05

10 0 0
                                    

Habang inaantay ang pagbaba ng araw. Nagsisimula na kaming mas kilalanin pa ang isa't isa. Sobrang dami naming napag-usapan tungkol sa buhay ng bawat isa.

Sobrang ganda ng sunset. Parang nais ko na lamang doon manatili hanggang sa maggabi. Ang saya ng araw na ito
mas nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makilala pa si John.

Napagtanto ko na ang dami pala naming pagkakaiba. Sa mga hilig at ayaw. Nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit siya sumisigaw noong umuulan.

Nakaramdam ako ng pagkataba ng puso. Dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na malaman ang dahilan ng pagdugo at pagluha ng mga mata niya — dahil sinabi niya sa akin ang mga bagay na mahirap para sa kaniya.

Umalis na kami sa ilalim ng puno dahil sobrang dilim na. 6:30pm na kasi e, halos ilang oras din kami tumambay sa puno. Humigit dalawang oras siguro.

Tinanong sa akin ni John kung saan ako nakatira, ihahatid niya ako dahil gabi na raw at mahirap na. Wala akong magawa kundi sabihin dahil alam ko naman na nais niya lamang na payapa akong makauwi.

Nakauwi agad ako sa bahay namin. Pinapasok ko muna siya dahil nag-iintay sa loob ang Inay.

"Pasok ka muna, ano gusto mo? Juice or coffee? Ipagtitimpla kita."

“Water” I don't drink coffee

“Okay, just wait.”

Naglakad ako ng tuwid patungo sa refrigerator dahil nakatingin si Inay habang kausap ko si John.

Pagkabalik ko sa sofa inabot ko kaagad kay John ang tubig na gusto niya.

“Thank you.”

Kinakabahan ako dahil parang magsasalita si inay sa mga ilang segundo na susunod.

“Anak, sino 'yan? Pwede mo ba sa akin ipakilala?”

“Ah Inay, si John po.”

Pagkatapos kong magsalita ay agad namang tumayo si John at nagmano sa inay.

“Ano mo si John? Anak”

Natigilan ako sa tanong ni Inay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na boyfriend ko siya kasi hindi naman.

“Ah, kaibigan ko po.”

Nagkwentuhan lamang sila Inay at John. Kapag tinatanong ni Inay si John ng mga bagay bagay ay sinasagot naman ni John ng may paggalang kaya mas nagustuhan ko ito.

Lumipas ang oras at gumagabi na kaya nagpaalam na si John kay Inay na uuwi na ito. Hinatid ko siya sa may gate namin para makapagpaalam ako ng kami lang ang nakakarinig.

“Paalam, ingat sa pag-uwi.”

“Sure, I will.”

Noong nakaalis na ang sasakyan na sumundo kay John ay hindi jo maiwasang ngumiti pabalik sa bahay. Pagkalingon ko ay nakita ko si Inay nag-iintay sa akin sa may tapat ng pinto.

Hinanda ko na ang sarili ko sa mga maaaring mangyari. Pagkabalik ko sa loob ay tinanong agad ako ni Inay ng maraming tanong.

“Anak, gusto mo ba si John?”

“Nay, kaibigan ko po 'yon.”

“Hindi ako naniniwala na kaibigan lang ang tingin mo roon.”

“Ma, promise. Kaibigan lang.”

“Sige, basta ako ay gusto ko siya para sa'yo. Magalang siya at mahahalata mong may pangarap sa buhay.”

Hindi ko maiwasan na ngumiti at dali dali akong tumakbo patungo sa kuwarto. Hindi alam ni papa na bumisita si John dahil busy 'yun sa trabaho niya bilang isang politiko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagchat ako sa gc namin

pinakamiserable ang buhay : hi guys, guess what sino ang hinatid sa bahay.

malandi ako, pero may pake sa acads : ang landi ha, nakita ko nga kayo eh, pinagdala ka pa ng bag ha. tsaka pala yung sinasabi ko na may pinopormahan siya, joke time lang pala yun. Fake news

study first, dahil magagalit si papa : nakita ko rin sila ni John kanina. Nakakahiya namang storbohin kasi naman nagkwe-kwentuhan sa ilalim ng puno.

pinakamiserable ang buhay : hoy, bakit niyo alam?  bye guys nagchat na si John.

Pinindot ko agad ang pangalan niya upang makita ang chat niya. Nagulat ako sa nilalaman nito.

John : hi prince, thanks for today, I enjoyed it. I enjoyed watching sunset with you. Thank you for understanding
my situation rn; I really do appreciate it. see you on Monday.

Kinikilig ako habang binabasa yung message niya. After kong mabasa nagreply ako sa kaniya.

Prince : hi John thank you rin for today, I hope na mas makilala pa kita sa mga susunod. Thank you for the treat noong lunch then salamat din sa pagsama sa puno kanina. Sobrang mas naramdaman ko ang comfort na hinahanap ko.

Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin hanggang sa hindi ko napansin na malapit na palang sumapit ang 12am. Kaya nagpaalam ako kaagad sa kaniya dahil marami pa akong gagawin sa kinabukasan.

Prince : hi john, thank you sa pag-uusap natin for tonight, I enjoyed it. I have to go since its already late na. Good night.

John : goodnight prince, have a sweet dreams!

Natulog agad ako dahil ang dami ko pang kailangan gawin paggising ko. Nakakapagod ang araw na ito, but it's worth it.

: )

PagdampiWhere stories live. Discover now