Chapter 47

119 3 0
                                    

Memories

"Woohoo!" - sigaw namin lahat ng tinapunan na namin sila ng pintura. Sumabog rin ang pintura galing sa mga paint bombers kaya basang basa rin kami. Ang lagkit!

Bumalik kami sa VIP area at tumalon talon kasabay ng music. I feel so free and too happy. Nagpaparty din kami ni Travis sa SFO but this is better. Lalo na at kasama ko ang mga pinsan at kaibigan ko. Speaking of kaibigan...

"Jaye!" - sigaw ko sa kanya pero nakabusangot ang mukha nya habang umiinom ng beer sa tabi ng DJ.

"JAYE!" - sigaw ko ulit kaya napatingin na sya sa akin.

"What?" - iritado nyang sigaw para marinig ko sya.

"Where's Maxine?!" - sigaw ko.

"I don't know." - mas mahina nyang sinabi pero naintindihan ko at nagkibit balikat sya.

"What the-?!" - sigaw ko. - "Why did you leave her?!"

"I didn't leave her! She left me!" - sigaw nya.

"Then find her!" - sigaw ko at padabog syang tumayo at lumayo na.

"Don't worry, i'm sure she's fine." - sabi ni Benj sa akin at inikot ako.

"May I have this dance?" - tanong nya sabay lahad ng isang kamay.

"Ha? Party music kaya 'to?" - natatawa kong sinabi.

"So?" - ngiti nya.

Tinanggap ko ang kamay nya at sumayaw ng slow dance. I don't even care who is looking at us. I don't even care what are they thinking about us. Yea, maybe i'm crazy. Maybe... i'm crazy about him. No, no, no! Erase! It's too early for that. I just met him the other day. Too recent and too early to be love. I don't even know if he's single.

"Uhm, Benj." - tanong ko sa kanya habang titig na titig kami sa mga mata ng isa't isa.

"Hmm?" - sagot nya.

"Are you still single?" - nahihiya kong tanong.

"Oo naman." - natatawa nyang sinabi. - "Why?"

Pero bago pa ako makasagot ay may narinig akong ibang boses na malapit sa amin.

"Ay, ang sweet nyo naman." - narinig ko ang boses ng isang babae kaya nilingon namin sya. Hindi ko masyado maaninag ang mukha nya kasi madilim tapos ikot pa ng ikot ang lights. But her face looks familiar.

"Fran." - bulong ni Benj. Fran? Narinig ko na yan ah? Saan nga ba?

"What?" - irita ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nabadtrip agad ako dito.

"Oh, so totoo pala ang balita. Nagkaamnesia ka nga." - sabay pasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. - "Francesca Del Monte Castro." - sabay lahad ng kamay pero hindi ko yun tinanggap.

"Who cares?" - sabi ko at humalukipkip.

"Ay, maldita ka pa rin pala hanggang ngayon." - sabi nya. - "Well, you are dancing kasi with MY boyfriend." - plastik nyang ngiti at hinila si Benj na hindi naman nagpatibag.

"What the fuck, Francesca?" - irita ni Benj sabay tanggal ng kamay nung babae.

"Babe." - sabi ni Fran at hinila ulit si Benj.

"What babe? You're not my girlfriend." - malamig na sinabi ni Benj sa kanya at inakbayan ako.

"She's my girlfriend." - sabi ni Benj kay Francesca at nginitian ako.

"What?! Nagkabali-" - hysterical na sigaw ni Francesca pero naputol ito nang hinila sya ni ate Hannah.

"May problema ka sa pinsan namin, girl?" - sabay tingin ni ate Hannah at ni Joana mulo ulo hanggang paa ni Francesca. - "Kung meron, kami ang harapin mo."

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon