OBSESSION-5

10 1 0
                                    

                           Kiarra Louise

                                     •••

Nakasandal ako sa headboard ng sasakyan ko habang hinihintay ang mahal na prinsesa. Kanina pa ako kakahintay dito at halos masira na ang beauty ko sa subrang init. Panay din ang tingin ko sa ibang direksyon kung saan naruon ako. Baka kasi may nakasunod sa akin at baka mapahamak pa kami.

Napatayo ako ng maayos nang makita ko na ang pigura niya palabas sa penthouse nito. May dalawang tao na kumarga sa dalawang malaki nitong maleta habang siya ay nakatitig lang sa akin at papalapit sa gawi ko.

Walang ni isang umiwas ng tingin sa amin. Pinasadahan ko ang kabuoan niya. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay subrang ganda niya. I can't help it. Ang lakas ng charisma ng babaeng to at kahit sinong lalake o babae ay luluhuran siya.

Lihim akong napakagat labi at tinanggal ang shade ko dahilan upang napatigil siya. Ngunit kaagad din namang napalitan ng sungit ang mukha nito at padabog na sumakay sa passenger seat ng kotse ko.

Napa-irap nalang ako sa kawalan at hinintay na matapos ang pagkalagay ng maleta niya sa likod ng kotse ko. "Tapos na po, boss." Tumango ako sa kanilang dalawa saka binigyan sila ng pera.

"B-boss, ang rami naman po nito. Pinakarga niyo lang po kami ng maleta n-niya." Bahagyang napa-taas ang kilay ko. Namewang ako sa harap nila.

"Take it. Bago pa mag bago ang isip ko at ibigay ko 'yan sa iba." Mabilis pa sa segundo silang tumango sa nagmamadaling umalis sa harapan ko.

"Are you just gonna stand there until morning?!"

Bago pa bumunga ng apoy ang dragon ay galit kong binuksan ang pintuan ng kotse ko at sinimulang pinaharurot iyon.

"Tch. Loser." Rinig kong untag nito. Imbes na sumbatan siya ay pinili ko nalang ding manahimik.

Then suddenly; my phone rings. Kumunot ang noo ko saka kinapa-kapa iyon sa bulsa ko habang sa dinadaanan pa din nakatuon ang atensyon ko. Nang madukot ko na iyon ay sinagot ko ang tawag.

"Kiro, my bad ass pamangkin." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

"What do you want, old man?" Malamig kong tanong dito. Rinig ko ang pagtawa niya na ikinairap ko lang.

"Nothing naman, bad ass. I just want to say na goodbye. Hindi ko na makikita ang nakakasawang maganda at gwapo mong pagmumukha. Wala ng taong papasok sa opisina ko na hindi kumakatok." Pagak akong tumawa dahilan upang lumitaw ang cutie dimple ko. "Anyway, mag iingat kayo. And goodluck sa mission mong 'yan. Tsaka galingan mo sa pagdilig ha."

Sasagot pa sana ako nang dali-dali niyang pinatay ang tawag. Lihim akong napamura sa sinabi niya. Dilig? Sino namang didiligan ko? Wag niyang sabihin itong masungit na babae ang tinutukoy niya? Mas gugustuhin ko pang magdilig nalang ng halaman.

"Stop smiling, you look like a hungry fish." Untag ng katabi ko. I smirked of what she said dahilan upang sumimangot siya.

"At least cute."

"Good evening po, lolo. Nice to meet you po." Lihim akong napa-irap sa sinabi ng babaeng katabi ko.

"Ang ganda ganda mo naman, hija. Apo, girlfriend mo ba ang batang ito?" Bigla akong natigilan sa sinabi ni lolo. Kung may kinain pa ako ay kanina pa siguro ako nabulunan. Itong babaeng katabi ko? Magiging girlfriend ko? No way!

"No po. Siya po ang batang paslit na binabantayan ko." Natatawang tumango naman si lolo. Sinimulan na ng mga katulong niyang ihanda ang pagkain sa hapag kaninan.

OBSESSION (GXG)Where stories live. Discover now