Chapter 30 (Don't Be Gentle)

9.3K 412 47
                                    

CHAPTER 30

THIS IS ANGELU'S MOST SIMPLEST birthday but this is the happiest ever. Kasama niya ang pinakamamahal na mga magulang at ang pinaka-importanteng lalaki sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa.

As they they celebrate her birthday during lunch, they are just laughing. Her father praise Ragian's cooking. There's no doubt that her parents would like Ragian's cooking. Dahil masarap naman talagang magluto ang kasintahan.

"By the way, sweetie. Hindi ba pupunta si Alyssa?" tanong ng mommy niya.

Umiling siya.

"No, mom. Busy kasi siya. But we already celebrated my birthday yesterday. She sent me a message as well early this morning and greeted me. Kinakumusta rin niya kayong dalawa ni daddy," tugon niya sa ina.

"Oh I see. Well, bring her here when she's not busy, baby. Dito mo na rin siya patulugin," sabi ng ina.

"I will, mommy." She smiled.

Ilang sandali lamang ay may dumating silang bisita. Nabigla naman sila ng mommy niya. Kaagad na tumayo ang mommy niya at sinalubong si Tita Darlene. Tita Darlene is her mother's younger sister. Kasunod nito ang pinsan niya, si Kuya Drew.

"Happy Birthday, hija," bati ni Tita Darlene.

Sunod namang pumasok ang pangalawang asawa ni Tita Darlene na si Tito Harold. Ang huli niyang nakita ay ang anak ni Tito Harold na si Ate Haurine Joyce. Awtomatiko siyang tumayo at maging ang daddy niya. 

"Tito, Tita, mano po." Nagmano siya sa mga ito.

"Happy Birthday, baby girl." Si Kuya Drew na ginulo ang buhok niya.

"Kuya..." Sinimangutan niya ito.

Mahina itong natawa. Tumingin ito sa likuran niya at tila nabigla nang makita ang kasintahan niyang si Ragian.

"Dude." Awtomatikong nilapitan ni Kuya Drew si Ragian.

They knew each other?

"Drew." Binati ito ng kasintahan niya.

"You know each other?" she asked.

"Oh well, he's my friend," sagot ni Kuya Drew. "And why are you here, Doc Ragian?"

"He's my boyfriend, Kuya Drew," tugon niya.

Kuya Drew's eyes widened.

"Boyfriend? Ragian? He's your boyfriend?" Nabibiglang tanong nito.

"At magkaibigan pala kayo," sabi niya.

"I didn't know that you're cousins," anang Ragian.

Pare-pareho silang nagulat. Mahina siyang natawa. Nagsalo-salo silang lahat sa isang hapag-kainan. Katabi ni Kuya Drew si Ragian kaya abalang nag-uusap ang mga ito. Ang mga magulang naman niya ay abala rin sa pakikipag-usap sa dalawang mag-asawa.

"Ate Hau, kain ka pa," nakangiting sabi niya kay Ate Hau na nasa tabi niya.

Ate Haurine is Tito Harold's only daughter. She's Kuya Drew's step-sister. Ang alam niya ay hindi magkasundo si Kuya Drew at Ate Hau. Palaging nagtatalo ang dalawa. Hindi rin pabor si Kuya Drew noong nag-asawa ulit ang mommy nito kaya humiwalay ito ng tirahan. Nagtataka nga siya ngayon kung bakit magkakasama ang mga ito dahil ang alam niya ay ayaw na ayaw ni Kuya Drew na magkakasama ang mga ito sa iisang lugar.

"Marami na akong nakain," tugon ni Ate Hau na ikinatawa niya. 

"Salamat pala sa pagpunta rito. Hindi ko inaasahan ang pagdating ninyo," nakangiting sabi niya

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now