OBSESSION-6

9 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa malawak at malaking farm ni grandpa kasama ang mga pinsan ko sa side ni dad. Subrang saya nila dahil nagdala raw ako ng magandang babae. Todo papansin pa 'yong mga lalake kong pinsan kay maldita. Tch. I'm not jealous. Wala namang nagtatanong, kiro.

Ayaw ko sanang sumama pero pinilit nila ako. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Marami silang hinandang pagkain dahil sa pagbabalik ko. Dinaig ko pa ang nag birthday sa subrang dami.

Mabuti nalang din at maayos ang biyahe namin nang makapunta kami sa lugar na ito at walang kalaban na maka-alam na nandito kami. Mahirap na at pati si lolo at ang mga pinsan ko ay madamay.

"Stop daydreaming, dude. Baka mamaya may maka-agaw na niyan sa girlfriend mo." Inis kong ibinaling ang tingin kay thompson, my cousin. Imbes na sumbatan siya ay inayos ko nalang ng suot ang shade ko at nagpatuloy na namasid sa ilog. "Puntahan mo na dali. Ayan oh, hinihintay ka na niya oh." Kunot noo akong napatingin sa babaeng ngayon ay nakatingin lang sa gawi namin. "Impyernes ha, ang ganda niya." Sinapak ko lang ito sa tagiliran na maarte niyang ikinangiwi.

Napa-ismid nalang ako saka ibinulsa ang kamay ko sa gray short ko habang papunta sa gawi ng babaeng ngayon ay masayang nanunuod sa iba kong pinsan na binibiak ang butong.

Pagkadating ko sa gawi niya ay sinamaan ako nito ng tingin at ibinaling ang tingin kay jiro. Napa-irap ako sa kawalan. Ang maldita talaga ng babaeng to.

"Kiro, your here na pala. Halika dito't ikaw nalang ang sumama sa kanya." Untag ni jiro sa akin. Tumango lang ako sa kanya kaya kumindat ito. Bago ko pa siya masapak ay dali-dali itong umalis.

"Saan ka pupunta?" Pinag-krus ko ang kamay ko at mataman siyang tinitigan. Umayos naman siya ng tayo at nagsalubong ang kilay niya. "I don't want to repeat my self, zionne." Nag-iwas ito ng tingin at maya-maya pa ay tinitigan niya ulit ako saka ako inirapan.

"Sa ilog. But I changed my mind. Ako nalang ang mag-isang pupunta dun." Bahagyang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"No. I'll come." Untag ko dito dahilan upang irapan na naman niya ako.

"Sus, kiro." Si tuzan na ngayon ay sinisimsim ang butong. "Zainne. Dumiretso ka lang duon saka kumaliwa ka tapos kumanan ka naman tapos dumiretso ka lang ulit—"

"Shut up, tuzan! I'll come with her." Putol ko dito. Nag-kibit balikat lang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

"No. Wag ka ng sumama!" Untag ng babaeng ngayon ay pulang-pula na ang mukha sa galit. Napahilot nalang ako sa tungki ng ilong ko.

"Uy si kiro!" Sumbat ni creseya. Ang babaeng pinsan ko. "Sus, pabebe pa kasi eh. Aminin mo na, may gusto ka kay zainne!" Si buko juice naman. Her name is katline.

"I'll come."

"No!"

"Sasama ako."

"I said no!" Pag-pupumilit nito. Ramdam ko ang mapaglarong ngiting ipinupukol sa amin ng mga pinsan ko.

"Okay fine!" Marahas kong tinanggal ang shade ko at nakipagtitigan sa kanya. Napalunok ito at umatras nang humakbang ako. Matalas na titig ang pinupukol ko sa kanya saka nag-iwas ng tingin at umalis.

"Bullshit!" Mura ko saka kinuha ang tubig na inilahad sa akin ni mia. Umupo ako at idinantay ang dalawa kong braso sa tuhod ko.

Ibinalik ko ang tingin sa kinaroroonan ng matigas na babae kanina pero wala na siya duon. Umalis talaga siya. Ang tigas ng ulo bwesit! Tignan natin kung makakauwi pa ba siya.

OBSESSION (GXG)Where stories live. Discover now