CHAPTER 1

67 10 0
                                    

"BOSS! Boss! Wake up! Ma late kana!" Paggising ko sa boss kung tulog mantika.

"I won't be late, 'cause I'm the boss," Sagot niya gamit ang malalim at inaantok na boses. Nagtalukbong siya ng kumot kaya napahilot ako sa aking sentado bago lumapit sa bandang ulohan niya at hinila ang kumot.

"Gigising ka o papaliguan kita ng malamig na tubig?" Panakot ko. Ngunit parang wala itong narinig kaya pumunta ako sa banyo at kumuha ng tubig.

"I'm not joking boss," Seryoso kong sabi pero di parin siya gumalaw, “Talaga lang ha?” Wika ko at ibinuhos sa kanya ang tubig.

"WHAT THE FUCKING FUCK?!" Malakas na sigaw niya at deretsong napabangon sa higaan niya. Matalim niya akong tiningnan pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Padabog at nag salubong ang kilay niya na pumasok sa banyo.

Natawa ako ng mahina nang maalala ang mukha niya. It's pathetic. Pinalitan ko ang Bedsheets niya dahil nabasa ʼyon pagka tapos ay lumapit ako sa walk in closet niya at kumuha ng susuotin niya.

Ganito lagi ang eksena dito sa bahay or should I say mansion niya tuwing umaga. Ako lagi ang Gigising sa kanya, mag handa ng susuotin niya at mag luluto ng pagkain para sa kanya, kahit na may mga kasambahay siya ay ako parin ang nag luluto para sa kanya. Kapag di ko kasi gagawin ʼyon ay tanghali na siyang gigising at di papasok ng opisina. Iiwan niya lahat sakin lahat ng trabaho niya at mag pakasaya habang ako ay stress. Unfair diba? Boss siya pero tamad. Sus.

Bumaba ako at dinala ang tuxedo niya pati necktie.

"Mukhang may mukha na naman na pagsukluban ng langit at lupa ngayon scarlette, iha," Salubong sakin ni manang elda na natatawa.

"Hay naku manang, kung di ko gagawin ʼyon sa kanya di yan gigising at pupunta ng kompanya niya. Kung gigising man yan tanghali na at pupunta ng bar at makipag landian sa mga babae doon." Tugon ko at umirap. Mahina lang na tumawa si manang sa sinabi ko.

Sabay kaming nag lakad ni manang papunta sa kusina. Kumuha ako ng wine at nag salin sa baso. Pina-ikot ikot ko sa kamay ko ang baso na may lamang alak habang nag hihintay sa amo ko.

Nag hahalukip ako sumandal sa island counter ng makita ko ang boss kong nag lakad sa kinaroroonan ko habang salubong ang dalawang kilay.

"Good morning boss," Mapang-asar kong bati sa kanya.

"What's good in the morning?" Masungit na ani niya at kukuha sana ng alak pero pigilan ko siya.

"Nah-uh. Agahan muna bago alak," I said then smirk.

"Ma le-late na tayo kung kakain pa ako," Kukunin na niya sana sa kamay ko pero inilayo ko ʼyon.

"Pwede ka naman ma late. Diba sabi mo, ikaw ang boss?" Naka ngising tanong ko at tinulak siya paupo sa upuan."Eat."

"Wait, bakit ang unfair! Tandaan mo ako ang boss mo," Malamig niyang sabi at masamang tumingin sakin ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. I'm lying if i said that I'm not afraid on his sharp look.

"Sa opisina, Oo pero interms sa pagkain mo. Ako ang masusunod. Understood?" Maldita kong sabi at umupo kaharap niya, "Now, eat na my handsome boss," Malambing kong wika at nilagyan ng pagkain ang plato niya.

Nakita ko ang ilang kasambahay na nagpipigil ng tawa habang naka tingin samin, kasali na doon si manang elda.

Padabog niyang kinuha ang kutsara at nag simulang kumain.

Habang nag hihintay sa kanya na matapos siyang kumain ay kinuha ko ang red lipstick ko.

"It taste bad." Napatigil ako sa pag li-lipstick nang sabihin niya ʼyon.

Secretly Loving My Boss (Hacienterra Series 1) Where stories live. Discover now