Chapter 12 (Naked)

9K 357 22
                                    

CHAPTER 12

"ANGELU, WAKE UP."

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Kaagad na sumalubong ang guwapong mukha ni Ragian. Nakatunghay ito sa kaniya. Nanatili siyang nakatingin lamang kay Ragian at wala sa sariling inabot niya ang pisngi nito. 

She gently caressed Ragian's cheek. She can't believe someone as handsome as him is waking her up right now. She likes it. Gusto niya itong makita araw-araw sa bawat pagmulat ng mga mata niya.

Kaagad naman siyang natigilan sa naisip. Is she...in love with this man? She's in love with Doc Ragian? Napakurap siya at muling napatitig sa lalaking nasa harapan niya. Is this really love or just...a simple crush? She has to confirm.

Hinawakan niya ang batok nito at kinabig ito dahilan para maglapit ang mga mukha nila ni Ragian. Ilang dangkal na lamang ang lapit ng mga labi nila sa isa't-isa. She was supposed to kiss him but Ragian was too fast to cover her mouth using his big hand.

"What the fuck are you doing?" he asked in a firm voice.

She blink twice. Salubong ang mga kilay ni Ragian habang nakatingin sa kaniya. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sabay bitaw dito. Narinig niya itong malakas na napabuntong-hininga.

"I am already having a hard time. Huwag mo nang dagdagan pa," mariing sabi nito sabay bitaw sa bibig niya.

Awtomatiko niya itong tiningnan sa mga mata. He was having a hard time? Dahil ba nilagnat siya at kailangan siya nitong alagaan?

"I didn't ask you to take good care of me," supladang sabi niya habang salubong ang mga kilay.

Mataman naman itong napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala. Sa huli ay napailing na lamang ito.

"You don't even know what I am talking about," mahinang sabi nito.

"What?" Kumunot ang noo niya.

"Nothing," seryosong sabi nito sabay alalay sa kaniya para makabangon.

"Bumaba na ang lagnat mo. Pero kailangan mo pa ring kumain at uminom ng gamot," sabi nito sabay dama sa noo niya.

Tinabig niya ang kamay ni Ragian na ikinabigla nito.

"I'm sorry for giving you a hard time. Hindi mo na kailangang alagaan ako. I can handle myse─"

"Taking good care of you is something I want to do and you're not giving me a hard time," he cut her off.

"Pero kakasabi mo lang kanina," supladang sabi niya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Angelu," sabi nito sabay buntong-hininga.

"Eh ano?" naguguluhang tanong niya.

"Huwag mo nang itanong," tugon nito sabay iwas ng tingin sa kaniya.

Napasimangot naman siya. Hindi niya ito maintindihan.

"Puwede bang huwag mo akong ituring na bata? Sabihin mo sa akin sa paraang maiintindihan ko dahil hindi na ako bata," naiinis na sabi niya. 

Muli ay mataman itong napatingin sa kaniya. Seryoso naman niya itong tiningnan sa mga mata.

"I am still eighteen. Alam kong bata pa ako. But I am matured and I learn fast. Ganito lang ang ugali ko, some may call me a brat, rude,  and a mean girl, but I am matured enough to understand and accept things around me. I hate it when someone's treating me like a child." Especially when it's you.

Mahina itong napabuntong-hininga.

"Do you want me to be honest?" he asked.

Kaagad siyang tumango. Masuyo nitong kinuha ang kamay niya at mahina iyong pinisil.

Isla Fontana Series #5: Taking Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon