CHAPTER 11

17 1 0
                                    

Umuwi akong nakasimangot, pero panay naman ang pag lift ni Dos sa mood ko.
 
  "Smile na Ate! Kanina ka pa sad, stop being sad na!" anas naman sa akin ni Dos habang nandito kami sa taxi.
 
  Hindi pa rin kasi ako maka get over sa Jannesa na 'yon kanina, idagdag mo pa ang magaling na cashier din na 'yon. Argh! Magsama sila!
 
  Tumingin naman ako kay Dos at ngumiti. "Ate is fine, baby. Ayoko lang kasi talaga sa mga taong walang modo, pero hayaan mo na at sa tingin ko ay nasa bahay na si Kuya ngayon."
 
  "Yehey! I missed Kuya Henry," sambit niya pa.
 
  Nang makarating kami sa bahay ay agad na bumaba si Dos at pumasok na. Nagbayad naman muna ako kay Manong kaya nahuli na ako nang pasok sa bahay.
 
  "Kuya Henry!" Dinig kong sigaw ni Dos kay Kuya kaya napangiti na ako.
 
  Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Kuya kaya medyo nakakamiss din ang mukha niya. Agad ko namang tinext si Ann na ngayon ang dating ni Kuya kaya dumiretso nalang siya dito pagkatapos ng mga gagawin niya mamaya. Magkakaroon pa raw kasi ng after party pagkatapos ng launching ang design team kaya hindi ko alam kung makakapunta nga siya rito.
 
  "Max!"
 
  Napatingala naman ako dahil iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.
 
  "Kuya, I missed you!" Tumakbo ako palapit sabay yakap sa kaniya.
 
  I felt nostalgic nang maamoy ko ang pabango ni Kuya, dahil mukhang simula high school pa yata ako ay isang brand lang ng perfume ang ginagamit niya. Nakakatuwa lang na after kasi ng graduation ko ay umalis agad si Kuya, actually ang actual day talaga ng pag-alis nila ay noong graduation ko pero umattend muna siya then had his time with us para makabonding niya rin kami.
 
  Napangiti naman siya sa akin. "How's your new work, Max? Dinig ko kay Mama ay nawala raw ang cellphone mo when you were in Tagaytay, am I right?"
 
  "Yup Kuya," pahayag ko sabay pakita sa kaniya ng cellphone ko. "Pero okay na siya, ibinalik na sa akin nang nakakita," dagdag ko pa.
 
  "Let's eat na everyone!" Sigaw ni Dos sa amin kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.
 
  "Mamaya na kayo mag-usap ng Kuya mo Bella at nagugutom na 'tong kapatid niyo. Baka naman kasi tinodohan ang paglalaro sa world of fun kaya pagod na pagod," ani naman ni Mama kaya napatawa ako.
 
  "Ano pa nga, Ma."
 
  Umupo na kaming apat sa mesa at inilabas na ni Mama ang mga niluto niya.
 
  "Your Kuya's favorite, my home cooked lasagna and garlic bread," wika naman ni Mama.
 
  Akala naman ni Mama ay si Kuya lang ang may gusto ng niluto niyang lasagna. Paborito ko rin kaya 'yon. Pero dahil kakarating palang ngayon ni Kuya ay hahayaan ko nalang na sa kaniya na muna mapunta ang korona.
 
  Napangiti naman si Kuya nang malapad kay Mama sabay yakap nito. "You're the best, Ma!"
 
  Napasimangot nalang ako sa gilid at nag-umpisa nang kumain. Tamang chika naman ang dalawa kasama ang makulit kong kapatid na si Dos kaya tahimik kong inubos ang lasagna na nasa plato ko.
 
  "I'm done!" sambit ko at tumayo na. "Magbibihis nalang ako sa kwarto ko at magpapahinga na, pagod ako sa kakabantay diyan kay bebe Dos kanina eh," dagdag ko pa.
 
  "Wait Max!"
 
  Ito namang si Kuya naman naman ang pakulo nito. Hmmp!
 
  Lumingon ako sa kaniya. "Bakit po, Master?" tanong ko.
 
  "Hoy Isabella, ang bunganga mo!" saway sa akin ni Mama kaya napatawa ako.
 
  Hindi naman sinasadya eh.
 
  "Accompany me. I'll have a dinner with my friends tonight, and ayoko namang pumunta do'n nang mag-isa kaya samahan mo ako," pahayag niya naman sa akin kaya napataas ang kilay ko.
 
