Chapter 16

42 0 0
                                    

CHAPTER 16

Congrats


Akala ko hindi na ako makakatulog dahil sa saya at sa kilig overload na naramdaman ko kasama si Alceo kahapon, but I was woken up by Karim's phone alarm. Bumangon ako para kuhanin iyon at patayin. His lock screen showed and it's Mommy and I.

Akala ko hindi na talaga mawawala ang lock screen niyang picture nila ng ex niya, but I'm glad he's finally moved on. Mabuti naman, kasi seeing him miserable over the girl, sobrang nakakaawa. Plus, ilang sticks na ng drums niya ang nabali dahil sa lahat ng love songs na kinakanta ko, parang galit na galit siya.

Nang tingnan ko si Karim, naka dapa siya at bahagya pang nakataas ang damit. Nahuhulog na rin ang light blue na kumot niya at napakunot ang noo ko dahil bago iyon. Ang puti niyang kumot, balot na balot sa akin.

Niyugyog ko si Karim para gisingin. "It's already past six, gising na."

He groaned and hugged his pillow. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya para pumasok sa kwarto ko at maligo. When I looked at myself in the mirror, bumaba ang mata ko sa labi ko at kusa akong napangiti nang malapad.

"Oh my gosh, I'm seeing him today!" Kinikilig na sabi ko bago umakayat sa bathtub at binuksan ang shower.

Habang naliligo ay kumakanta ako habang iniisip ang mga oras na nakasama ko si Alceo kahapon.

Baby, come here and I'll make you see
Take you to a place where we can be free
Boy, you put me on fire
Come on, baby, take me higher
And fulfill my desire

Hanggang sa nagbibihis ay tinuloy ko pa ang pagkanta. Muntikan pang magka iba ang medyas na nakuha ko.

And blow my mind
Don't keep me waiting
I know you want it
Now, let's get it started
Lead me, feel me
Baby, let me hear it that you wanted more

Habang nagbo-blowdry ng buhok, sinilip ko ang phone ko at nakitang may message si Alceo sa akin.

Alceo:
Good morning, Princess. I'm on my way to school, drive-thru na lang for breakfast.

Ako:
Good morning, Alceo! Umagang umaga, kinikilig na agad ako sa'yo!

Tumili pa ulit ako at ngiting ngiti habang inaayos ko ang sarili ko. I picked up my handbag after at tinuloy ang pagkanta habang palabas ng kwarto.

Hold me close by your side
Baby, never let me go
Through the night
As I open my eyes
Baby, kiss me from my nose down to my

Napakunot pa ang noo ni Karim nang sabay kaming lumabas ng kwarto at kalaunan ay napangiti na lang habang umiiling. Inakbayan niya ako habang pababa kami.

"Drive thru? Hindi na ako nagpaluto ng breakfast natin kasi wala naman sila Dad." Sabi ni Karim habang pababa kami.

"Sure! Nag drive thru lang din si Alceo papuntang school." Kinikilig na sabi ko.

"How'd you know?"

Binalingan ko si Karim. "Duh, he texted me, of course!"

Tumaas ang kilay niya at napangiti na rin. "He texted you?"

"Ah-huh! Nag good morning siya. And guess what? He called me Princess! Akala ko noong birthday ko lang 'yon, pero hanggang ngayon pa rin pala!"

Tumawa si Karim at in-unlock na ang pintuan ng sasakyan niya at natanaw ko ang isang maid na nagbubukas na ng gate para sa amin.

Habang papunta kami sa McDo, panay lang ang kwento ko kay Karim tungkol sa naging date namin. Kahit nagmamaneho ang kapatid ko, I can still see he's attentive to my stories.

When the Heart Sings (Chasing Celestine #1)Where stories live. Discover now