Chapter 28 (Love and Sincerity)

13.9K 597 87
                                    

A/N: CONGRATS NINYO AKO! NAKAPAG UPDATE AKO! HUHU.

Despite of weak signal sa area ko dahil wala ako ngayon sa bahay, nagawa kong makapag update. Though, ang ibang words na sinulat ko ay nawala dahil mahina talaga signal ko and I am just using my phone. Iniwan ko laptop ko sa bahay. Na-restore ko naman kahit papaano 'yung mga sinulat ko kanina but I still had to write again dahil nga may nawala sa mga sinulat ko today. Huhu. Hahaha.

So yeah, HAPPY READING, loves!💛 May pupuntahan pa ako today so I'll be busy once again pero hindi puwedeng walang update kay Doc Ragian and our Little Demon Angelu.

Love lots!

CHAPTER 28

NAGISING si Angelu nang marinig na tumunog ang cellphone niya. Antok na antok na kinapa niya ang cellphone at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Hmm?" Antok pa ang boses na bungad niya habang nakapikit pa rin.

She heard someone chuckled from the other line.

"Wake up, love. Happy Birthday."

Bigla siyang nagmulat ng mga mata at bumangon. It's Ragian!

"Doc..." Sandali niyang tiningnan ang oras sa cellphone.

The time is exactly 12:00am. Muli niyang idinikit ang cellphone sa tainga.

"Doc, you surprised me," sabi niya nang makabawi sa pagkabigla.

Ragian chuckled again.

"I want to be the first one to greet you with a Happy Birthday," sabi nito mula sa kabilang linya.

Napangiti naman siya. Kinikilig ng sobra ang puso niya. He really greeted her first.

"Thank you, Doc," nakangiting tugon niya.

"Can you get up and go near your window?" tanong nito mula sa kabilang linya.

Awtomatikong kumunot ang noo niya. Nagtataka man ay bumaba siya mula sa kama at lumapit sa bintana ng kuwarto niya.

She gasped when she saw Ragian outside. Awtomatiko itong ngumiti nang makita siya. Nakatingala ito sa kaniya habang ang nasa tainga ang cellphone. Ang isang kamay nito na nasa bulsa ay nilabas nito at kapagkuwan ay nakangiting kinawayan siya.

Mahina siyang natawa. Ragian gestures his finger to his lips, telling her to be quiet.

Nakangiting tumango naman siya. Ayaw nitong magising ang mga magulang niya.

"I know it's inappropriate for me to do this but can you celebrate your birthday with me?" tanong nito mula sa kabilang linya habang nanatiling nakatingala sa kaniya.

Muli ay napakunot ang noo niya.

Akmang magtatanong siya nang muli itong nagsalita, "Can you get out and come with me?"

Namilog ang mga mata niya.

"You mean...now?" she asked.

Nakita niya itong tumango. Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita.

"Don't worry. Hindi naman kita itatanan," nakangiting sabi nito na ikinatawa niya.

"Sandali. Magbibihis lang ako at—"

"No, it's fine. Just wear your pajamas. It's okay," agaw nito sa sasabihin niya.

"Pero ang pangit ko," sabi niya.

Natawa naman ito.

"Love, you are very beautiful whatever you wear," sabi nito.

Muli ay mahina siyang natawa.

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now