Chapter 73

34 0 0
                                    

This chapter contains materials of highly sensitive natures including S/H behaviors and thoughts, and mental health topics that may be triggering for some individuals. Reader discretion is advised.

CHAPTER 73

Buttercup


Mommy has been constantly giving me updates and asking for suggestions about their wedding preparations. Kahit ano raw na magustuhan ko, gusto nila ni papa. Para ngang ako yung ikakasal dahil puro oo lang sila sa mga sina-suggest ko. But for the theme and motif, binigay ko na sa kanila 'yon. I didn't suggest anything for that.

Kaya kahit ilang milya ang layo ko sa kanila, nakakausap ko rin ang wedding organizer nila at minsan pa, nirerekta nila sa akin yung mga update kaysa kina mommy dahil ang sabi nila, "let my daughter handle that".

Alam din nilang forte ko ang fashion at mahilig talaga ako sa mga ganitong preparation, lalo na dahil naging successful naman ang birthday ko at ako ang nag-ayos noon, talking to the organizers and everything. I just didn't know that I'll be doing this on mommy and papa's wedding!

I'm so excited and hyped up for the wedding preparations, kulang na lang ay lumipad na ako sa Pilipinas para harapan ko ring nakakausap ang wedding organizer, pero dahil nandito ako sa Los Angeles, sa video calls lang.

I just talked to the couturier at sisimulan na rin nilang gawin ang gowns para sa entourage at sa damit nila mommy. Since it's a beach wedding, I suggested na flowy and comfortable ang mga damit. Mas gusto rin ni mommy nang ganoon, simple but elegant. No heels allowed! Dahil buhangin naman din ang matatapakan ng mga tao.

And like what I thought of, sa Calatagan nga ang wedding destination and reception nila mommy.

So for me, as the maid of honor, I chose a sweetheart neckline with flowy ends, a bit backless, and fitted under my bustline, in sky blue—ang napiling kulay nila mommy at papa.

Yesterday, my brothers and friends have already taken their measurements, pati ang ibang mga kasali sa entourage at principal sponsors. Ako na lang pala ang hinihintay. Hindi ko rin natutukan the past days dahil nasa Monaco kami nila Migo para sa Grand Prix nila.

"Migo?" Tawag ko nang mahanap ko yung binili kong tape measure.

"In the living room, sweet pea!"

I got my laptop and the tape measure then went out of the room. Sinend na rin ng couturier sa akin kung anong mga kailangan kong i-measure para sa napili kong dress.

"Can you help me, please?" I asked while scrolling through my laptop.

Sinearch ko kasi kung paano kuhanan ng measurement kapag dress fitting para hindi magkamali. I don't want my dress to look too tight or too loose for me!

"Of course! What is it?"

Halos mapatalon pa ako sa gulat nang nasa harapan ko na agad siya.

Nilapag ko ang laptop ko sa dining table at sinundan naman niya ako. I raised the tape measure and gave it to him.

"Can you please help me with my measurements? I can't do it alone, baka kasi magkamali ako."

He licked his lips as he surveyed my whole body—naka-sando lang ako at dolphin shorts. His jaw clenched and nodded.

"Oh, I don't have a bra, ha! Para hindi maiba yung measurement. May padding na rin naman yung dress since it's backless."

He nodded again, licked his lips, and he swallowed. Napanguso ako at tinuro ang laptop. Tumikhim siya at tiningnan ang mga nakasulat doon.

When the Heart Sings (Chasing Celestine #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon