Chapter 65

28 0 0
                                    

This chapter contains materials of highly sensitive natures including S/H behaviors and thoughts, and mental health topics that may be triggering for some individuals. Reader discretion is advised.

CHAPTER 65

Felt


Pagkatapos ilapag ang mga gamit sa apartment ay lumabas ulit kaming pamilya para bumili ng grocery. Si Kuya Theodore at Kuya Tyrone, sumama na kay mommy at kami ni Karim, kay papa. Hiwalay na carts para mabilisang bilihan na lang.

"Kat, do you need a car here? I can buy you one after we do our groceries," nilingon ako ni papa.

What?

"I don't have a license to drive here naman, papa. I'm fine."

And even if papa or Migo give me a car, I can't drive it. Alam kong hindi rin pa pwede dahil sa kondisyon ko at mapapahamak ko lang ang sarili ko. Worse, may madadamay pa akong iba.

"Are you sure?" He raised his brows.

"Opo."

Umakbay si Karim sa akin at tumigil kami nang kaunti kaya mas nauuna na si papa sa amin.

"Kasi may hatid-sundo ka naman na?" Bulong ni Karim.

Kumunot ang noo ko sa kanya, "Ano?"

"Migo was there at the airport, right?"

How did he know?!

"You looked at him earlier. Isa lang naman yung lalaking nakatayo roon at nakatingin sa'yo."

Syempre, paano ko pa maitatanggi 'yon kung nakita naman pala siya ni Karim?

"H-Hinatid lang naman."

Karim was silent while we're following papa. Nang dumaan kami sa chips section ay kanya-kanya rin kami ng kuha ni Karim at nilalagay sa cart na tinutulak ni papa pero natatawa lang siya sa amin.

Kapag ba wala si papa rito, sesermonan niya ako? Ganyan naman kasi siya kapag galit sa akin o may ginawa akong ayaw niya. Pagkatapos sermonan ay hindi niya ako papansinin.

Pero hindi ko naman kayang ganito kami lalo na't ngayon na lang ulit nagkita at magpa-Pasko pa.

"Karim—/I saw—"

Sabay naming sabi.

"You go first," aniya at bumalik sa mga balikat ko ang braso niya.

Hindi na ba siya galit?

"I-I'm sorry. Pero hindi ako buntis, I promise!" Ngumuso ako sa sinabi ko.

Kung alam mo lang paanong control ang ginagawa ko. Mas kakailanganin ko pa yata ang self-control kaysa kay Migo, eh.

He chuckled, "I know. Ako naman?"

Tumango ako, may maliit na ngiti na sa labi. Tumawa na siya! Kaya alam kong ayos lang kami.

"I saw how you looked when I asked you about the asshole's call. It's the same look you had when you were still in the Philippines. Pero noong tumingin ka kay Migo at sinabi mong safe ka, I can feel that that's true. You're safe. And you're also happy with him."

Mas lalo akong napangiti. "Yes, Karim. I'm safe and happy with him."

"Pero hindi ka buntis, ha?" He smirked.

"Hindi nga!"

Naningkit ang mga mata niya. "You're nineteen. Next year, you're turning twenty. You haven't... you know, had sex?"

Napahiwalay ako sa kanya. "Karim!"

"What? I'm just asking you."

"Hindi!" Nagsalubong ang kilay ko sa kanya.

When the Heart Sings (Chasing Celestine #1)Where stories live. Discover now