07

7 0 0
                                    

TW : sexual abuse.

Nang sumikat ang araw ay tumayo na agad ako sa aking higaan at nagsimula na ayusin ang sarili. Dahil marami pa ang gagawin. Actually may mga Angels kami sa bahay. Sila yung mga tumutulong sa amin sa paglilinis then family na rin namin.

As usual si Inay lagi ang unang nakikita ko tuwing umaga. Hindi kasi rito natutulog si Dad e. Hindi ko na nga maalala kung kailan siya huling umuwi rito sa bahay.

Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung sino ba talaga ang mahal ng Daddy ang pamilya ba o ang pera ng taong bayan?

Para kasing nilalamon na siya ng pera. Parang tinalikuran na niya kami, kami ni Inay.

Pagkatapos kong tumulong sa mga gawaing bahay, bumalik agad ako sa kuwarto upang magpahinga at manood ng balita.

Nagulat ako sa bungad ng balita.

“Congressman Vic Martinez inaresto sa salang panggagahasa sa trese anyos na babae. ”

Hindi na ako nagtaka ng tumunog ang cellphone ko at bungad ang chat ng mga kaibigan ko at ni John

malandi ako, pero may pake sa acads : nakita mo ba yung balita @pinakamiserableangbuhay?
study first, dahil magagalit si papa : @pinakamiserableangbuhay

John Manalo

nakita mo ba yung balita?
are you okay?
usap tayo mamaya, pupunta ako sa inyo. kailangan mo ako.
huwag ka magbubukas ng facebook.

Hindi ko sila nireplyan. Bagkus binuksan ko pa rin ang facebook ko at hindi na ako nagulat na marami ang galit sa Daddy ko. Dahil isa ako sa kanila.

Hindi na ako magtataka kung mabu-bully ulit ako sa school dahil sa Daddy kong rapist.

Hindi na rin ako nagtaka nang maraming activist ang pupunta sa bahay upang magprotesta kahit alam naman nila na wala na ang Daddy ko sa tirahan na iyon. Masisira na naman ang buhay namin. Dahil na naman sa kaniya.

“Vic Martinez! Rapist”

Nabasa ko sa isang placard ng activist habang sumisilip ako sa maliit na butas ng bintana namin.

“Nakakadiri! Pinagkatiwalaan ka namin. Martinez!”

“Akala ko kakampi ka naming mga mahihirap, kakampi ka pala ng bulok na sistema!”

Marami ang nabasa kong placards na dala nila. Ngunit ang iba ay tungkol sa past issue ng Daddy ko sa corruption.

Unti-unti na silang nawawala at sigurado ako na lalabas sa media ang pagsugod nila dito. Sigurado ako na magsasalita ang mga totoong mulat sa katotohanan.

Ang ginawa ko lamang ay nagpahinga, nakatulog ako dahil sa pag-iyak. Paggising ko ay nasa tabi ko na si John. Pinapanood ako sa paghiyab. Pinainom rin ako ng tubig upang mapakalma ang sarili.

Patuloy akong nagagalit sa Daddy ko. Mas lalo niya lamang pinamiserable ang buhay ko.

Hinayaan lamang ako ni John na iproseso ang mga nangyayari ngayon. Tama nga ako naglabas ng statement ang mga activist tungkol sa nangyayari. Hindi ko sila masisisi.

Hindi ako makasama sa pagprotesta dahil paniguradong pipigilan ako ni Mommy. Ayaw niya lamang na ipahamak ang sarili ko. Dahil kapag nalaman ni Daddy na isa ako sa mga kumakampi sa tama ay hahalikan siguro ako ng bala kahit sarili niya akong anak.

Tangina. Nasanay sa dahas. Hindi kaya lumaban ng patas.

Habang nanonood sa balita ay wala akong magawa kundi sumang-ayon sa nilalabas na statement ng nga activists.

“Hindi tama ang ginagawa niyo. Hindi tama ang manggahasa. Hindi tama na takluban ang kasalanan ng isang politiko. Ano, kapag kapwa mahirap namin ang nagkasala kulong agad? Pero kapag kayo tatakluban niyo upang maisalba ang sariling interes. Hindi 'yan makatarungan. Hindi kayo lumalaban ng patas. Yakap mo kami noon, ngayong nakaupo ka na pera na namin ang niyayakap mo.”

PagdampiWhere stories live. Discover now