Chapter 46 (Undying Love)

8.6K 475 63
                                    

CHAPTER 46

MAHINANG NAPADAING si Angelu nang maramdaman ang mainit na kamay sa pisngi niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at awtomatikong napangiti nang makita si Ragian.

"I'm sorry. I have to wake you up. Hindi ka kumain ng breakfast. Eat your lunch first, love. Kailangang magkaroon ng laman ang tiyan mo," masuyong sabi nito.

"Mm-hmm. I'm still sleepy," antok na antok na sabi niya.

"I know. Kain ka muna kahit konti lang, please? And then you can go back to sleep after. Please, love." Inalalayan siya nitong makabangon.

Awtomatiko naman siyang sumubsob sa malapad at matigas nitong dibdib. After they made love last night until morning, she fell asleep right away after confirming that she was pregnant. Hindi na niya kinaya ang antok. Bukod sa puyat siya ay hinihila talaga siya ng antok.

"Antok pa ako, Doc," nakasimangot na sabi niya.

"I know, my love. Kahit konti lang, kain ka muna," masuyong sabi nito.

"Opo," mahinang tugon niya.

"That's my baby girl," masuyong sabi nito sabay sapo sa mukha niya.

Tinitigan naman niya ito.

"Ang guwapo mo, Doc," nakangiting sabi niya.

Mas lalo itong pumogi sa paningin niya. Mataman naman itong tumitig sa kabuuan ng mukha niya.

"At napakaganda mong buntis," nakangiting sabi nito.

Awtomatiko siyang napangiti.

"Are you happy, Doc?" tanong niya.

Kaagad naman itong tumango sabay kabig sa kaniya at dinala siya sa mga bisig nito.

"I'm very happy, Angelu. So happy," masuyong sabi ni Ragian at masuyong hinawakan ang tiyan niya. "Thank you, love," he gently whispered behind her ear.

Napangiti siya.

"Ako rin, Doc. Masaya ako," sabi niya at pinatakan ng halik ang labi nito.

"I know I shouldn't say or ask this but...aren't you pissed? I mean...nabuntis kita at─"

"Doc, I know my pregnancy is not an accident," seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.

"W-What do you mean?" tanong nito, hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

Pinisil naman niya ang tungki ang ilong nito.

"Be honest with me, Doc," may babala sa boses niya.

Napatitig naman ito sa kaniya sabay napakamot sa sentido.

"Fine. May balak talaga akong buntisin ka una pa lang," pag-amin nito.

Mahina siyang natawa.

"I knew it. Nangako ka pa kay daddy na hindi mo ako bubuntisin." Nakataas ang kilay na sabi niya.

"I'm sorry. I'll talk to your dad. Handa akong harapin ang galit niya at─"

"Never mind," nakangiting sabi niya.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong nito.

"Masyado mo kasing ginalingan, Doc. Kaya gustong-gusto ka ni daddy at pati na rin si mommy. For sure siya ang unang matutuwa kapag nalamang buntis ako," natatawang sabi niya.

"I actually called them. They are on the way here. I booked them a ticket early this morning," sabi ng fiance na ikinagulat niya.

"You did?" Nanlalaki ang mga matang sabi niya.

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now