Chapter 5

276 47 0
                                    

Promise

Papunta na ako sa laboratory. Namimiss ko na talaga si boo. Pero parang hindi ko pa sya kayang kausapin. Parang ayaw rin naman nya eh.

Napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko si bastard sa labas ng laboratory. Nakasandal sya sa pader, naka taas ang isang paa nya at ang dalawang kamay nya ay nasa bulsa ng pants nya. Hinahayaan nya akong lumapit sa kanya. Tinititigan nya lang ako.

Nang nakalapit na ako, hindi sya umimik. Matalim nya lang akong tinitigan. Parang galit sya. Nakita ko pang kumuyom ang panga nya.

Nag intay pa ako ng ilang sandali pero hindi pa rin umimik kaya nilampasan ko sya at pumunta sa laboratory. Pero hinigit nya ako ng malakas kaya napalingon ako sa kanya. We were too close. Halos magkadikit na ang mga dibdib namin at hawak nya pa rin ang braso ko.

"A-Ano ba?" - tanong ko.

Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. - "I saw you with that payatot, Samantha."

Hindi ko alam bakit pero tumayo lahat ng mga balahibo ko sa bulong nya. Ang bango talaga ng hininga! Parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ko alam kung ano na ang dapat kong sabihin o gawin. What the heck is this?!

"H-Huh?" - bakit ba ako nauutal?!

"Let's talk." - sabi nya.

Aba! Bossy sya ngayon, ah.

"Pero may class pa ako, B-Benj." - sabi ko.

Biglang lumiwanag ang mukha nya. Ngumuso sya na para bang pinipigil ang ngiti.

"Bakit?" - confused kong tanong.

"Wala. Pumasok ka na. Magiintay ako dito hanggang sa matapos." - tapos nag iwas ng tingin.

"Don't you have class?" - tanong ko.

"Nope."

Tumango na lang ako at pumasok na. Buong klase yun lang ang inisip ko. Kanina lang kita ko na galit na galit sya. Kulang na lang ay umusok ang ilong nya eh. Pero ilang sandali bigla naman syang sumaya? What's happening with him? Hindi naman pwede na may menstruation kaya sya bipolar?

Tinupad nga nya ang sinabi nya. Pagkalabas ko, nandoon nga sya. Napangiti ako. Seriously, hindi na 'to maganda.

"What do you need?" - iniba ko ang ekspresyon ko sa pagtataray.

"Let's talk. Tara sa canteen." - yaya nya.

Pero bago pa kami makarating sa canteen ay may lalaking humarang sa amin. Halatang mas matanda sya sa amin. He looks really angry.

"Anong ginawa nyo sa kapatid ko kahapon? May nakapagsabi sa akin na plano mo lahat yun, Samantha." - sabay turo nya sa akin.

"E alam mo na pala eh, so why the hell are you here?" - sabay halukipkip ko.

"Maldita 'to ah!" - sabay tulak sa akin kaya natapon ako sa putikan.

"Bullshit! Asshole!" - sabay tayo ko habang naririnig ang mga halakhak ng mga schoolmates namin.

"YOU ALL FVCKING SHUT UP KUNG AYAW NYO NA LITERAL NA WASAKIN KO ANG MGA PAGMUMUKHA NYO!" - sigaw ko kaya natahimik sila.

"Sam! Okay ka lang?" - tanong ni bastard pero bumaling agad sa lalaking yun. - "Gago ka!" - sabay suntok sa kanya. - "Huwag na huwag mo ulit syang saktan dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin para sa kanya!" - sigaw nya.

Kumalabog ang puso ko. Ganun ba talaga sya kaprotective sa mga friends nya? Nagulat na lang ako ng bigla nya akong binuhat.

"What are you doing?!" - tanong ko sa kanya.

Remember MeWhere stories live. Discover now