04

12 1 0
                                    

Friday na. Isa lamang ang ibig sabihin nito ay magbabasa kami maghapon. Sabi kasi ito ang bagong program ng DepEd para makacatch-up pa ang mga nahuhuli.

Nakakapagod kaya magbasa maghapon. Pero natuwa ako noong sabihin ng teacher namin na may mga bago kaming makakaklase sa isang subject lamang. Nae-excite ako kung sino ang maaari naming maging kaklase.

Tapos noong pinapasok na ang mga magiging kaklase namin sa TLE nakita ko siya. Yes, si John.
Nasa dulo akong upuan at sakto walang nakapwesto roon kaya doon na nagpwesto si John.

Nagulat ako dahil dito siya pwumesto. eh, ang mga kaibigan niya ay nasa unahan. Sabi ko tuloy sa sarili ko “luh pinopormahan ako nito.”

Ang apat na sulok ng silid aralan ay nabalot sa katahimikan dahil nagsisimula na kaming magbasa. Hindi ko maiwasan na tignan siya habang nagbabasa siya ng kuwento na binabasa niya. Kung hindi ako nagkakamali “revolution” ang titulo ng binabasa niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita kaya tinanong ko siya.

“John, bakit dito ka pumwesto?”

Parang gusto ko magpalamon sa lupa kasi hindi naman kami masyadong magkakilala tapos tatanungin ko siya ng ganun??

“Wala na kasing mauupuan sa unahan tapos I want to know you more. Simula noong nakita kita sa puno na 'yon. Parang may tumulak sa akin para maging intresado sayo.”

Puta sabi ko na nga ba e pinopormahan ako nito. pero for sure dahil lang naman sa curiousity kaya gusto niya akong makilala. Baka gusto niyang malaman kung bakit ako naiyak nung araw na iyon.

Ayoko namang umasa na he likes me. Sabi kasi ng ibang tao ay may pinopormahan itong iba. Hanggang sa natapos na ang oras sa pagbabasa ngayon naman is magsasagot na kami sa journal namin. Tungkol sa binasa namin.

Tapos required pa na magsagot ka kasi iche-check iyan kung may natutunan ka ba talaga sa binasa mo. Pagkatapos kong magsagot hindi muna ako nagpacheck kasi inaantay ko pa siya na matapos kasi ang gagawin ko ay babasahin ko ang mga sagot niya para kunwari interested ako sa binasa niya.

“tapos ka na ba” tanong ni John

“ay oo, tapos na ako, patingin nga ako ng sa iyo pabasa.” saad ko

pagkabigay niya sa akin ng journal notebook niya nagsimula na akong basahin ang mga sagot niya and shit sobrang ganda ng mga answers niya. Mahahalata mo talaga na binasa niya talaga ng maigi yung book. Sobrang nakakahanga kasi yung critical thinking skills niya.

Binalik ko sa kaniya yung journal notebook niya tapos sabay kami nagpacheck sa teacher.

Ginagawa ko lang naman lahat ng 'to kasi gusto ko pa siya makilala. Nalulungkot ako kasi babalik na sila sa classroom nila. Pagkaalis naman ni Ma'am ay agad kong binuksan ang phone ko at binuksan ang Facebook dahil I will accept him na para makita niya mga post ko na katarantaduhan.

John sent you a friend request         2 days ago
confirm      or        delete

Dumating na si Ma'am kaya tinago ko na ulit ang phone ko. Nagdiscuss lang si Ma'am tungkol sa Ekonomiya. Noong tinignan ko ang oras sa phone ko narealized ko na ang bilis ng oras dahil miss ko na siya agad.

Magkakatabi kami nila Aiah at Ijah kaya puro tawanan lang kami sa likod. Pero kahit puro tawanan lang kami sa likod alam namin ang isasagot namin kapag nagtanong si Ma'am. Kahit nasa likod lang kami with honors kami.

Pero pagkatapos noong Ekonomiks na iyon ay lunch na namin, 1 hour lunch lang. Nakalimutan ko magdala ng lunch box kaya I texted my mom and I said na ipadala yung lunch box ko pero sabi is matatagalan pa raw kaya hindi na maidadala. Then sakto nagchat si John

John : hi? lets eat together? My treat dw.

