OBSESSION-7

13 1 0
                                    

"Oh, dude? Napano 'yang mukha mo?" Nakahawak sa pisngi akong lumingon kay jiro. Kagat labi akong nag-iwas at ininom ang kape ko. "Nadapa lang." Pag-sisinungaling ko.

"Subra naman ata 'yon. T-teka...bakit parang kamay yang nasa pisngi mo, kiro?" Utal nitong sambit at tinuro pa talaga ang pisngi ko. Tinapik ko ang kamay niya kaya napa daing ito. "Aray, ah. Ang sakit kaya. Sinampal ka ba ni z-"

"Shut up and leave me alone!" Asik ko dito. Mabilis pa sa segundong tumango ito saka dali-daling umalis.

Napapabugang hinawi ko ang hibla ng maiksi kong buhok na nakatakip sa mukha ko. Ugh, that girl. Nagawa niya pa talagang sampalin ako kahit aksidente lang 'yong nangyari.

She's a brat and spoiled kid.

"Pinsan, nasa labas si gwen." Napalingon ako kay tuzan nang magsalita ito. Mula sa pagkatingin niya sa kapeng tinitimpla niya ay nag angat ito ng tingin. "Halatang may gustong sasabihin." Dagdag nito kaya napahilot sa sentidong tumango ako.

Tumayo ako at nagtungo sa living room kung saan naduon si gwen. Nang makarating na ako ay kaagad napatayo si gwen at tumakbo para sunggaban ako ng yakap.

Napa-ismid ako dahil sa mahigpit nitong yakap na kulang nalang ay paglamayan na ako.

"I c-cant breath, gwen!" Asik ko dito kaya natatawa siyang lumayo at hinalikan ako sa pisngi.

"I miss you!" Tumili ito ng malakas na ikinairap ko sa kawalan. "Gumala tayo sa beach namin, ano deal?" Napakamot ako sa baba habang kunot noo siyang tinitigan.

"I don't know if I can." Umupo ako sa couch kaya ganun din siya. Nakapulupot pa din ang kamay niya sa leeg ko.

"Sige na, please? Isama mo nalang 'yung bratty kid na binabantayan mo." Nag kibit balikat ako dito.

Yup, alam na niya na isa sa mission ko ay ang bantayan ang babaeng 'yon. Wala naman siyang naging reaksyon at shineep niya pa ako kay gaga. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ko siya magugustuhan kahit ubod siya ng ganda at kahit siya ang babaeng maganda na nakita ko sa buong buhay ko.

But what if...what if I fall for her?

Hindi naman talaga natin maiiwasan 'yon. Gigising ka nalang sa umaga na mahal mo na siya, na siya na yung nagpapatibok ng puso mo. Kung mahuhulog man ako sa kanya...okay, I'll accept it.

"Huy, sinong iniisip mo d'yan?" Napabalik ako sa ulirat nang tapikin ni Gwen ang pisngi ko kasabay nun ang paghalik niya duon. She love's kissing me so much. Hindi ko naman binibigyan ng malisya yon. Dahil, first of all. Ganyan na talaga siya simula nong bata palang kami at iyon din ang love language niya. "So, what's up? Sasama ka ba o hindi?"

Tumango ako dito. "Pero parang malabo na sumama si zainne sa atin." Napabuntong hininga ako.

"Just talk to her at aalis tayo ngayon din mismo." Tinapik nito ang balikat ko kaya tumango ako at tumayo.

Naglakad na ako para magtungo sa kwarto namin dahil panigurado akong nag c-cellphone na naman 'yon. Wala naman siyang nagawang tama, eh. Lagi nalang nakahiga sa kama animo'y buntis.

Kumatok ako subalit walang taong bumukas ng pintuan kaya pinihit ko nalang ang door knob para pumasok.

Napakunot ang noo ko sa babaeng ngayon ay nakahilata sa sahig at may nakasalampak na malaking headphone sa tenga niya. My jaw dropped. Napahilot nalang ako sa sentido nang mapansin ko ang nagkalat na chips sa kama niya.

What the!

Napansin niya sigurong may nakatitig sa kanya kaya nabaling ang tingin niya sa akin saka kaagad na napahawak sa dibdib. Inis niyang itinapon sa akin ang unan sa di ko malamang dahilan. Mabuti nalang at nasalo ko iyon.

OBSESSION (GXG)Where stories live. Discover now