Chapter Two

76 5 0
                                    

"Sa'n ka galing?" tanong ko kay Red na dahan-dahang pumapasok sa apartment.

Akala niya siguro tulog pa kami at makakalusot siya. "Sa'n ka natulog?"

Nakaupo ako rito sa lamesa, umiinom ng kape. 7 a.m. na nang nakuwi siya. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa kahahanap namin sa kaniya kagabi. Dito na nga nakatulog ang mga barkada namin dahil sa pagod.

"Wala man lang text o update? Hinanap ka namin hanggang 3 a.m.! Nag-aalala kung ano nang nangyari sa 'yo!" Tumayo ako para ilagay 'yong mug sa sink habang nakakatitig sa kaniya.

Nakayuko lang si red at dahan-dahang umupo sa sofa at ayaw akong harapin. Napakunot-noo ako nang napansing iba na 'yong suot niya. She is now wearing a black leather jacket na mas malaki pa sa kaniya. Halatang panlalaki, oversize na white shirt at saka naka-pajamas na. Halatang natulog sa ibang lugar at hindi na nagpalit.

"Kanino 'yan? May jowa ka na ulit?" nakakunot-noo kong tanong.

Lumaki naman ang mga mata niya at umiling-iling, "No! Hindi ko jowa 'yong gago na 'yon, 'no! Nalasing kasi ako kaya tinulungan niya ako," may pa-waving off gesture pa, mukha tuloy siyang defensive.

Hindi ko na lang siya pinansin at bubuksan na sana ang pinto sa kwarto ko pero parang may naririnig akong nagbubulungan. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Czarina at Shanley, nakadapa na sa harap.

Napakunot-noo na lang ako habang tinititigan sila. Awkward silang tumawa saka tumayo agad. Mga tsismosa talaga!

"Uy, Red! Nakauwi ka na pala? Bakla, sa'n booking mo kagabi? Pamigay naman ng pera diyan, sis!" pabirong sabi ni Czarina kaya naman tiningnan siya nito nang masama habang hinuhubad ang leather jacket.

"Gaga ka, Rina! Akala ko susunod ka sa dance floor? Iniwan mo ako 'te, dahil sa 'yo sa ibang bahay ako nakatulog!"

"Sorry naman sis kung hindi na ako nakabalik! Nagdrama kasi yung OA nating frenny! Pero gwapo ba? Chika ka naman, dali!"

Napatingin si Czarina sa kaniya mula ulo hanggang paa habang kumakain ng pandesal sa may lamesa. "Omg? Ba't ganiyan damit mo? May nangyari ba sa inyo?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay at namumuo sa mukha ang mapaglarong ngiti.

Nakikinig lang ako sa kanila habang busy sila sa pagkain at mag-chikahan sa lamesa. Nagsi-cellphone lang ako, tinitingnan kung imi-message ko ba 'yong naka-match ko. Siya ba talaga 'yon kagabi? O poser lang itong nasa dating app? Mukhang disente naman 'yon at mukhang hindi gumagamit ng dating app. Habang nakatulala sa profile niya, I went back to my senses no'ng narinig ko ang pangalan ko.

"Hoy 'te, alam mo grabeng pag-aalala ni Armani kagabi? Hinahanap ka na niya sa mga katrabaho mo!" sabi ni Czarina habang nilulublob ang pandesal sa kape. "He was worried about you last night, he was afraid something that happened before, will happen again."

Tiningnan ko si Shanley habang inaayos ang buhok niya. Naka-uniform na siya, may pasok yata. Snitch talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan!

Tumingin si Red sa akin at binigyan ako ng malapad na ngiti, nginitian ko siya pabalik. Hindi na kami nagtanong pa kung nasaan man siya kagabi, matanda naman na siya. Magsasabi naman 'yon kung may problema o kung anong nangyari kapag gusto niya. Ayaw namin siyang pilitin dahil hindi naman 'yon malaking bagay, talagang na-trauma lang ako dati at hindi ko pa rin pinapatawad ang sarili ko. Feeling ko kasalanan ko kung anong nangyari sa kaniya noon.

Lumabas naman si Dawn kalaunan mula sa kwarto ni Red, doon kasi siya pinatulog dahil ang likot niya sa kama at hindi makatulog nang maayos sina Czarina at Shanley.

"Tangina mga 'te, ang sakit ng ulo ko! Lutuan mo nga ako ng noodles, Rina!" sigaw ni Dawn habang hawak-hawak ang ulo.

Ginawa ba namang tubig ang vodka? Lakas ng trip nito, 'kala mo talaga parang umiinom lang ng isang litrong tubig.

Match Made in HeavenМесто, где живут истории. Откройте их для себя