01

19 1 0
                                    

May klase ako ngayon sa Mathematics pero ang utak ko ay wala sa topiko na tinatalakay ngayon. Dahil ang utak ko ay nakalutang ngayon at kausap ang sarili.

“Nakakapagod naman mag-aral. Lunes pa lamang ngunit ubos na agad ang lakas ko para sa mga susunod na araw” sambit ko sa utak ko

Pero sa totoo lang nais ko talaga mag-aral ng mabuti hanggang matapos ang linggo na ito.

Paggising ko kaninang umaga sabi ko sa sarili ko ay magse-set ako ng goals ko this week kasi I want to achieve more and to do more.

Actually second sem na namin ngayon. Mas marami ang gawain, kumpara noong unang sem. Puro performance task na kasi kami eh.
Nag-iba na rin mga professors namin
sa mga subject.

Mabuti na rin 'yun kasi mas sure ako na mas tataas pa ang grades ko ngayong sem. Yung tipong hindi ko na kailangan tanungin yung sarili ko kung enough na ba 'yung grades na naibigay.

Marami akong kaibigan noong first sem. Pero ngayong second sem, hindi ko na sigurado. Bukod sa busy na rin sila sa acads. Busy na rin sila sa mga bago nilang kaibigan.

Nagulat na lang ako nagpaalam na ang mga kaklase ko sa guro namin dahil tapos na pala ito magturo. Hindi rin naman nagtagal dumating na yung susunod namin na subject. Science.

Dahil nga iba na ang set ng mga professors namin. May “introduce yourself” na naganap upang mas makilala pa kami ng mga bago naming teachers or professors.

Dahil nasa second row ako, medyo nawala yung kaba ko. Hanggang sa natapos na ang unang row kaya ako na ang next.

“Hi, can you introduce yourself? since I want to know y'all”

“Hi I'm Mx. Prince Martinez. 15, I like to sing and to perform spoken poetry. Thank you.”

note : Mx is a gender-neutral honorific for those who don't wish to be identified by gender. Also the pronunciation of “Mx” is “Miks” or “Mix”

Pagkatapos naming lahat na magpakilala. Nagsimula na ang teacher namin para magturo. Ang science ay isang kalbaryo para sa akin. Dahil parang inaantok ako kapag ang klase ay Science.

Hindi rin nagtagal tumunog na ang kampana. Isa lamang ang ibig sabihin nito makakalabas na kami dahil oras na ito ng pagkain. 1 hour lang ang lunch namin kaya mas pinipili ko na lang na magdala ng lunch box para makapagtipid ako.

Pero sa totoo lang naiinggit ako sa mga kaibigan ko dati kasi sila magkakasama silang kumain habang ako ay nag-iisa lamang sa gilid.

Pero noong na-bored ako sa room pinili ko munang lumabas kasi gusto ko makasilay sa taong hinahangaan ko. Parehas lamang kami ng year pero hindi kami magkaklase. Kilala siya bilang isang matalino na lalaki.

Pagkarinig ko ng kampana ay mabilisan akong tumakbo pabalik sa room. Dahil hudyat naman ito na tapos na ang lunch at kailangan na bumalik sa room para sa susunod na klase.

Noong nasa tapat na ako ng room. Patuloy ang pagtulo ng pawis sa aking katawan. Pagkasilip ko sa bintana ay nandun na ang next na subject namin.  Ekonomiks.

Dahil ako ay nahuli sa klase kailangan kong kumatok at mag-excuse. Pagkakatok ko ay tinanong ako ni Ma'am.

Anak bakit ngayon ka lang? Anong pangalan mo? Gusto ko malaman.”

“Ma'am lumabas po ako saglit tapos narinig ko pong tumunog na ang kampana kaya ako ay bumalik na. Prince Martinez po. Pwede na po ba akong pumasok?”

Tumango si Miss kaya pumasok na ako. Buti na lang talaga mabait si Miss kasi kung iba yung teacher namin. Sigurado ako pinagalitan na ako.

Pagkatapos lahat ng klase ko ay napagdesisyunan ko na umuwi na agad. Naisip ko kasi na kailangan ko tumulong sa magulang ko.

Pero hindi mawala sa isip ko yung hinahangaan ko. Para kasing ang bilis niya makakuha ng atensyon. Para bang kapag marami ang tao sa isang lugar ay siya agad ang mapapansin mo.

Pero naisip ko na parang hindi naman kami magkakasundo. Dahil iba ang humor naming dalawa at mukhang hindi ito magcli-click.







PagdampiWhere stories live. Discover now