03

11 1 0
                                    

Pagkatapos ng quiz bee ay pinauwi kaming mga students dahil mainit at maraming nahihimatay sa init.

Pero hindi ako umuwi agad dahil gusto ko pang tumambay. Kaya kumaripas ako ng takbo tungo sa isang hardin at pumunta agad ako sa ilalim ng puno at nilatag ang towel na dala ko para pangprotekta  sa aking puwet upang hindi madumihan.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Dahil ito ang pahinga ko. Palagi akong natambay sa puno na ito sa tuwing hindi magaan ang loob ko. Sa katotohanan nga binigyan ko siya ng pangalan. — ang kaligtasan ni Prince

Iniisip ko nga kung paano na ako kapag nawala ang punong ito. Paano kaya kung hindi na ako maging ligtas?
Sino naman ang bagong magiging tagapagligtas ko sa tuwing ako ay nalulunod sa problema?

Hindi ko napansin na unti-unti na rin palang tumutulo ang luha ko. Kasabay ng pagpatak ng ulan. Kaya ako ay tumayo at sumigaw.

“Tanginang problema 'to, patong patong. Kailan ba mababawasan?”

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagsigaw ng lalaki na nasa tabihan ko na ngayon.

“Tanginang buhay 'to napakamiserable. Palagi na lang bang ganito?”

Sa una hindi ko maaninag ang mukha niya. Ngunit ng punasan niya ang basang mukha napagtanto ko na siya ang lalaking hinahangaan ko. Siya ang lalaking inspirasyon ko sa lahat. Siya ang bagong tagapagligtas ko.

Tumigil na ang pag-ulan ngunit nananatili pa rin akong nakatayo sa puwesto habang siya ay nakaupo sa puwesto ko kanina. Bumalik ako sa ilalim ng puno at pumwesto sa likuran niya. Dahil nakakahiya kung tatabi ako.

Patuloy kong prinoproseso ang nagaganap. Hanggang sa nangibabaw ang isang tinig mula sa kaniya.

“Okay ka lang ba?”

Kapag ba sinabing kong “hindi” may magagawa ka pa upang pagaanin ang loob ko?

“Oo, okay lang ako. Palagi, ikaw ba?

“Hindi.”

Pinigilan kong palabasin ang likido na nagsisiksikan sa aking nga mata.

Nagpapatanong sa sarili kung kailan ko kaya masasabi na hindi ko na talaga kaya. Kailan ko kaya matatanggap na mahina ako?

Pagtila ng ulan, muli akong bumalik sa sarili. Tumayo at kinuha ang towel na inuupuan ko kanina. Umuwi na ako at doon ipinagpatuloy ang pagluha.

Kinabukasan ay pumasok ako sa paaralan ng pugto ang mata at halata na lumuha magdamag. Hindi ko pa rin naiisip kung bakit nandoon siya.
Sinusundan niya ba ako? Or alam niya lang din ang lugar na iyon?

Nakasalubong ko siya sa hallway. Hindi kami nagsalita, ngunit ngumiti siya senyas na “magiging okay din ang lahat.” Ngunit hinabol ko siya at tinanong kung bakit siya naroon sa puno na ligtas na lugar ko.

“John, anong ginagawa mo sa punong iyon kahapon habang umuulan?”

Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado kung sasagutin niya ba ang tanong ko.

“Ah, I'm there because safe place ko siya. Ikaw bakit ka naroroon?

“Dahil kaligtasan ko rin siya.”

Hindi ko inaasahan ang sagot na makukuha ko sa kaniya.

Umalis agad ako at nagpasalamat dahil hindi siya nagoatanong pabalik. Dahil kung nagtanong siya paniguradong kakabahan ako.

Basta ang alam ko parehas kaming miserable ang buhay.

Parehas na may problema at hindi alam kung paano masosolusyonan.

Wala ng naganap sa buong araw ko kaya noong natapos ang klase ay kumain kami sa labas kasama ang mga kakilala ko. Kumain kami ng streetfoods like; kwek kwek, isaw, and corndog.

note : I consider them as my kakilala kasi hindi pa buo ang tiwala ko sa kanila.

“Ang sarap ng kwek kwek shet” sabi ko kay Aiah

“Lol first time mo lang kasi makatikim niyan” ani ni Aiah

“Ay pasensyahan ha, hindi kasi ako hampas lupa tulad mo.” Pagbalik ko.

Natapos naman na ang pag-aasaran naming magkakaibigan

Actually tatlo lang kami. Si Aiah, Ijah, at ako.

Kaming dalawa ni Aiah ang mas malapit sa isa't isa, pero si Ijah naman ay neutral lamang. Pero sa tuwing may gala kami ni Aiah. Palagi namin siyang inaaya even though alam na naming hindi siya papayagan.

Hindi alam nila Aiah at Ijah na I have a crush na. Hindi ko masabi sa kanila dahil baka asarin ako. Ang ayoko pa naman is yung inaasar ako sa crush ko kasi baka ilibre ko sila ng Jollibee if ever.

note : We need to boycott Mcdo because they're supporting genocide.

Napagsunduan na naming tatlo na maghiwalay-hiwalay na dahil maggagabi na rin tsaka baka hinahanap na kami ng mga magulang namin.

After kong makauwi sinabi ko na sa gc naming tatlo na I have a crush na.

“tatlo lang tayo, baka naman i-leak niyo pa” — name ng gc.

nicknames

Prince : pinakamiserable ang buhay
Ijah : study first, dahil magagalit si papa
Aiah : malandi ako, pero may pake sa acads.

pinakamiserable ang buhay : hi guys, welcome to my YouTube channel. Gusto ko lang sabihin na I have a crush na. Same level, magkaiba lang section.

study first, dahil magagalit si papa : wow binata na.

malandi ako, pero may pake sa acads : hoy akala ko ba asexual ka? Pero sino ba ‘yan? Pogi ba? Matalino ba? I need some tea nakakapagod maging malandi.

pinakamiserable ang buhay : Hindi ako asexual 'no, sadyang I don't want to be identified on my gender lang talaga ang atake ko. Si John, Oo, Sobrang talino.

malandi ako, pero may pake sa acads : lol si john? back out sis, may pinopormahan iyon. Tsaka hoy Ijah anong binata na? Tanga bading 'yan.

study first, dahil magagalit si papa : hoy Prince out of league ka ni John kaya back out sis. Tsaka bakit mo ba ‘yun nagustuhan? give us a valid reasons bukod sa matalino.

pinakamiserable ang buhay : bye guys, good night.

malandi ako, pero may pake sa acads : hoy sis sagutin mo kami.

study first, dahil magagalit si papa : ay sis huwag mo kaming tulugan.

Pinindot ko agad ang do not disturb dahil sigurado ako magtatanong sila nang magtatanong.

Hindi agad akong natulog dahil nag-scroll pa ako sa facebook. Nagulat ako may notifications.

John sent a friend request
08:17pm

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ang ginawa ko ay nanood na lang ako ng movie upang idistract ang sarili ko.

: )

PagdampiWhere stories live. Discover now