Chapter One

226 7 0
                                    

Ano nga ba ang pag-ibig? Sa bawat tahimik na sandali, napapaisip ako-may katotohanan pa ba ito sa henerasyon ngayon? In twenty one years of my existence, parang hindi ko pa nararanasan ang tunay na kahulugan nito. May mga standard ba para dito? Kailangan bang maging attractive, matangkad, o mayaman? Ano nga ba ang sikreto para mahalin?

There's nothing inherently wrong with being alone, it spares you the worries of a partner potentially cheating, falling out of love, or the misunderstandings over trivial or significant matters-it's actually quite peaceful. Pero may mga sandaling napatatanong ako sa sarili, ano nga ba ang pakiramdam ng real love? 'Yong tatatuhin ka nang tama at aalagaan ka?

Madalas, hindi ko mapigilang mainggit sa mga kasamahan ko sa trabaho, na 'yong mga partners nila ay naghihintay sa kanila sa labas, 'yong tinatawag nilang "the one" nila. Aaminin ko, may kirot sa puso ko tuwing nakikita silang magkasama, sobrang sweet at clingy-'yong klase ng pagmamahalan at sensation na hindi ko pa nararanasan. Minsan, nalilito ako, ayos lang naman sa akin ang mag-isa, pero may mga pagkakataon na parang may kulang-may hinahanap-hanap. Nariyan nga ang aking mga kaibigan, pero sa kaibuturan ng puso ko, gusto ko ring matagpuan ang taong para sa akin at 'yong mamahalin ako nang tama.

Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa cellphone ko. Wala ba talagang magma-match sa akin sa dating app na ito? Dalawang araw na akong swipe nang swipe, pero ni isang match, wala! Nakabababa ng self-esteem.

Pangit ba ako?

Si Czarina kasi, nag-recommend pa ng dating app, sabi niya para daw ma-experience ko na magkajowa at hindi na mukhang bitter na hopeless romantic sa dami ng sad posting at shared posts ko sa Facebook.

Napabuntong-hininga ako, ibinalik ang cellphone sa locker at marahas itong isinara. Pagtingin ko sa relo, lumipas na pala ang fifteen minutes break ko. Mabilis akong tumakbo papuntang elevator, pinindot ang button para sa 4th floor kung nasaan ang production office namin. Nagmamadali, b-in-adge ko ang ID ko habang hingal na hingal na ini-input ang password ko sa computer.

"Overbreak ka na! Saan ka galing?" tanong ni Red habang naka-hold ang customer niya sa linya.

"Nag-break lang, hindi ko namalayan ang oras!" inis kong bulong.

Deduct na naman sa sweldo ko 'to. Sabi ko nga sa guard, magpapalipat ako ng locker dito sa floor na 'to dahil malapit lang sa production office namin, ayaw naman akong payagan. Dahil daw hindi naman daw ako buntis o may sakit!

"Thank you for calling OneAsia customer servi-" biglang naputol ang spiel ko dahil biglang sumigaw ang customer sa kabilang linya.

"Tangina niyo, ha! Bakit delayed ang flight namin? Nagbabayad kami nang maayos tapos delayed?!"

"I do apologize po for the inconvenience, but don't worry since you reach me on the line, I'll make sure to assist-"

"Bilisan mo nga! Ang dami mong satsat! Tingnan mo bakit delayed ng ten minutes, punyeta!" sigaw niya.

Napabuntong-hininga ako at minasahe ang sentido ko. Agad kong tinanong ang information ng flight niya at in-authenticate ang mga detalye para tingnan ang flight at makita kung bakit na-delayed.

"Ano ba 'yan, ang daming tanong! Hindi mo ba 'yan makikita sa system niyo? Automatic naman 'yan lalabas, 'di ba?"

Napasampal ako sa noo at napabuntong-hininga. Maayos kong ipinaliwanag kung bakit kailangan namin hingin ang information niya at hindi ito basta-basta lalabas kapag sila'y tumatawag dahil hindi gano'n ka high-tech ang mga tools namin dito.

Iyon ang pinaka-stressful na twenty-three minutes call na naranasan ko. Gets ko naman ang galit niya dahil delayed ang flight, pero 'yong dahil kailangan ko magtanong ng information about sa booking nila? Hindi! Kung first time niya pa lang maranasang tumawag, maiintindihan ko pa. Pero nang tiningnan ko ang transactions niya, pang-twenty fifth na tawag niya na ito.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now