08

6 0 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula noong lumabas ang balita. Buti hindi ako binubully dahil sa nangyari. Naglabas na ng statement si daddy pero walang naniwala dahil ang layo ng mga sinasabi niya sa statement ng trese anyos na babae.

Nagpapatunay lamang iyon na isa siyang sinungaling.

Sa buong isang buwan na ito, wala kaming ginawa ni John kundi intindihin ang isa't isa. Alam kong nahihirapan na rin si John

Sabado na ngayon. Kailangan namin ng pahinga.

Nagchat si John.

John Manalo

tara sa puno, tatambay
tara, susunduin kita?
dadala ako pagkain natin.

Agad kong binuksan ang mensahe at nagreply na magbibihis lamang ako.

Pagkadating ni John ay pumasok siya sa bahay at nagmano kay Inay. Medyo may tampuhan pa kami ni Inay dahil sa pagsampal niya sa akin. Nasaktan lang ako kasi ngayon ko lang naranasan na masampal ni Inay.

Inaya na agad ako ni John na sumakay sa kotse at pinagdrive kami ng driver niya.

Parehas kaming nasa likod na upuan. Magkatabi, sinandal ko ang ulo ko sa kaniya dahil medyo nakaramdam ako ng antok. Buti ay hindi niya ito inalis.

Pagkadating namin sa hardin ay naunang bumaba si John at pinagbuksan niya ako ng pinto upang makalabas ako sa kotse.

Naglakad kami patungo sa ilalim ng puno. Habang ang driver niya naman ay nag-iintay lamang sa loob ng sasakyan.

Hindi na rin ako nagulat ng maglatag ulit siya ng picnic mat upang hindi kami madumihan.

Medyo hindi na mainit ngayon dahil maggagabi na. Inaantay na lang din namin ang pagbaba ng araw. Habang tumitingin ako sa kalangitan ay tumayo si John at bumalik sa kotse.

Pagbalik niya ay may hawak na siya ng bulaklak. Hindi ko sinasabi sa kaniya ang paborito kong bulaklak kaya nagulat ako dahil nalaman niya ito ng hindi nagtatanong sa akin.

Habang binabasa ko yung message sa flowers. Hindi ko maiwasan na maging emosyonal. Dahil narealized ko na ito ang una kong bulaklak.

"alam kong nahihirapan ka na, ngunit huwag mong kalimutan na nandito ang balikat ko upang masandalan mo." ito ang nakasulat sa message.

Pagkaharap ko kay John ay nakikita ko siyang lumuluha sa saya.

Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito.

Magkaharap na kami ngayon habang inaantay ang paglubog ng araw.

"mahal na mahal kita, Prince. Hindi ko kaya na wala ka sa aking tabi, hayaan mo na ang balikat ko ang iyong sandalan sa tuwing napapagod ka na. gusto kita makasama hangga't sa pagtanda, gusto kitang protektahan sa mundong bulok ang sistema. mahal na mahal kita, palagi. pwede ba akong manligaw?

"Hindi mo pa ba ako nililigawan noong mga nakaraan? Akala ko pa naman ay nililigawan mo na ako noon. Yes pwede. Mahal na mahal din kita. Kaya ngayon, sinasagot na rin kita agad. Salamat sa pananatili sa tuwing ang isip ko ay nasa kaguluhan. Niligtas mo ako."

Hindi na maipinta ang mukha ni John dahil sa tuwa.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi. Habang lumulubog ang araw at natatamaan kami mas nalulunod ako sa pagmamahalan namin. Sandali lamang ang pagdampi ng labi niya sa akin ngunit nakaramdam ako ng tuwa.

Sa tuluyan na pagbaba ng araw ay lumisan na kami sa puno. Tunay nga na makapangyarihan ang puno na ito. Dahil nailabas niya ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Ano na kaya ang buhay ko kung hindi ako naisalba ni John sa kadiliman?

Pagkahatid sa akin pauwi ni John ay nagpaalam na ako sa kaniya. Grabe ang saya na natanggap ko ngayong araw. Sana ay walang kapalit na lungkot.

Pumasok ako sa kuwarto ko upang magpahinga ngunit naisipan ko na magsulat ng kanta tungkol sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan magsisimula ngunit biglang pumasok sa isip ko ang “Ikaw ang liwanag sa madilim na nilalakaran ko” Naisip ko na ang ganda niya sa intro kaya nag-isip pa ako ng maaring maisunod dito. “Ikaw ang anghel na niligtas ako. Pagsinta ay nadama sa presensya mo” Hindi ko maiwasan na mapangiti habang sinusulat ang kanta. Dahil naiimagine ko na tinutugtog ko 'to sa harap niya.

“Sa ilalim ng puno tayo nagtagpo” Dagdag ko pa sa unang stanza ng  kanta. “Pagtakas kasama ka ang nais ko.” Naisip ko na ang sarap na tumakas kapag siya ang kasama ko.

Pagkatapos kong sulatin ang kanta ay nag-usap lamang kami ni John sa phone. Nagpaplano ng pagsisimba para sa kinabukasan.

Pangalawa na naming beses na magsisimba if ever na matutuloy bukas.

Handa na rin ako sa darating na delubyo.

: )

PagdampiWhere stories live. Discover now