Chapter Three

125 8 2
                                    

My heart was racing so fast as if I was running in a marathon. Hindi ko alam, dahil ba ito sa kahihiyaan o kilig? Bawat segundo ay panay ang tingin ko sa kaniya sa rearview mirror habang 'yong kaibigan niya ay nakaupo sa shotgun seat. Paano ba naman kasi, siya na naman! 'Yong naka-match ko sa dating app! 'Yong lalaki sa bar! Tangina naman, Tadhana? Pinaglalaruan mo ba ako?

Nako-conscious ako sa hitsura ko ngayon. 'Yong mga mata ko namamaga pa, mukha akong paslit na nawawala sa magulang niya sa Divisoria. Ewan ko ba at bakit pumayag akong ihatid niya pauwi, sa terminal naman sana ang punta ko. Tangina, bakit ko ginawa 'yon? Kanina pa tuloy tawa nang tawa 'yong katabi niya sabay tingin sa akin sa rearview mirror.

Gustong-gusto kong itanong kung siya 'yong nasa dating app. Paano kung poser? E 'di Napahiya pa ako. Chase ba talaga ang totoo niyang pangalan? 'Yon kasi 'yong nakalagay sa profile niya sa dating app. Kaso nakakainis kasi 'tong kasama niya, hindi ako makabwelo para tanungin siya.

"Hindi mo naman sinabi, pre, may ka-date ka pala," sabay halakhak niya nang malakas.

Tiningnan lang siya nito nang masama at binalik muli ang focus sa pagda-drive.

"You should've let me sit at the back and let your passenger princess sit here," he said as he playfully smirks at me sa rearview mirror.

Lupa, kainin mo na lang ako!

Tinanong niya kasi ako kung dadalhin niya ba raw ako sa hospital. Akala niya siguro nasanggi niya ako dahil panay ang iyak ko kanina. Sinabi ko okay lang ako kaya tinanong niya na lang kung okay lang ba na ihatid ako pauwi. Pumayag naman ako, sana hindi na nga lang, eh, may kasabay pala siya.

Kanina pa tingin nang tingin sa akin sa rearview mirror 'yong kasama niya at tumatawa pa nang mahina. Akala niya siguro hindi ko siya naririnig. Napakunot-noo naman ako nang ibaling ko ang tingin sa kaniya.

Unlike sa kaibigan niya ay mestiso ito, parang kasing puti na ni Snow White. Ilang glutathione ba nilunok nito? Half Japanese o Chinese yata siya kaya siguro sobrang puti. At 'yong mga mata niya napaka-chinito, parang nawawala na nga, eh, kapag tumatawa siya. Mukhang artistahin din naman siya pero hindi kasing pogi nitong driver.

Kainis 'tong chinito na 'to, ha! Isang tingin pa at palalakihin ko 'yang singkit niyang mata.

Makalipas ang ilang minuto, hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa amin. Sinabi kong i-park niya na lang 'yong kotse sa may karindirya na tinuturo ko dahil walking distance lang naman ito sa amin, 'yon lang kasi 'yong may space na bakante sa sobrang sikip ng daanan dito sa 'min.

Habang nililibot ko ang tingin sa daan at tinuturo 'yong maliit na space kung sa'n siya pwede mag-park, nakita ko si Red, kumakain sa karindirya at nagsi-cellphone. Anak ng pating? Bakit narito 'yan?

Baka ano na namang isipin ni gaga. Malisyosa pa naman 'yon. Kaya noong pagka-park niya, agad kong kinuha ang bag ko at magpapasalamat na sana sa paghatid para makababa na.

"Is this your home?" tanong niya habang tinitingnan ang palagid.

Nakakahiya! Baka akala nito sa subdivision ako nakatira, medyo malayo pa naman 'yong binyahe niya para maihatid ako.

"Ah, hindi. Malapit lang naman dito 'yong apartment namin at nariyan 'yong kaibigan ko, okay na rito. Salamat." Tinuro ko si Red at bubuksan na sana ang pintuan pero may siningit pa itong chinito.

"That's your friend? Interesting," may namumuong ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Red. "Tell her I said hi," sabi niya saka tumalikod mula sa pagkakaupo niya para humarap sa 'kin at kumindat.

Luh? Magkakilala ba sila? Kapal naman nito! Feeling close.

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Agad kong binuksan ang pintuan at lumabas saka naglakad papunta sa gawi ni Red. Bumusina pa nga sila no'ng dumaan 'yong kotse sa gawi namin.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now