Chapter 52 (Little Naiad)

7.9K 469 80
                                    

I DEDICATE THIS CHAPTER TO ALL MOTHERS AND “TITANG INA” OUT THERE!

HAPPY MOTHER'S DAY!!!💛😍

CHAPTER 52

"IT'S A BABY GIRL, MRS. NAIAD." Nakangiting tiningnan siya ng doctor niya pagkatapos gawin ang ultrasound.

Ngayong araw siya nagpa-ultrasound para malaman ang gender ng batang nasa sinapupunan niya.

Kaagad naman siyang napangiti habang masuyong hinahaplos ang maumbok na niyang tiyan.

Tumingin siya kay Ragian na halos natulala lamang sa sonogram na hawak-hawak nito. Mahina siyang natawa.

"It's a baby girl, love," nakangiting sabi niya.

"Y-Yeah, I heard it," mahinang sabi nito sabay tingin sa kaniya.

Madamdamin itong ngumiti sabay hawak sa tiyan na anim na buwan na niyang pinagbubuntis.

"Our baby girl..." anas nito habang hinahaplos ang tiyan niya.

"I actually thought we would be having twins or triplets since it runs in your family," she commented.

Ragian let out a soft laugh.

"I prayed for it," he said in a low voice.

"You prayed for what?" she curiously asked.

"Na huwag muna tayong bigyan ng kambal o kaya naman ay triplets. I mean, you're still nineteen, love. Ayaw kong mahirapan ka. So, I am grateful for now. Next time, I'll make sure that we will be having twins. Maybe five years from now?" Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya.

Mahina naman siyang natawa. As expected of her husband, he is always worried about her. Palagi nitong iniisip ang kapakanan at kaligtasan niya.

"Napakalakas mo kay Lord, Doc," nakangiting sabi niya.

"Of course, love. Taimtim palagi ang panalangin ko lalo na kapag tungkol sa'yo," sabi nito at hinalikan siya sa noo.

"Napaka-sweet niyo talagang mag-asawa. Ang guwapo at ang ganda niyo pa. I am sure your baby girl will be very beautiful. At mukhang maraming mabibihag na puso ang anak ninyo. Maraming manliligaw na pipila sigurado. Napakaganda ng genes ninyong dalawa," natutuwa namang sabi ng OB-Gyne niya.

"Salamat, Doctora," natatawang sabi niya.

"Wala pa man pero mukhang gusto ko nang bakuran ang anak ko," pabiro namang sabi ni Ragian.

Natawa silang pareho ni doctora. May mga sinabi pa si doctora sa kanila bago sila tuluyang umalis.

"Okay ka lang ba sa school, love?" tanong ng asawa nang nasa loob na sila ng kotse.

"I'm okay, Doc. Why?" nagtatakang tanong niya.

"I mean..." Napakamot ito sa ulo. "Alam kong hatid-sundo na kita sa school pero nakakabaliw sa tuwing hindi kita nakikita kahit ilang segundo lamang." Mahina itong napabuntong-hininga sa sarili.

"Doc, mahal na mahal mo talaga ako, no?" She teased him.

"Of course, love. Sobra. As in sobra." Kaagad namang pag-amin nito. "Gusto ko tuloy mag enroll sa school mo para makasama kita minu-minuto," pabirong sabi nito na ikinatawa niya.

"Doc, magiging busy ka na next month sa ospital mo. Hindi mo na ako mahahatid at masusundo sigurado," natatawang sabi niya.

Next month ay lilipad ito papunta sa US para sa mga equipments na kakailanganin pa nito sa pinapatayong ospital. He will meet some investors as well.

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now