  Akala mo naman kasi walang girlfriend na pwedeng isama. Siya pa nga 'tong swerte dahil matagal na sila nung girlfriend niya na ubod ng sungit na kahit si Mama ay hindi gusto ang ugali niya dahil kapag dinadala ni Kuyau dito ay sobrang maldita ng ugali niya.
 
  "No. Ayoko. Pagod ako sa work Kuya kaya yayain mo nalang ang girlfriend mo!" ma-awtoridad kong pahayag sa kaniya na may pa nguso pa.
 
  Nagulat naman ako nang bigla akong hinampas ni Mama sa braso. "Samahan mo na ang kapatid mo at minsan lang 'yang humingi sayo ng pabor. Binilhan ka ng laptop, ng cellphone, nga lahat ng gusto mo. Ano pa ba Isabella ha? Hindi mo talaga pagbibigyan ang—"
 
  "Oo na Ma! H'wag niyo nang sabihin 'yan sa akin lahat at sasamahan ko na si Kuya!" bulyaw ko naman.
 
  "Stop fighting!" biglang sigaw din ni Dos kaya napatingin kami sa kaniya.
 
  Nilapitan naman siya ni Kuya at binibaby niya naman. "No baby, they're just roleplaying," ani pa niya sabay tingin sa akin.
 
  "Oo na Kuya, sasamahan kita. Sana naman ay masarap ang dinner mamaya, so where are we going?" tanong ko pa sa kaniya.
 
  "Conrad. Conrad Manila."
 
  Nanlaki naman ang mga mata ko. Kailan pa naging ganito ka sosyal ang lifestyle ni Kuya? Nakapag New York lang siya ay mukhang anak na siya ng Presidente.
 
  I was astonished. "Seryoso Kuya? At kailan ka pa naging ganoon kayaman para makaafford ng more than a five star hotel?" tanong ko pa sa kaniya.
 
  Pati si Mama ay nagulat na rin. "Oo nga Uno. Ikaw ang magbabayad? Napakakuripot mo pa naman, what happened anak? Magpopropose ka na ba kay Athena?"
 
  Bahagya namang napatawa sa amin si Kuya. "No. My friends will pay for it kaya huwag kayong mag-alala, walang bawas sa savings ko," ani niya naman sabay tingin sa akin. "Mag-ayos ka na."
 
  Agad ko namang natandaan na paniguradong mga mayayamang mga tao ang makakasalamuha namin kaya napasimangot ako kay Kuya.
 
  "I don't have anything to wear, Kuya," wika ko sabay simangot sa kaniya.
 
  "Don't worry, I bought you a dress."
 
  I knew it! Alam kong kahit kailan ay hindi ako ipapahamak ni Kuya.
 
  Lumapit naman ako sabay yakap sa kaniya. "Thank you, Kuya! Shower lang ako then we are ready to go!"
 
  Dali-dali na akong umakyat bitbit ang bag ko para magbihis. I was about to take off my clothes nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko namang tiningnan at nagulat na tumatawag sa akin si Ann.
 
  "Hello?"
 
  "Girl!" Halos mabingi naman ako sa sigaw niya. "Are you with Sir Diego right now? Kanina pa kasi siya hinihintay nila Ma'am Lavender at Ma'am Gwyneth. Wala rito ang lahat na may mga matataas na ranko sa kompanya even the Vice-President," pahayag naman ni Ann sa kabilang linya kaya nagtaka ako.
 
  Alam naman ng babaeng 'to na umuwi ako ng bahay, kaya paano ko isasama dito ang Diego na 'yon.
 
  "Nandito ako sa bahay ngayon Ann at nagpapasama sa akin si Kuya. Who did you come up with that thoughts na magkasama kami? As if naman, hindi ba?" ani ko habang hinuhubad ang blouse ko.
 
  "Okay, okay the after party will start afterwards kaya byebye na, and by the way pala, uuwi ako diyan bukas since day off naman natin. Bye!"
 
  Agad niya na ring binaba ang tawag kaya napa-iling nalang ako sa kaniya. Tuluyan ko nang hinubad ang damit ko at pumasok na sa bathroom para maligo. Nang mga ilang minuto na akong naliligo, ay may narinig naman akong kumatok sa kwarto ko.
 
  "I'll leave your dress here, Max," dinig ko namang sambit ni Kuya.
 
  "Sige Kuya, thank you po!" pabalik kong tugon at narinig ulit na isinarado na niya ang pintuan.
 
