Chapter 39

122 3 0
                                    

I lost myself

Masaya naman ang una kong mga araw dito sa San Francisco. Hindi pa naman pasukan dito kaya tinour ako ni Travis.

Tinour nya ako mula sa Union Square hanggang sa mga streets nito. Nakarating na rin ako sa Chinatown dito, Napa Valley, iba't ibang museums and other wonderful places. Maganda talaga dito.

And right now? We're in the Gold Gate Bridge. It's so rare nga kasi wala ni isang sasakyan.

Pinaandar ni Travis ang kanyang open-top sports white car.

Sa sobrang bilis ng takbo nya ay ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin na sumasalubong sa aking mukha. Pinikit ko ang aking mga mata at napahawak sa balikat ni Travis na tawang tawa naman sa reaksyon ko.

"Woohoo! This is life!" - sigaw ko at tinaas ang mga kamay ko. - "Ang sarap ng hangin!"

Pagkatapos ng mala panaginip na moment na yun, nag desisyon kaming tumambay muna sa bay.

"Are you enjoying your stay here, Sam?" - tanong nya.

"Oo naman." - ngiti ko at tumingin sa tulay na dinaanan namin kanina. Lumulubog na ang araw.

"This is everyone's dream. Na makapunta at makatira dito sa SFO." - dagdag ko.

"Sam, mahal mo pa rin ba sya?" - tanong nya kaya natigilan ako.

Oo naman. Mahal na mahal. Hindi naman yun agad nawawala, eh. Sana parang switch na lang sya na pwedeng iON and OFF. Yung tipong pag ayaw mo na, madaling bitawan.

"Sam?" - tawag nya sa akin dahil hindi pa rin ako sumasagot.

Tumango lang ako. Napansin nya siguro na ayaw ko yun pag usapan kaya nag iba na sya ng topic.

"Alam mo bang marami ang nagkakandarapa sa akin dito? Lalo na sa school." - pagmamalaki nya kaya natawa ako ng konti.

"Magtataka pa ba ako? Eh sa Pilipinas ganyan ka rin naman eh, habulin." - sagot ko at ngumiti lang sya.

"Ang ganda." - sabay turo ko sa sunset na nasa harap namin.

"Anong balak mong gawin sa 18th birthday mo? Next week na yun di ba?" - tanong nya.

"Wala." - sagot ko.

"Ha?" - sigaw nya. - "Sam, special yun!"

"Para sa inyo special. Para sa akin hindi." - sagot ko.

"I thought you like parties?" - tanong nya.

"Hindi na." - sabi ko.

Pagkarating ko sa bahay ay binuksan ko agad ang laptop para paltan ang profile pic ko sa fb. Pagkapalit ko naman ay may nag pm agad sa akin.

Monique Gutierrez:
YOU ARE FREAKING IN SAN FRANCISCO AND YOU DIDN'T FUCKING TELL ME?!

Me:
Yup.

Monique Gutierrez:
Tseh! Hindi ka man lang nag kukwento at nagyayaya. Ilang araw ka ba dyan?

Me:
Matagal tagal rin.

Monique Gutierrez:
Sabi ko kung ilang araw ka ba dyan, hindi kung matagal ka ba dyan o hindi.

Me:
Dito na kasi ako. For good. Anong gusto mo? Bilangin ko kung ilang araw ang halimbawang ten years?

Monique Gutierrez:
Ha?! At hindi ka man lang nagpaalam ng maayos?! God, Samantha! Aalis alis ka na lang? Ni hindi mo sinabi!

Me:
Kasi alam kong pipigilan mo ako. Huwag mo nga akong sermonan!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon