Chapter Six

72 4 0
                                    

"Taray, ah? Daming pera may pambili ng sofa set," sabi ni Czarina at may pa-bounce bounce pa sa upuan, tinitingnan ang quality nito.

"Kukunin na kasi ng may-ari 'yong ginagamit natin mamaya. Kailangan nang bumili ng bago. Gusto niyo ba sa sahig tayo umupo?" sabi ko habang tinutulak ang ibang parts ng sofa set, tinitingnan kung saan maganda ilagay.

"You should've told us na bibili ka para makapag-ambagan kami. Nakakahiya naman dahil dito kami tumatambay sa inyo tapos ikaw lang ang gumagastos," Shanley said habang nagwawalis.

Sina Angelo at Sky naman ay tinutulungan 'yong nagde-deliver na buhatin papasok sa loob ng apartment ang huling sofa.

"Okay lang, hindi naman big deal. Monthly ko naman siya babayaran, hindi masyadong masakit sa bulsa," I lied.

Masyado talagang masakit sa bulsa pero buti na lang naroon si Caiden. Ayaw ko silang mag-ambag, hindi naman nila obligasyon 'yon.

It was already afternoon when the delivery arrived. Nagtaka nga ako kung bakit biglang kumatok 'yong may-ari ng bahay at sinabing may delivery raw akong sofa set, papakyaw pa naman sana kami ng multicab para kunin 'yong sofa set pero na-realize kong alam pala ni Caiden ang address ko.

Buti na lang talaga narito 'tong mga baliw na 'to ngayon para tulungan ako magbuhat at maglinis. Wala silang choice, sila rin naman ang makikinabang, eh.

I heard a notification from my phone and it was Caiden na nag-message sa dating app. "Enjoy your new sofa set! Hope it's more comfortable than your old one." Napangiti ako habang binabasa ang message kaya kinukulit nila ako kung sino raw 'yon.

Wala na naman si Red. Napadadalas na yata ang paglabas niya, ah? Bigla na lang nawawala nang hindi nagpapaalam. Napabuntong-hininga na lang ako, nowadays she's being distant sa amin. Sinabi ko naman sa kaniya na 'wag ikimkim kung may problema siya pero parang lumalabas lang sa kabilang tainga niya.

"Should we order some food?" Shanley asked habang nakaupo sa sofa dahil sa pagod.

Tumango na lang kami dahil late na at hindi pa kami kumakain. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tiningnan kung anong o-order-in. Nagtalo pa kami kung anong dapat bilhin pero sa huli, napagdesisyunan naming mag-order ng group meal sa isang fastfood chain para makatipid. Buti na lang mabilis dumating ang pagkain dahil gutom na gutom na kami sa kalilinis ng apartment. Habang nag-uusap at nagpe-prepare, agad kaming napatingin sa pintuan dahil padabog na pumasok si Red.

"Ayos ka lang? Kain ka mu-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis siyang naglakad at pumasok sa kwarto niya.

"Anong problema no'n?" tanong ni Dawn habang ngumunguya ng fried chicken.

Napatingin ulit kami sa pintuan nang may kumatok at tinatawag ang pangalan niya. "Rashiel, I didn't mean it like that, open the door please."

Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan habang nakikitsismis sa likuran ko ang mga marites.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?!" napakunot ang noo ko habang tumitingin sa kaniya. Bakit narito 'tong hilaw na chinito na 'to?

"Oh shit, you're home. Where's Red?" tanong niya habang nililibot ang mga mata sa loob ng apartment "and so does your friends, great."

"Malamang apartment namin 'to, eh. Anong sadya mo kay Red?" tanong ko. Hindi ko pa rin siya pinapapasok, bahala siyang mainitan diyan sa labas.

"I need to see her. Where is she?" pagpupumilit niya.

"Ano nga muna kasi ang sadya mo sa-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil tinulak agad ako ni Czarina para tingnan nang maigi kung sino ang bwisita namin.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now