office, diverting his gaze into different corners inside. Tumigil ang mga mata niya sa kinaroroonan ko kaya agad akong tumayo ay napayuko nalang.
 
  "Follow me in my office, Miss Rendon," mariin niyang sambit sabay labas ng office kaya nagulat ako.
 
  What is it this time? Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin.
 
  "Didn't you hear the President? Follow him!" bulyaw naman sa akin ni Ma'am Jean kaya dali-dali na akong yumuko at naglakad nalang palabas.
 
  Hindi na ako lumingon dahil nakakahiya na ang mga nangyari sa akin sa loob. Akma na sanang magsasara ang elevator, pero agad naman akong tumakbo kaya nakapasok pa ako. Napatingin nalang ako kay Diego na nasa gilid ko lang nakatayo. Hindi ko nga rin alam kung tama bang sumabay pa ako sa kaniya.
 
  Pinindot ko na ang 59th floor at nagsara na ang elevator. This is the first time na pagkikita namin simula noong binalita ko sa kaniyang hindi ako buntis.
 
  "Uhmm, I'll send an email to you later, Sir. I just haven't finished designing the ads as of the moment," sambit ko naman.
 
  Sobrang awkward na kasi ng nangyayari kaya kailangan kong mag initiate ng pag-uusap naming dalawa dahil as if namang kakausapin ako ng kagaya niya.
 
  "Okay," tugon niya in a cold manner.
 
  Hindi ko alam kung si Diego pa rin pa ba tong kasama ko ngayon, or ito talaga ang totoong Diego.
 
  "Uhmm, Sir about..."
 
  "Stop talking, just give me the report later." Putol niya naman sa akin kaya nagtaka ako.
 
  Ano pa ang silbi ng pagpapapunta niya sa akin sa opisina niya kung ayaw niya akong magsalita?
 

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now