06

5 0 0
                                    

POV OF JOHN

Andito ako ngayon sa may gymnasium ng school namin. Nakikipag-usap sa mga kaibigan ko.

Kakatapos lang din namin kumain sa cafeteria kaya tumambay na lang kami rito habang hindi pa natunog ang kampana.

Tumitingin-tingin ako sa paligid kasi sobrang ganda. Pero may isang nakahatak ng atensyon ko. Ang lalaki na nakatitig sa akin ngayon at nakangiti.

Hindi ko siya tinitignan ng direct pero kapag kausap ko ang kaibigan ko ay pasimple akong sumisilip upang mas makita pa ang maamong mukha nito.

Sa totoo lang, kilala siya sa campus
pero wala siyang masyadong kaibigan kasi sabi ng mga tao ang tatay raw ng lalaking ito ay nagbubulsa ng pera ng sambayanan.

Pero hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila.

Hanggang sa tumunog na ang kampana at nakita kong kumakaripas na siya ng takbo pabalik sa room niya. 
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya  hanggang sa makapasok na siya sa loob ng room niya.

Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa room dahil malapit lang naman yun sa gymnasium at panigurado wala pang teacher na naroroon.

Pagbalik ko sa room ay nakita ko ang
mga kaklase ko na may mga sariling mundo. May mga nagce-cellphone, naggigitara, at natutulog. Kaya hindi na ako nag-abala na pakielaman pa sila. As a Class President nila ay binibigyan ko sila ng kalayaan na makapagpahayag ng sarili nila.

Sumapit ang weekend kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Para ngang kinukulong ko lang sarili ko kapag walang pasok. Naging mabilis lang naman ang weekend na ito.

Lunes na agad in-game na naman ako sa pagpapanggap. Inagahan ko ang gising ko para makapaghanda pa ako ng makakain ko sa school. Nagdadala na ako ng lunch box para makapag-ipon ako.

Pagdating ko sa room ay konti pa lamang kami. Masyado pa kasing maaga. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagreview na lang ako sa Ekonomiks dahil iyon ang first subject namin.

Ang bilis ng takbo ng oras napansin ko na lamang na ang ingay na ng paligid. Dahil ang mga kaklase ko ay nandito na. Hindi rin nagtagal dumating na si Miss na teacher namin sa Ekonomiks.

Bago siya nagsimula may announcement siya about sa Quiz Bee UN tinanong niya kung sino ang ilalaban ng section namin kalaban ang buong G9 representative per section.

Isa ako sa mga pinagpipilian, masyado kasi kaming marami eh. Tapos yung iba ay sobrang determinado na makuha yung chance na yun para makapagquiz bee na ulit.

Ako ang napili ng section namin na ilaban, pero ibinigay ko sa iba kong classmate. Dahil bukod sa hindi ko ngayon focus ang quiz bee dahil busy ako sa journalism. Isa kasi akong Radio Broadcaster tapos nalalapit pa ang DSPC kaya hindi ko na ito kinuha.

Noong nagkaroon na nga ng representative ang section namin ay nagsimula na magdiscuss si Miss tungkol sa mga salik ng produksiyon.

Nagkaroon kami ng quiz about sa diniscuss, then after that tapos na ang klase.

Sa buong linggo na ito, wala akong ginawa kundi mag-aral at maiexcuse sa mga klase dahil nagpra-practice na nga kami para sa nalalapit na DSPC

Thursday na, at ito yung alam kong araw na laban para sa quiz bee. Gustuhin ko man manood sa loob ng library ay hindi pwede dahil para lamang daw iyon sa mga contestants at teachers na nag-organized ng Quiz bee na iyon.

Gusto kong suportahan yung section ko. Napansin ko rin kasi na isa pala sa contestants yung lalaki na anak ng politiko. Sayang pala kung kinuha ko lang 'yung chance na ako ang magrepresent edi sana ay kalaban ko siya sa Quiz Bee na ito.

PagdampiWhere stories live. Discover now