  Pagkatapos ko ng maligo ng halos kalahating oras lang ay lumabas na agad ako ng CR dahil excited ako sa biniling damit sa akin ni Kuya. Alam ko kasi na kapag siya ang pumili ay maganda ito palagi at bagay sa akin.
 
  "Ay pisti!" Muntikan pa akong madulas dahil sa pagmamadali ko.
 
  Nang makalapit ako sa kamay ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Louis & Diego na pangalan sa paperbag kaha dali-dali ko itong binuksan. I know how expensive the dresses in Louis & Diego kaya naflatter ako sa ibinigay sa akin ni Kuya ngayon.
 
  Nang binuksan ko naman ito ay tumambad sa akin ang baby blue bodycon dress na sobrang ganda. Hindi naman ako makapaniwala na ito ang ibibigay sa akin ni Kuya dahil alam ko kung gaano kamahal ang mga damit ng Louis and Diego.
 
  Isinuot ko na ito at pinaresan ng black satchel na binili ko noong college at beige-colored stilettos. Dali-dali ko na ring inayos ang buhok and light make-up lang at baka mag mukhang clown pa ako mamaya sa pupuntahan namin ni Kuya.
 
  "I'm ready!" sambit ko nang makababa na ako sa sala.
 
  Nadatnan ko namang inaayos ni Mama ang neck tie ni Kuya samantalang hindi ko naman mahagilap si Dos. Napatingin na silang dalawa sa akin at napangiti.
 
  "You're perfect, Sis," sambit naman sa akin ni Kuya.
 
  "Maliit na bagay," tugon ko pa. "Ano Ma? Saan ka pa makakahanap ng ganito kagandang anak ha?" pahayag ko pa sa kaniya.
 
  "Oh siya oo na nga at alam kong sa Papa niyo kayo nagmana ng itsura," bigla niya namang sambit kaya sumama ang tingin namin ni Kuya sa kaniya.
 
  "Ma!"
 
  "Okay, chill lang kayo. Sige na umais na kayo at baka ma late pa kayo diyan sa pupuntahan niyo," pahayag pa ni Mama kaya lumapit na kami ni Kuya para magkiss sa kaniya.
 
  "Bye Ma, we'll be back late kaya mauna nang kayong matulog," wika ni Kuya kay Mama sabay halik sa noo nito.
 
  "Sige sige. Mag-iingat kayo!"
 
  Lumabas na kami ni Kuya at nagbantay ng taxi. Tuwang-tuwa naman ako ngayon dahil ngayon lang talaga ako makakapagsuot ng ganito ka mahal na damit.
 
  "Thank you nga pala dito Kuya ah. Nakakahiya naman, ang mahal kaya nitong damit na 'to," ani ko pa sa kaniya.
 
  Nagulat naman ako nang bigla niuang ginulo ang buhok ko kaya agad akong napa-atras. "Ala Kuya my hair!"
 
  "Nahiya ka pa, gusto mo rin naman 'yan. I saw one of your tweets Max kaya 'Thank you' is enough," ani niya at pumasok na kami sa taxi na tumigil sa harapan namin.
 
  Napangiti naman ako dahil sobrang swerte ko nga na magkaroon ng kapatid na katulad niya. Hindi madamot sa amin si Kuya, mahal na mahal niya rin kami at noong mga panahong pinutol na ni Papa ang koneksyon niya sa amin ay alam kong kasama si Kuya si Mama kaya sigurado akong alam ni Kuya ang mukha ni Papa.
 
  Mga ilang minuto rin bago kami makarating sa Conrad Hotel ni Kuya. Traffic pa sa daan kaya mas lalong tumagal. Bumaba na ako at inayos ang buhok ko, nang dahil kasi sa byahe ay mukhang naging haggard pa ako.
 
  "Let's go, Max," ani ni Kuya sabay akbay sa akin. "Don't worry, bibili na ako ng sasakyan para sa ating apat para hindi na kayo mahirapan," dagdag niya pa kaya napangiti lang ako.
 
  Nang makarating kami sa lobby ay lumapit agad si Kuya sa receptionist. Nandito lang ako sa likuran niya dahil wala naman akong alam kung saan pupunta. Maya-maya pa ay sumunod na ako kay Kuya hanggang sa pumasok na kami ng elevator.
 
  "Try to be friends with my friends Max at baka matulungan ka ng mga diyan bilang maging isang director someday, pangarap mo 'yan hindi ba?" sambit niya naman kaya napatingin ako sa kaniya.
 
