Chapter 4 (Isla Fontana)

9.6K 390 39
                                    

CHAPTER 4

"ANONG NANGYARI sa labi mo?"

Awtomatiko siyang tumingin sa kaibigang si Alyssa. Napahawak naman siya sa labi niya. Halos tatlong araw na ang lumipas nang mangyari ang unang halik niya. Napabuntong-hininga siya. Hangga't maaari ay ayaw na niyang isipin pa iyon.

"Nakagat ko," dahilan niya.

Mataman itong tumingin sa kaniya.

"What?" tanong niya.

Ngumiti naman ito.

"Parang down na down ka nitong mga nakaraang araw," naiiling na sabi nito.

Natigilan naman siya.

"Hindi no." Tanggi niya.

Natawa lamang ito sa sinabi niya.

"Bakasyon na natin starting next week. Anong balak mo? Hindi ka ba magbabakasyon?" tanong nito.

Napaisip naman siya.

"Parang gusto ko nang tahimik at payapang lugar. Nagsawa na ako sa Japan," sabi niya at napabuntong-hininga.

"Wala pa kasi akong balak umuwi sa isla. Kung sana ay uuwi ako, puwede kitang isama roon sa Isla Fontana at─"

"I can go there without you!" Putol niya sa sasabihin nito, nakaramdam ng excitement.

"H-Ha? Teka lang. Nakakahiya naman kung wala ako roon para asikasuhin ka at─"

"Ano ka ba? Hindi na rin naman ako bata no! Kaya ko na ang sarili ko. Sige na. Payagan mo na akong pumunta roon, please? Doon ako matutulog sa bahay ninyo. Para makita ko na rin si Lola Helen. Please?" Pamimilit niya.

Madalas nitong i-kuwento ang Isla Fontana sa kaniya. Unang kuwento pa lamang ni Alyssa sa kaniya ay napukaw na kaagad ang interes niya sa islang sinasabi nito. Gusto niyang puntahan iyon. Kinu-kuwento rin nito ang Lola Helen nito kaya gusto rin niyang makilala ng personal ang lola ni Alyssa.

"Sigurado ka? Baka hindi mo magustuhan at hindi ka magiging komportable. Simple ang pamumuhay doon. I mean...alam kong sanay ka sa marangyang buhay kaya─"

"Hindi ako maarte, Aly. Sige na. Pagbigyan mo na ako. I can help Lola Helen as well sa palengke ninyo. Promise, hindi ako maarte. Gusto ko lang makita ang isla. Please. Please?" Malambing niya itong hinawakan sa kamay.

Mahina naman itong natawa.

"Sigurado ka, ha? Baka isang araw ka lang doon ay tatawagan mo na ako at gusto mo nang umuwi?" Natatawang sabi nito.

"Hindi nga. Sige na. Give me the address. Ako nang bahala. Kakausapin ko rin sina daddy at mommy. Papayag sila sigurado. At isa pa, I already introduce you to them and they like you. They trust you. Gandang-ganda pa nga sila sa'yo. At ang bait mo raw. Niloloko pa ako bakit nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo," natatawang sabi niya.

Natawa na rin ito sa sinabi niya.

"Sige na nga. Basta hindi ako makakauwi sa isla, ha? Pasensya na. May aasikasuhin pa kasi ako." Napakamot ito sa ulo.

"Sus! Ayaw mo lang humiwalay kay Kuya Ze─" Mabilis nitong tinakpan ang bibig niya na ikinatawa niya. "Sorry na. Ako na ang bahala roon kapag nasa isla na ako. I can handle myself so you don't have to worry. Napakilala mo na rin naman ako kay lola mo noong kausap mo siya sa phone. Hindi na siya magugulat kapag nandoon ako para ipakilala ang sarili ko," nakangiting sabi niya.

"Oo na nga. Tatawagan ko rin si lola para ipaalam sa kaniya na doon ka magbabakasyon." Wala na itong magawa kundi ang pagbigyan siya.

"Thank you!" Malambing niya itong niyakap. Excited na siyang makapunta sa Isla Fontana!

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now