Prince : hello, sure. Sunduin mo ako rito sa room namin. I can't walk kasi since mainit pa. Meron ka ba umbrella?

John : yes, I have. otw

Inantay ko lamang na dumating si John

Pagkadating niya sa room ay agad niyang binuksan yung payong tapos itinapat niya sa akin para matakluban ako sa araw. Siya ang naghawak nito tapos magkatabi pa kami sa isang payong kasi I said na mainit so sumukob na siya.

Pagkadating namin sa cafeteria. Hinila niya ang upuan palabas so I can sit in front of him. So gentleman. Mura dito sa cafeteria namin may mga 69 pesos kaya ang pinili ko na lang is yung sisig with rice for only 69 pesos.

Umalis saglit si John kasi he went on the counter para umorder. Pagkabalik niya umupo siya sa harap ko. Tapos tinatanong niya kung kumusta ang klase ko. Hanggang sa napupunta na sa personal, sabi ko na nga ba eh tatanungin niya kung bakit ako umiiyak noong araw na iyon.

“bakit ka umiiyak nung araw na iyon?”

“umiiyak ako noon kasi hindi ko na kaya, puno na ako ng problema nung araw na iyon tapos hindi ko pa alam kung paano masosolusyonan.”

“aww, I wish mas nakilala kita ng maaga para mas natulungan kita.”

Sobrang bilis ng serving dito sa cafeteria. Kaya ay kumain kami together. Tapos niyaya ko siya na magtake ng picture kasi I want to capture this magical moment. Tahimik kami habang kumakain dahil parehas pala kami ng pet peeves

Parehas naming ayaw na may nagsasalita habang kumakain or may laman ang bibig tapos magsasalita.

Pagkatapos naming kumain tumunog na yung kampana kaya nagpasalamat ako sa kaniya at umalis na agad.

Sa message na lang ako sa kaniya magpapasalamat ng maayos. Hindi naman pwedeng malate ako sa class dahil sa landi. Pero kanina kasi habang nakain kami sobrang daming students ang nakatingin.

Tapos sabi pa nila is mag-boyfriend daw kami? like hindi pa nga namin kilala ang isa't isa e. Kinikilala pa lang HAHAHA

Pagkabalik ko sa room wala pang teacher. Tapos nagpapachika si Aiah at Ijah dahil kalat na rin pala na “dating” daw kami ni John.

Ano kayang mararamdaman ng pinopormahan ni John kung ayun yung balita na nabalitaan niya? Will she get mad? Susugurin niya ba ako? Well maghahanda na ako.

Parang wala ngang pinopormahan na iba 'tong si John kasi hindi naman niya ako iinvite sa lunch kung meron. It makes sense na.

Sobrang bilis ng oras at uwian na. Nakakahiya man sabihin pero nagchat ako kay John. I said na punta kami sa puno tatambay tapos maglalabas na rin ng sama ng loob. Then pumayag siya kasi hindi naman daw siya busy.

Inantay niya ako sa gate ng school. Tapos kinuha niya yung bag ko tapos sinot niya sa likod niya kahit suot niya rin yung bag niya. Shit kinikilig ako as a act of service ang love language nakakakilig kapag ganito.

Medyo mainit pa kasi hindi pa bumababa ang araw. Nilabas niya ang payong niya at binuksan at pinangtaklob sa aming dalawa.  Hanggang sa nakarating na kami sa safe place namin. Kung dati ang pangalan ng puno na ito ay “kaligtasan ni Prince” ngayon naman ay “Kaligtasan ni Prince at John.” na. Dinagdagan ko na ito ng pangalan niya dahil puno na namin itong dalawa.

Uupo na dapat ako sa lupa kaso ang sabi ni John ay huwag muna dahil naglatag siya ng picnic mat. Tapos nagulat ako dahil naglabas siya ng mga kakainin namin. Kaya pala natagalan siya kasi bumili pa siya ng snacks na maaari naming makain habang nag-iintay sa pagbaba ng araw .

: )

PagdampiWhere stories live. Discover now