  "Actually Kuya, changed of plans na ako ngayon. Gusto ko na pong pag-aralan ang about fashion industry..."
 
  Nagulat naman si Kuya sabay tingin sa akin, pero tamang-tama naman na bumukas na ang elevator sa 16th floor kaya napangiti nalang kami. Naglakad na kaming hanggang sa makarating kami sa isang double french door na may dalawang guwardiya sa magkabila nito.
 
  Namg bumukas naman ay nagulat naman ako dahil ang akala kong simpleng gathering ay bongga pala talaga ang venue. Parang may kasalan lang.
 
  "Whoa! I didn't expect this Kuya, mabuti nalang talaga at binilhan mo ako ng damit," ani ko naman.
 
  "Help yourself, Sis. Pupunta lang ako sa mga kaibigan ko, but don't worry I'm keeping my eye on you," pahayag niya naman at agad nang umalis.
 
  Magrereklamo pa sana ako kung bakit niya ako iiwan na mag-isa rito, pero nakaalis na siya. Napa-iling nalang ako dahil kay Kuya at tumungo na sa isa sa mga empty tables.
 
  "Sissy Issa?"
 
  Natingin naman ako sa harapan ko nang may tumawag sa akin. Nagulat naman ako nang makita si Sir Louis na may hawak na wine ngayon. Bakit kasi ang liit ng Pilipinas at kailangan na sila palagi ang makikita ko.
 
  "Sir Louis," sambit ko sabay ngiti ng marahan.
 
  Lumapit naman siya sa akin. "I didn't expect to see you here, sis-in-law. I'm sure Kuya will be glad to see you," pahayag pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
 
  Nandito rin ang Diego na 'yon? Jusko naman po!
 
  "I'm sorry Sir pero I really need to go," pahayag ko pa at dali-dali nang naglakad.
 
  Hindi ko na hinintay si Sir Louis na sumagot sa akin at agad ko nang hinanap si Kuya. Nakita ko naman agad siya sa isang table kasama ang tatlo pang lalaki kaya dali-dali na akong lumapit.
 
  "Kuya," mahinang sambit ko.
 
  Bigla namang napalingon sa akin si Kuya kaya tumayo na ako sa likuran niya. Marahan ko namang inayos ang damit ko dahil mukha na akong pokpok nang tumaas ito.
 
  "Guys, this is my younger sister, Maxine," wika naman ni Kuya kaya napatingala ako.
 
  Inilahad ko na ang kamay ko sa kasama niya nang makita ang pinaka-iniiwasan kong lalaki ngayon sa nuong buong buhay ko. Huli na ako nang mapagtanto na nahawakan na ni Diego Miguel Morales ang kamay ko ngayon.
 
  "Nice to meet you, Isabella," wika niya naman.
 
  Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay lumalabas sa utak ko ang kababuyan na ginawa namin noon.
 
  Nagulat naman si Kuya at napatingin sa akin. "You know him? I mean he knew you?" tanong niya pa.
 
  Agad ko namang binuklas ang kamay ko sa kaniya.
 
  "Yes Henry, Isabella is under my company, isang graphic artist sa design team led by Zachariah."
 
  "Oh Zacky is working in your company, that's a small world, Pare," ani pa ni Kuya.
 
  Nako, sa lahat ba naman ng pwedeng maging kaibigan niya ito pa talaga ang lalaking 'to. Kainis!
 
  Tumungo na ako sa likuran ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit nawalan na ako ng gana dito ngayon. Dahil siguro hindi ko pa nalalaman ang resulta sa pregnancy test kaya ako nagkakaganito.
 
  "Excuse me," mahinang sambit ko at dali-dali tumungo papunta sa restroom ng hotel.
 
  Pagdating ko roon ay tamang-tama naman na walang katao-tao kaya malaya kong gawin ang gusto ko.
 
  "Argh! Of all the people, si Diego na naman ba ang makikita ko!" bulyaw ko while looking at the mirror.
 
  Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin matanggap na nagawa ko ang mga walang kwentang mga bagay na 'yon. Pinalaki ako ng maayos ni Mama pagkatapos ay magkakaroon lang ako ng isang ka one night stand sa bar? Hilarious!
 
  "Hindi. Hindi dapat ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman at pinagdadaanan ko ngayon. I am a brave woman at positive na hindi ako buntis kaya chill Bella, you can do this!"
 
  Kinalma ko na ang sarili ko at inayos. Nang makalabas ako nang restroom ay may mukhang malambot na pader akong nabangga.
 
