Chapter Five

95 6 0
                                    

Reminiscing on those memories brings a small smile to my face, recalling the romance that felt like love at first sight. Yet, as I delve deeper into those pages, the butterflies in my stomach transform into a familiar ache, a pain I've harbored for years. I can't go through that again.

It's a rush of ecstasy when I catch sight of him, even though I know I shouldn't feel this way after all the pain he had caused me. I should be furious, yet here I am, inexplicably riding in his car.

Habang siya’y nagmamaneho, hindi ko mapigilang mapatitig. Is he trying to seduce me with those biceps? O baka bumabalik na naman ang aking pagiging ilusyonada? Bakit gano'n? He caused me pain throughout those years! Pero bakit iba ang sigaw ng puso ko? Parang gusto siyang patawarin sa lahat ng ginawa niya. Ito ba 'yong sinasabi nilang karupukan? Pwes puso, ayaw ko magpatawad!

Hindi ko napansing nakakatig na pala siya sa akin habang mga mata ko ay nakakandado sa gawi niya. Tumawa siya nang mahina kaya agad akong umirap.

"Pa-music ka nga at nabibinggi na ako sa katahimikan."

"Sige PO sir," sarcastic nitong saad.

Tiningnan ko siya at inikutan lang ng mgamata at binali ang tingin sa labas.

As the music starts, his voice joins in harmony, tender, and familiar. It was that song—the one that held fragments of our shared past, a symphony of moments now distant. Each verse he sang was a gentle echo of times when we were inseparable, his voice a soothing lullaby that once promised forever.

"I don't like that song anymore, palitan mo," I said coldly.

Ayaw ko nang maalala 'yong sweet moments namin at baka makalimutan ko na naman ang panggagago niya.

"Baby, ikaw lang talaga ang nami-miss ko sa tuwi-tuwina, sa tuwi-tuwina..."

Kainis! Sabi ko palitan na 'yong music, eh! May pasulyap-sulyap pa siya sa gawi ko, parang nanghaharana lang. Tiningnan ko siya nang masama dahil ayaw niya talaga sumunod.

"At baby ako’y mag-aabang at dadalhin ka sa nakaraan, sa nakaraan," pagpapatuloy niya.

Shit, bakit ito pa kasi?

Dadalhin sa nakaraan, nakaraan na dapat ko nang limutin at lisanin. Pero ito ako, kahit nasasaktan ay umaasa pa rin na babalik siya at tatratuhin ako nang tama. Sa ilang taon naming magkasama, puno naman 'yon ng masasayang alala. It's just noong malapit na kami mag-five years, do'n na nagsimulang magkagulo ang lahat.

Babalikan ko pa ba ang nakaraan? Kahit kasama no'n ang pagbalik sa masasakit na alaala? Alaalang kahit sobrang tamis, sobrang saya, pero may bahid na ng kirot at pagdurusa? Will I risk being in that position again? I don't think I have the guts for that.

Muli akong tumalikod sa kaniya at tumingin na lang sa labas, hinayaan ko siya magpatuloy sa soundtrip niya. Bahala na siya riyan. Ewan ko nga kung bakit namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Masaya naman na ako, 'di ba? Akala ko ba wala na 'yong sakit? Na okay na ako? Bakit naalala ko na naman? Okay na sana ako, eh. Maayos na ako rito.

I don't know what's his intention kung bakit narito siya. But I know one thing is for sure, ayaw kong narito siya dahil out of pity lang. At ayaw kong magkabalikan kami dahil alam kong nami-miss niya lang 'yong dating kami, 'yong masayang kami.

I know he's just confused right now. 'Yong tila ba babalikan ka hindi dahil mahal ka pa, kung hindi dahil nami-miss niya lang 'yong memories na pinagsamahan niyo.

The most perplexing aspect of love is its elusive nature, even when the heart yearns for the familiar warmth of the same soul, the love we rediscover is never quite the same. Kahit pa na bumalik siya, alam kong hindi na siya 'yong Caiden na nakilala ko. That Caiden I've been with for almost five years died already inside my head. The moment he cheated on me, I already killed him in my head.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now