02

9 1 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at wala namang mahalagang nangyari sa akin. Hanggang sa dumating na ang sabado at kailangan ko na magpahinga.

Ang dami pang gagawin sa school pero pinili ko muna magpahinga wala namang masama roon diba?

Ngayong second sem nakikipag-interact na ulit ako sa mga tao. Tapos kung magtatanong naman sila ng medyo personal tungkol sa buhay ko ay limitado lamang ang ibinibigay ko.

Mahirap na kasi magtiwala. Mahirap nang ma-attached sa mga tao kasi lahat naman ay aalis. Isa yan sa mga paalala ko sa sarili ko naalala ko nakasulat ito sa kuwarto ko.

“Mga dapat gawin ni Prince”

1. Huwag ibigay ang buong puso sa pagtitiwala.
2. Mahalin ang sarili bago ang iba.
3. Mas kilalanin ang mga lumalapit.

Ang weekend ko ay umikot lamang sa mga gawaing pang-bahay, acads, at pagpapahinga ko.

Kinabukasan ay lunes na, kaya tinatamad na naman akong pumasok. Pero naalala ko kailangan ko makapagpasa ng mga performance task na ngayon ang deadline.

Nakakatakot naman kasi mahuli sa pagpapasa. Dahil magkakaroon ng deduction yun sa score at may chance na bumaba ang score ko sa task na iyon.

Sa unang tatlong subject medyo wala pa akong gana. Pero noong nag-ekonomiks ay natuwa ako dahil nag-announce si Ma'am na magkakaroon ng Quiz Bee sa bawat grade level and kukuha sila ng representative every section.

Maraming pinagpilian na ilalaban ngunit ako pa rin ang nagwagi dahil wide reader ako. Noong ibinigay sa akin yung reviewer nakita ko na tungkol ito sa United Nations at yung iba't ibang agencies na meron sila.

Kailangan ko 'to agad aralin at intindihin dahil ang quiz bee daw ay gaganapin sa Thursday eh, lunes pa lang ngayon. So may 3 days na lang ako para mag-review. Hindi ko alam kung sino ang makakalaban ko kaya kailangan ko talaga na pag-aralan ito ng mabuti.

Sobrang bilis ng mga araw at kinabukasan ay laban ko na. Minsan pinagsasabay ko ang pagsasagot ng mga assignments ko at pagre-review para sa quiz bee na ito.

Parang sobrang bilis nga ng oras sa tuwing palapit na ang quiz bee.

Parang nagiging cycle na lang yung “after class, uwi agad, pasok, after class, uwi agad” kaya parang ang bilis ng takbo.

Kinabukasan ay araw na ng quiz bee at sa library ito ginanap. Hindi ko pa nakikita yung mga makakalaban ko kasi before the recess kami magsstart sa quiz bee. Noong matapos na nga iyung dalawang subject pinatawag na kaming mga kasali sa quiz bee.

Nagulat ako dahil ang mga kalaban ko ay mas mga matatalino sa akin. Hindi ko siya nakita sa mga kalaban ko kasi iba ang napili na representative nila. Sayang akala ko pa naman magkikita kami sa quiz bee na ito.

Walang ibang tao sa library kundi ang mga contestants and teachers. Noong binabasa na ang tanong ay nagfocus na ako dahil hindi pwedeng matalo ang section ko.

May tatlong stage yung quiz bee.

Medium
Average
Hard

Sobrang bilis lang noong naging quiz bee tapos nalaman na rin agad namin ang result. Pumatak ako sa 2nd place, points lang ang lamang sa akin ng 1st place. Kaya sayang. Hindi naman sayang yung hirap namin kasi lahat kaming mga contestants ay may mga certificate. Meron kaming certificate of participation and certificate of recognition.

Pagkabalik ko sa room ay nalaman na pala nila agad na ako ang 2nd place. Kaya ay nagcongrats agad sila sa akin.

: )

PagdampiWhere stories live. Discover now