Chapter 35

42 1 1
                                    

CHAPTER 35

Sayaw


Kung walang Donovan... or another boy who would ask me to prom... if Alceo knew I was going without a date, would he leave Agnes for me?

"Okay na ba 'to, Kat?" 

I grinned at Nori then nodded. "But isn't that too..." I can't even find the right words.

"Hindi! At saka sanay naman na yata si Theodore sa mga ganito!"

Ngumuso ako, "Okay, then!"

I brought my phone out.

Gavin:
Nandito na si Theodore.

"Kuya's there na raw sabi ni Gavin."

Nori squealed in the bathroom, nagulat pa ang dalawang naglalagay ng pulbo sa mukha nila, at natigil pa ang pag-ihi ng isa sa cubicles.

"Sasagutin kaya ako ng kuya mo?"

Nagkibit ako ng balikat. "Malay mo..." I winked at her.

She squealed again. "Tara na! Tara na!"

Hinila niya ako palabas ng banyo at nang malapit na kami sa lamesa ay dahan-dahan kaming naglakad. Nakasunod lang ako sa kanya.

Nakatalikod sa amin si Kuya Theodore. Si Karim naman ay napangisi at napa-iling nang makita kami ni Nori. Pasimpleng napatakip din si Donovan ng bibig habang pinapanood kami.

Umupo na ako sa pagitan ni Karim at ni Alceo at ang atensyon ko ay nakay Nori. Nae-excite din ako para sa kanya.

"Theo?" Gamit ang hintuturo, sinundot niya nang dalawang beses ang braso ni kuya.

Kuya faced her, umiinom sa kanyang water bottle.

Nilabas ni Nori ang blue cartolina niya at pinagmasdan ko si kuya na basahin ang nakalagay.

I'd love to give you a head but we can head to the dance floor at prom first.

"Puta—" Agad napakuha si Kuya Theodore ng panyo niya at pinunasan ang bibig niya nang matapunan siya ng tubig na iniinom.

"Wala ka, Donovan! Tinalo ka ni Nori sa promposal niya," natatawang sabi ni Gavin.

"Kuya, sagot na. Baka dito pa gawin ni Nori 'yon sa'yo," ani Karim.

I chuckled, "Not impossible, though, kuya."

Nanlaki ang mga mata ni Kuya Theodore at minamasahe pa siya ni Kuya Tyrone sa balikat.

Napakurap-kurap si kuya at umigting ang panga niya bago umiling. "Wala bang... mas wholesome na promposal?"

"Hmm... if you would agree to be my date for prom, we'd definitely stand out... and I'll make your D stand—"

"Fuck! Oo na!"

Humalakhak kami at kinantiyawan nila Bruce si Kuya Theo.

"Oo na? So, payag ka na patayuin ko yung d—"

"Your date for prom, Nori! Damn it..." pinasadahan ni kuya ng mga daliri ang kanyang buhok at umiling.

Kinikilig na tumawa si Nori at tumango. "My stilettos are four inches... how about yours?"

Humagalpak kami sa tawa habang si kuya, namumula na. Si Nori naman, mukhang gustong-gusto ang reaksyon na nakukuha sa kapatid ko.

Nagpadala ng makeup artist si mommy sa bahay nang mag-alas tres ng hapon.

For the seniors, this is one of their most-awaited nights. Tanda na malapit nang magtapos ang huling taon nila sa high school.

I am excited about prom, yes. Pero kinakabahan ako. Natatakot ako. Maybe it's just my defense mechanism, expecting the worst that could happen tonight. What's worse than seeing the boy you love be with another girl? Dancing with her?

When the Heart Sings (Chasing Celestine #1)Where stories live. Discover now