  Don't tell me it's him again.
 
  "Isabella..."
 
  Siya nga.
 
  "Ano pong kailanga niyo pa sa akin?" Mahinahong kong tanong sa kaniya.
 
  Wala naman kasing magagawa ang galit ko para sa sitwasyon na 'to namin ngayon lalo na at ginusto ko rin naman, and it will never be a form of rape.
 
  "I just want to settle things with you, Bella. Please, hear me out this time. Gusto ko lang na magkaayos tayo and sana huwag mo akong iwasan. We both liked it, right?" pahayag niya pa kaya napataas ang kilay ko.
 
  Lumapit naman ako sa kaniya. "Excuse me, Mr. Morales. My sober ass wouldn't like it, and will never be. Nagkataon lang talaga na sobrang lasing ako that time kaya nakakagawa ako ng mga bagay nga gano'n, so stop making those lame excuses to me!" mariin kong sambit sa kaniya.
 
  Nagulat naman ako nang bigla niya akong ipinasok sa restroom sabay lock nito. Nagulat din ako nang bigla niya akong isinandal sa pader, his face is getting closer to me.
 
  "I was also drunk that time Isabella, pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko lahat 'yon. My feelings were valid noong nag s3x tayo kaya stop making lame excuses to me. You know what you are doing kahit lasing ka pa!"
 
  Natigilan ako sa sinabi niya. I felt guilty. I didn't passed out noong may nangyari sa amin. Naramdaman ko at naalala ko lahat kaya tama nga ang mga sinabi niya. We both liked it. Nagustuhan naming pareho.
 
  Mga ilang segundo ang nakalipas nang binitawan na niya ako. Kumalma na kami pareho.
 
  "I'm sorry, Bella. Gusto ko lang naman sana magpaliwanag sa'yo and I want you to understand..."
 
  "I'm sorry din po Sir. Pero ito lang po ang gusto kong sabihin, I will have a pregnancy test the next month, and no matter the result is, sana pareho natin 'yong tanggaping, if positive then we really should talk about it pero 'wag naman sana since marami pa akong pangarap sa buhay..."
 
  "I can sustain your needs and our child's needs," pagputol niyapa sa pagsasalita ko.
 
  Anong tingin niya sa akin? Aasa lang ako sa asawa ko na pakainin kami ng anak ko? No! I am better than that!
 
  Itinaas ko naman ang mga kamay ko para patigilin siya. "It's not like that Sir, hear me out muna. And kapag naging negative naman ang resulta, sana ay tantanan niyo na ako, ever. Gusto ko nang maayos at mapayapang buhay out of media and paparazzi kaya sana respetuhin niyo 'yon," mahinahon kong sabi sabay labas ng restroom.
 
  Dahil nakayuko ako, may nabangga na naman akong papasok ng CR. Why am I always so clumsy? Pinalain ba ako ni Mama ng hilaw na itlog noong bata ako kaya ako nagkakaganito?
 
  "I'm sorry, Miss," saad ko.
 
  Bigla namang lumabas galing sa likuran ko si Diego kaya nagulat ang babae.
 
  "What are you doing here, Miguel?" pagtatakang tanong niya.
 
  So magkakilala pala sila?
 
  "Nothing." He took a glimpse at me before leaving kasama ang babaeng nakabangga ko.
 
  Napa-iling nalang ako at bumalik na sa pwesto ni Kuya.
 
  "You good Max?" tanong ni Kuya sa akin nang maka-upo na kami.
 
  Everyone settled down na rin kasi at nasa gitna na ng podium si Sir Louis na nagsasalita. Sila pala talaga ang may pakana ng lahat nang 'to ngayon pagkatapos ng launching kanina.
 
  Ngumiti naman ako kay Kuya. "Yup, Kuya. Gutom ba po siguro ako kaya ako ganito," biro ko naman sa kaniya.
 
  Ginulo niya naman ang buhok ko. "You've never changed Max, matakaw ka pa rin talaga until now. And by the way, hindi ko akalain that you're working under Diego's company. Hindi ko naman sinabi sa akin na sa Louis & Diego ka nagtatrabaho."
 
  "I forgot to tell you about it, Kuya."
 
  He smiled. "I'm happy for you and Ann, since you are really in a good company. Kaya pala sinabi mong intresado ka na sa fashion industry ha, gusto mo talagang maging fashion designer sa kompanya nila," ani niya pa kaya napangiti ako.
 
  "Nothing is impossible."
 

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now