OBSESSION-3

20 2 0
                                    

                           Kiarra Louise

                                     •••

"Come in."

Sambit ko nang may kumatok sa labas ng opisina ko. Dahan-dahan namang bumukas ang pintuan at niluwa ang taong hindi ko inaasahang mapadpad sa opisina ko.

"Why are you here, chief?" Tumayo ako at sinalubong ang seryuso nitong tingin.

"Nakalimutan mo na ba ang mission mong bata ka?" Napa-isip ako at tumango dito. Nakalimutan ko na naman. "Pumunta ka sa subdivision na ito." Ibinigay niya sa akin ang maliit ngunit makapal na papel.

Bahagyang pumasok sa isip ko ang mga pinag-usapan namin week ago. Masasabi kong napaka bilis ng panahon. Parang kahapon lang nangyari ang pagmamaldita sa akin ng misteryuso ngunit magandang babaeng'yon.

"Nakikinig ka ba, kiro?" Napabalik ako sa wisyo ng tapikin ako nito sa pisngi. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Anyway, aalis na ako. Goodluck." Kumindat pa si tito na ikinailing ko lang. Nang makalabas na ito ay napatingin ako sa papel na ibinigay niya.

Marahas akong bumuntong hininga saka napakamot sa batok. This is it. Magiging child carer na naman ako nito. Naging agent ako para mag imbistiga hindi para magbantay ng paslit na bata.

Nag-ayos na ako sa sarili at tumingin sa malaking salamin nitong cr ng opisina ko. Napangiti ako. Ang handsome ko talaga. Napa-ismid ako sa sariling kabaliwan saka lumabas na.

Nakapamewang kong pinagmasdan ang malaking pintuan na nasa harapan ko. Bakit parang, bakit parang kinakabahan ako? Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng husto.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, zainne." Napahinto ako sa pagpihit ng pinto. "Ilalagay mo talaga ang sarili mo sa kapahamakan? Alam mo naman na mainit ang dugo sa atin ng kalaban ng pamilya natin lalong-lalo na't ikaw na ang mag m-manage sa kompanya niyo. They will kill you. Gagawa at gagawa sila ng paraan para mabagsak ang kompanya natin." I'm not chismosa. Sadyang narinig ko lang talaga.

"Masyadong tayong makapangyarihan para maibagsak nila ang kompanya ko. I can handle myself, cass. I can do this alone with my agent." Napatigil ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Ako lang ba? Bakit parang kaboses niya yung babaeng nagsungit sa akin nung nakaraang linggo?

"Alone daw tapos may pa with my agent. Hayaan mo na siya, cass. Malaki naman siya." Sambit pa ng isang babae.

Kumuha ako ng lakas na loob saka kumatok. Naka-katlong katok na ako saka bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng babae. She's pretty, huh. Naiilang pa ako nang pagmasdan nito ang kabuoan ko.

"May kailangan ka, Miss pogi?" Napabalik ako sa wisyo nang magsalita ito. "You're so cute."

"Is Miss Cassandra is here?" Pinalamig ko ang boses ko. Sumulyap ito sa likuran niya saka nakangiting tumango. "Oh, can I talk to her?" She nodded as a response.

"Of course you can. Come in." Kumindat pa ito kaya nginitian ko siya ng tipid. I don't want to be rude.

"Who the hel-" Napahinto sa pagsasalita ang babae ng makita ako. Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha nito ngunit ngumiti din ito. Napatingin ako sa kabuuan niya. Subrang iksi ng dress na suot niya tapos subrang payat niya. She's sexy."Is that you agent Filan?" Tumango ako dito at napatingin sa babaeng ngayon ay nakatayo at gulat na gulat pa ito. Umirap ito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. "Oh my! Glad that you came!" Naglakad ito palapit sa akin saka ako niyakap. Ramdam ko pa ang malambot na dibdib nito na nakadikit sa may bandang tiyan ko. Ang taas ko kasi.

OBSESSION (GXG)Where stories live. Discover now