Chapter Four

87 6 2
                                    

I gulped as they stood up, their gaze locked onto us. Unlike before, when he used to wear his stiff corporate attire, he now donned in a dark brown long-sleeve polo. The top button remained unbuttoned, revealing a hint of his chest, while he wore a black slacks.

He looks as handsome as before, still looking like someone who is out of my league. Siya ba talaga 'yong nakausap ko? Mukhang hindi ko naman siya ma-reach. As he walked towards us, everything went slowmo, as if a handsome prince charming was approaching his mistress.

Mala-Romeo and Juliet lang?

Baka Jack and Rose?

Or Cinderella and Prince Charming?

His well-built shape was noticeable even under his long-sleeve shirt. When he casually ran his hand through his hair, he looked effortlessly handsome. His simple clothes seemed chosen with care, making him look both laid-back and stylish. 'Yong pagiging delulu ko ay umaandar na naman. Kawa-Wattpad ko 'to at kanunuod ng Kdrama, jusko.

Siniko ako ni Rina kaya napatingin ako sa kaniya nang masama "'Te, dahan-dahan, 'yong laway mo tumutulo na. Halata ka masyado," bulong niya saka tumawa nang mahina.

Inirapan ko siya at inayos na lang ang pagkakaupo ko no'ng nasa harap ko na siya. Tinanong niya kung pwede umupo sa tabi ko. Tumango na lang ako dahil wala naman si Red, ewan ko kung nasa'n 'yon! Bigla na lang tumayo at umalis noong palapit na sila.

Nagtataka nga rin ako dahil kanina lang ay kasama niya 'yong chinitong baliw pero bigla na lang din nawala. Baka pumunta sa dance floor? Hindi ko na lang inisip pero bakit ba tumabi pa si pogi sa akin? Crush niya ba ako? Charot!

Tumingin siya sa akin at mukhang nahihiya pa. Hoy, 'weg keng geneyen. Eme!

"Hey," as he said that with his husky voice, I feel shivers all over my body.

Shit, 'yan pa lang ang sinasabi niya pero nag-iinit na ang pisngi ko. Agad akong tumalikod no'ng napi-feel kong namumula na ang mukha ko at dali-daling kinuha ang pitsel na nasa lamesa at sinalin sa baso at saka nilagok.

Halata ba ako masyado? Pinagpapawisan na ako kahit ang lamig ng aircon sa restobar na ito. Each heartbeat was a frantic morse code, tapping out an urgent message of excitement like the words "I love you". Charot lang, ang aga pa para diyan. Pero sa totoo lang, baka magka-heart attack pa ako rito dahil ayaw kumalma ng puso ko.

"Look, I know you feel awkward about the messages, I'm sorry about that."

Bakit nagpapaliwanag 'to? Okay lang naman sa akin. Dapat nga panindigan niya 'yong kilig ko! Charot ulit. Napatingin agad ako sa kaniya at umiling-iling na okay lang 'yun.

"Really, I'm sorry about that. I don't want you to feel awkward because of what Kairi sent."

Huh? Kairi? So all this time iba pala 'yong kausap ko? Ah—hindi naman po masakit, parang kurot nga lang ng dinosaur, eh.

"Hala, okay nga lang. 'Wag ka na magpaliwanag! Balik ka na ro'n sa table niyo, baka hinahanap ka na ng kaibigan mo," I just gave him a fake smile at agad na inirapan siya para tumingin sa gawi nila Shanley na nagchichikahan.

I heard him giggle as I stood up at lumipat ng upuan, which is sa tabi na ni Dawn dahil umalis si Sky at Angelo, may bibilhin lang daw saglit. Tumayo din siya at tumabi ulit sa akin kaya napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. Ano bang problema nito at sunod nang sunod? Buntot ko ba siya?

"Okay nga lang 'yon. Bakit mo ako sinusundan? Sa'n 'yong kaibigan mo?"

"I don't know? Why? You should ask your friend instead about his whereabouts."

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now