Chapter 43

117 4 0
                                    

Magulo

"Magkaano ano kayo ni Benjamin?" - tanong ko nang nakalayo na kami.

"Just a friend." - seryoso nyang sagot at tumingin ulit sa kalsada.

"Saan kayo nagkakilala?" - tanong ko.

"College friend. Kateam mate ko sa soccer- Shit!" - sabi nya. Anyare dito?

"College friend? So meaning kakilala ko rin sya?" - nakangiti kong sinabi.

"Y-Yea." - bulong nya.

"Eh bakit hindi nyo sya ipinakilala sa akin?" - tanong ko.

"Because he wasn't important to you." - sagot nya.

"Ha? Ni hindi kami naging friends?" - tanong ko.

"No. Let's stop talking about him, alright?" - seryoso nyang sinabi kaya tumahimik na lang ako.

Ano? Hindi sya naging importante sa akin? Bakit naman? Sa sobrang gwapo nung lalaking yun? Baka naman crush ko sya dati hindi lang nila alam? Crush ko sya pero hindi ko pinagsabi dahil mahirap syang abutin? Ay ewan ko, magtatanong na lang ako sa iba. Huwag na kay Travis, high blood agad eh.

Pero bakit parang kanina hindi nya ako kilala? Pero at first tinawag nya akong Sam di ba? Ang rare nga nya. Magulo. Parang buhok lang nya. But that messy hair makes him really more attractive than he is, huh.

Ito rin ang isang bagay na hindi makatarungan: boys with messy hair are freaking hot, while girls with messy hair really look like a witch or a ghost. Nasaan ang hustisya?

"Huy." - bulong ko kay Nathan nang nasa kusina kami. Ginagawan ko sya ng nutella sandwich.

"What." - sabi nya habang nakatingin sa cellphone nya.

"Do you know Benjamin?" - tanong ko pero hindi sya sumagot.

"Hoy!" - sigaw ko kaya nagulat sya at napatingin sa akin.

"W-What did you say, ate?" - tanong nya.

"Do you know some Benjamin?" - ulit ko.

"B-Benjamin what?" - tanong nya.

"Anong what?" - tanong ko.

"His surname, ate." - sagot nya at bumaling ulit sa phone nya.

"Ewan ko. Oo nga noh? Hindi nya sinabi sa akin, eh. Benjamin lang. Hindi tuloy ako makapagresearch." - bulong ko sa sarili ko at napatingin ulit sya sa akin.

"Nakita mo sya ate?!" - sigaw nya kaya nabigla ako.

"Si Benjamin? Oo! Ano? Kilala mo ba o hindi?" - tanong ko ulit.

"N-No, ate." - sagot nya at kinain ang sandwich. - "W-Why are you asking?"

"Wala lang." - ngiti ko.

"Why are you curious about him?" - tanong nya. - "D-Don't tell me..." - iling nya.

"Bakit? Masama bang magkacrush?" - natatawa kong tanong.

"Punyeta naman!" - sigaw nya at hinampas ang table.

"What's wrong with you? Kanina ka pa ah? Is there something wrong? May masama ba kay Benjamin? Travis also gets high blood when I ask about him." - sabi ko kay Nathan.

"Just... Layuan mo na lang sya, ate. He's not good for you. Please, makinig ka." - seryoso nyang sinabi at umakyat na sa kwarto nya.

Anong nangyayari sa isang ito? Bakit bigla silang nagseseryoso pag si Benjamin ang pinaguusapan? Mas nacurious pa tuloy ako sa kanya.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon